CHAPTER 2

2.3M 45.1K 12.2K
                                    

CHAPTER 2

"JERGEN, kailangan na raw ng Marketing Department 'yong layout na inaprubahan ni President," sabi ni Catheya na ipinadala ng nasabing department.

"Jergen, ano na raw ang sabi ni Boss sa ipinadala ni Advertising Department?" sabi ni Susan.

"Jergen, 'yong report daw sabi ng Accounting Department, naaprubahan na ba ni President?" Si Danya.

"Jergen, 'yong lot transfer kay Mr. Hubella, napirmahan na raw ni Boss 'yon?" tanong ni Daisy.

"Jergen, nasaan na raw 'yong payroll para sa inyo ni President? At napirmahan na raw ba ni President 'yong ibang mga papeles para maipasok na sa account ng mga empleyado ang mga sahod nila?"

Gustong sabunutan ni Jergen ang sariling buhok habang sabay-sabay na nagsasalita ang mga empleyado sa harap niya.

Argh! Shit!

Parang sasabog ang ulo niya sa dami ng trabaho na kung tutuusin ay hindi naman sa kanya! Pero dapat relax lang siya. Ayaw niyang ma-stress nang maaga.

Breath in. Breath out. Then, she smiled. "I'll get back to you all. Just give me thirty minutes. Handa na ang lahat. Hahanapin ko lang sa table ko, okay?"

"Sige," sabay-sabay na sabi ng mga empleyadong nasa harap niya at nagsialisan na ang mga ito.

Napabuga ng malalim na hininga si Jergen. Mababaliw na siya kapag nagpatuloy pa iyon. Bakit naman kasi ang tamad-tamad ng boss niya? Ayaw pumasok at ang gusto lang ay ang mag-chill at relax.

Kahit naiinis at nai-stress na, hinanap niya ang mga kailangan at siya na mismo ang naghatid ng mga iyon sa mga departamentong nangangailangan niyon. Pagkatapos ay sinunod niyang trabahuhin ay ang mga report ng layouts para sa mga bahay. Kailangan niya iyong i-compile sa isang folder bago ipakita kay Lysander para aprubahan. Pagkatapos ay iniisa-isa niyang basahin ang mga report ng bawat departamento para tingnan kung kailangan ba ng pirma ng boss o kung hindi naman kailangan. Unfortunately, lahat kailangang pirmahan.

Napatigil lang siya sa pagtatrabaho nang may tumikhim sa harap ng mesa niya. Nag-angat siya ng tingin at kumunot ang noo nang makita ang isang delivery boy.

"May kailangan ka?" nakataas ang kilay na tanong niya.

Ngumiti ang lalaki at alam niyang pilit iyon. It was part of his job to smile at the customers. "Hi po. I'm Emman." May inilabas itong naka-pack na pagkain mula sa malaking bag na dala. "Heto po 'yong order na pagkain ni Mr. Lysander Callahan para kay Miss Jergen Camince. Nandito ho ba siya?"

Ipinakita niya ang Company ID. "That's me." Tumikwas ang isa niyang kilay. "Si Mr. Callahan ang nag-order?"

"Yes po. Binayaran na rin po niya."

Tinanggap ni Jergen ang iniaabot nitong plastic, saka binuksan. Nanubig ang mga bagang niya nang makita ang paborito niyang pagkain.

"Sige po, Ma'am, aalis na po ako. Maraming salamat po." Pagkasabi niyon ay umalis na ang delivery boy.

Siya naman ay kinuha ang cell phone at tinawagan ang tamad niyang boss na agad namang sumagot. Ang wala nga namang ginagawa.

"Boss—"

"Yes. I ordered for you," sansala ni Lysander sa iba pa niyang sasabihin. "I'm sure hindi ka pa kumakain."

"At paano ka naman nakakasiguro?" tanong niya na nakataas ang kilay.

"Because I called the cafeteria. Hindi ka pa raw kumakain do'n." Napalatak ito. "I'm getting worried, Miss Secretary. I don't want you to die in starvation."

POSSESSIVE 14: Lysander CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon