CHAPTER 22
TUMUWID ng tayo si Lysander kaya naman bumangon si Jergen sa pagkakahiga sa mesa at naupo sa gilid niyon. Samantalang si Lysander ay umupo sa upuan na nakaharap sa kanya, nakapalibot ang matitipuno nitong braso sa baywang niya na para bang aalis siya at ayaw siya nitong paalisin.
Hindi pa rin makapaniwalang nakatitig si Jergen sa asawa na matiim na nakatitig sa kanya. Puno ng samu't saring emosyon ang mga mata nito at sa unang pagkakataon, nababasa niya ang nilalaman niyon.
She could see love in his eyes. At para sa kanya ang pagmamahal na 'yon. He did say that he loved her, right? Hindi niya iyon guni-guni lang.
"P-pakiulit nga ng sinabi mo..." nauutal niyang sabi habang hindi pa rin makapaniwalang nakatitig sa asawa.
"I love you." Puno ng sensiredad ang boses nito habang matiim na nakatitig sa kanya. "So darn much, my baby."
An unexplainable happiness filled her heart. "Y-you do?"
Tumango si Lysander. "Matagal na." Humaplos ang kamay nito sa baywang niya at tumigil iyon sa mga hita niya. "Hindi ko lang masabi sa 'yo."
Lalong umawang ang labi niya. "T-totoo talaga 'yan?"
"Yeah." He smiled softly at her while he looked lovingly at her. "Five years, baby. I'd been loving you for five years now."
Parang sasabog ang puso ni Jergen sa sobrang bilis ng tibok niyon. "F-five years? Ganoon na katagal?"
He nodded. "Yeah. Ganoon na katagal. Ganoon na kita katagal kamahal, Jergen." Mahina itong tumawa, saka napailing-iling na para bang hindi makapaniwalang limang taon na nga siya nitong minamahal. "You got me with 'I'm really, really starving to death.'" Natawa na naman ito habang nakatingin sa kanya at hawak ang kamay niya. "You got me with your answer. You caught my attention with your hair color. And you made me fall irrevocably with your feisty attitude. Kapag pinapagalitan mo na ako, hindi ako naiinis, natutuwa ako kasi napapansin mo ako. Hindi ako pumapasok kasi may tiwala ako sa 'yo na hindi mo ipapahamak ang kompanya ko, at natutuwa ako kapag pinupuntahan mo ako sa barn o kaya dito sa bahay para lang pagalitan ako o magpapirma. I felt so special because of that." Tumawa na naman ito at napailing-iling na parang may naaalala. "Hinahayaan nga kitang insultuhin ako at kotongan samahan mo lang akong mag-hiking. Kasi parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita. Kaya naman sinamahan kita nang umuwi ka sa inyo, kasi hindi ko kaya, eh. Alam ko sa sarili ko na hahanap-hanapin kita at maiinis ka na naman sa 'kin kapag tinext kita nang tinext at tinawagan."
Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa kilig na nararamdaman. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Kaya pala sumama ka sa 'kin..." Napailing siya. "'Tapos ang dami mo pang rason, gusto mo lang naman pala akong makasama."
He chuckled. "Yeah... I just don't know what to say to you that time."
Inirapan niya ito. "Alam mo ba kung anong klaseng kaguluhan ang ginawa mo sa puso't isip ko?"
"Same with me, baby." Lysander kissed her hand then he looked intently at her eyes. "At first, I tried so hard to erase what I felt for you. I, ahm..." Parang nahihiya itong ngumiti at napakamot ng ulo. "I tried going out with a lot of women, hence your judgement that I am a playboy. Gusto kong pigilan ang nararamdaman ko, ako kasi iyong tipo ng lalaki na hindi naniniwala sa bagay na 'yan. Hindi ko matanggap sa sarili ko na nababaliw ako sa sekretarya ko. Hindi ko matanggap na 'yong kaligayan ko, nasa mga kamay mo, na ngitian mo lang ako, tingnan nang matagal, masaya na ako, kumpleto na ako. Hindi ko matanggap na baliw na baliw ako sa 'yo pero ikaw, wala lang. Ni hindi mo nga yata ako napapansin noon. At higit sa lahat, hindi ko matanggap na kahit ano'ng gawin ko, kahit saang bansa ako magpunta para makatakas sa presensiya mo... wala, eh, bumabalik pa rin ako rito sa Pilipinas para makita ka.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 14: Lysander Callahan
General FictionShe was his secretary and he was her boss. Plain and simple. No complications. No problem. Nothing. That was Lysander's life before he started desiring his secretary in ways that he couldn't even explain. Siya ang tipo ng tao na walang masyadong pa...