CHAPTER 20

2M 41.2K 17.8K
                                    

CHAPTER 20

HINDI alam ni Jergen kung ano ang uunahin niyang gawin sa mga nakatambak na trabaho para sa kanya. Parang bigla niyang gustong magbakasyon sa probinsya nila uli, doon walang stress. At nakakadagdag sa stress niya si Lysander na nauna pa sa kanyang pumasok ng opisina.

Shit!

Huminga siya nang malalim at inumpisahan ang trabaho niya. Hindi pa siya nangangalahati, dumating na si Edna ang sekretarya ng marketing head.

"Jergen," tawag nito sa pansin niya. "Pakibigay naman 'to kay Boss."

Itinigil niya ang ginagawa at humarap sa babae, saka tinanggap ang folder na ibinibigay nito. "Ako na ang bahala rito," sabi niya.

Sa halip na umalis, tinitigan siya ni Edna. "Ano'ng nangyari sa buhok mo?"

Sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri. "Nagpagupit ako. Pangit ba?"

Umiling ang babae. "No. Ang ganda nga, eh, lalo kang gumanda." Kumunot ang noo nito. saka mas itinutok pa ang mga mata sa kanya. "Ano'ng nilalagay mo sa mukha mo? You look radiant today."

Radiant? Siya? Stress nga siya, eh. Baka epekto iyon ng pagbubuntis. "Naku, wala 'to. Hindi lang ako na-stress for a week kaya siguro glowing ako ngayon," nakangiting sabi niya.

"Sabi mo, eh," sabi ni Edna, saka umalis na.

Ilang minuto lang ang binilang ni Jergen, bumukas na naman ang elevator at lumabas do'n ang isang magandang babae. Napakasopistikada nitong tingnan sa suot nitong mamahaling damit. Paano niya nalamang mamahalin? Fan na fan kasi siya ng mga branded na damit pero hindi naman siya nakakabili minsan dahil na rin sa may pinaglalaanan siya ng pera niya.

"Good morning, Ma'am," bati niya sa babae. "How may I help you?"

Nginitian siya nito. "I'm Red Montero," pagpapakilala ng babae sa kanya. "And I'm here for Lysander."

Nanatili ang ngiti sa mga labi niya kahit pa nga medyo nakaramdam siya ng panibugho. Nang banggitin kasi nito ang pangalan ni Lysander ay parang close na close ang dalawa. Nakaramdam ng kirot ang puso niya.

"Ahm." She composed herself. "May appointment po ba kayo, Ma'am?"

The woman chuckled lightly. "Naku, hindi ko na kailangan 'yan. I'm here for personal reason and Lysander knew that I'm coming. So, can I come in now or you want to call your boss first?"

Pilit ang ngiting ininuwestra niya ang kamay sa pinto ng opisina ni Lysander. "Pasok po kayo, Ma'am."

The woman smiled broadly at her. "Thank you, Miss. I'm excited to see him, God, it's been a long time."

Nang mawala ang babae sa harap niya, nawala rin ang pekeng ngiti sa mga labi niya at masama ang tingin sa pintong pinasukan nito.

She missed Lysander? So, may relasyon ang dalawa noon at ngayon nagbabalik si babae at agad namang tinanggap ni lalaki?

Kumuyom ang kamay ni Jergen. "Subukan mo lang, Lysander, ako mismo ang iitak sa 'yo," sabi niya na nagtatagis ang mga bagang.

Ilang segundo pa niyang tinitigan nang matalim ang pinto bago umupo at bumalik sa ginagawa. Ang nakakainis, hindi siya makapag-concentrate dahil palaging pumapasok sa isip niya kung ano ang ginagawa ng babaeng iyon at si Lysander, lalo pa at ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa lumalabas ang babae.

Argh! Mababaliw siya sa kakaisip kaya naman umalis siya sa kinauupuan at nilapitan ang pinto, saka pinihit iyon pabukas. Ganoon na lang ang gulat niya nang makitang naka-lock 'yon.

POSSESSIVE 14: Lysander CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon