CHAPTER 11
TAHIMIK na kumain ang pamilya ni Jergen habang kasalo nila si Lysander na walang imik din habang kumakain ng cake na binili nila. Nakikiramdam naman si Jergen sa mga magulang niya na panay ang sulyap kay Lysander, lalo na ang kanyang ina na parang sinusuri si Lysander kung makatingin.
Ang katamihikang namamayani ay binasag ng bunso nilang kapatid, si Justine.
"Kuya Lysander, alam mo ba 'yong Xbox?"
Agad na sumagot si Lysander habang nakangiti. "Oo. Mayroon nga ako n'on sa bahay."
Nagningning ang mga mata ni Justine. "Talaga? Ginagamit mo ba, Kuya? Maganda ba?"
"Oo. Maganda. Pero hindi ko naman palaging ginagamit."
"Wow." Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ni Justine. "Dinala mo ba?"
"Justine!" saway ng ama nila sa bunso nilang kapatid. "Kumain ka na diyan."
Napasimangot si Justine pero hindi na nagsalita. Napabuntong-hinga siya nang tumingin sa kanya si Justine na parang humihingi ng tulong. Umiling naman siya para iparating sa bunsong kapatid na makinig na lang sa ama nila.
"Anak," sabi ng kanyang ina. "Kailan ka babalik sa lungsod?"
"Sa makalawa po, 'Nay," sagot niya. "Bakit ho?"
"Nagbabaka-sakali lang, anak, na baka puwedeng mag-extend ka?" Nginitian siya ng ina. "Mag-leave ka muna, anak. Miss ka na namin, eh."
"Naku..." Bumagsak ang mga balikat niya. "Naka-leave ako this week, 'Nay. Ayoko nang mag-leave na naman. Marami pa akong trabaho sa opisina." Bumaling siya kay Lysander. "'Di ba, Boss?"
"Nope." Sa halip na tumingin sa kanya si Lysander, bumaling ito sa kanyang ina. "Puwede naman siyang mag-leave uli."
"But—"
"I'm your boss, baby. You listen to me," sabi ni Lysander sa may diing boses pero hindi iyon ang ikinalaki ng mga mata niya.
Please, please... sana hindi nila napansin... please...
"Baby?" tanong ng ama niya. "Tinawag mo ang anak kong baby?"
Napabungisngis si Jenny. "Bagay naman sila, 'Tay."
"Tinawag mo ang anak kong baby?" Tumayo na ang ama niya at masama ang tingin kay Lysander na mukhang nagulat din sa pagkakadulas nito. "Ano ba talaga ang namamagitan sa inyo ng anak ko, ha? Boss ka lang ba talaga niya? Kanina pa ako nagtitimpi." Kinuha nito ang itak na nasa may lababo. "Sagutin mo ako nang maayos—"
"'Tay!" sigaw niya.
"Ernesto!" galit na sigaw ng kanyang ina, saka tumayo at hinawakan ang kamay ng ama niyang may hawak na itak. Bumaling ito sa kanya. "Jergen, ilabas mo muna ang bisita mo. Pakakalmahin ko lang 'tong tatay mo."
Tumango siya, saka mabilis na tumayo at hinawakan sa kamay si Lysander. Hinila niya ito palabas ng komedor.
"Boss, naman, eh!" Pinandilatan niya ito nang nasa sala na sila. "Sinabi ko na sa 'yong mag-iingat ka sa pananalita mo."
Kinagat nito ang pang-ibabang labi. "Sorry, baby. I slipped."
Inirapan niya ito. "Kasi naman, eh."
"Sorry na." Yumakap si Lysander sa baywang niya, saka hinalik-halikan siya sa pisngi patungo sa mga labi niya. "Sorry na, baby, please? Forgive me?"
Napapikit na lang si Jergen nang angkinin ni Lysander ang mga labi niya. Nawala sa isip niya na nasa sala pala sila ng bahay nila. Kaya nang marinig niya ang boses ng kanyang ina na tinatawag ang pangalan niya, mabilis niyang itinulak si Lysander nang malakas at namumula ang pisngi na humarap sa ina.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 14: Lysander Callahan
General FictionShe was his secretary and he was her boss. Plain and simple. No complications. No problem. Nothing. That was Lysander's life before he started desiring his secretary in ways that he couldn't even explain. Siya ang tipo ng tao na walang masyadong pa...