EPILOGUE

1.9M 41.9K 17.2K
                                    

A/N: I dedicate this to Jergen Camince. Hey girl. Hope you like it. This is for you, girl. Enjoy reading!


EPILOGUE

"DAD," Alexander, Lysander's fifteen years old son whined. "I already told you, it's a no! Ayokong umuwi sa Pilipinas. Ayokong manirahan do'n. Ayokong tumira do'n. At lalong ayokong mag-aral do'n. I already have a life here in Seattle, I have friends here, I don't want to leave, darn it."

Tiningnan ni Lysander nang masama ang panganay niyang anak. "Don't darn it me, Alex, I'll ground you."

Humaba ang nguso ni Alex. "Dad, naman kasi, eh." Pabagsak itong naupo sa mahabang sofa, saka tumingala sa kanya na nakatayo sa harap nito. "Ayokong umuwi sa Pilipinas." Pinagkrus nito ang braso sa harap ng dibdib. "Ayoko," pagmamatigas nito.

Lysander sighed. "Son, alam mong pinagbigyan lang tayo ng mommy mo na manirahan dito sa Seattle dahil nanganib ang buhay niya habang nasa last month siya ng pagbubuntis sa 'yo." Umupo siya sa tabi ng anak, saka tinapik ang balikat nito. "At nang nanganak naman siya, kailangang i-under observation ka at siya kaya naman tumagal tayo rito. Pagkatapos ay hindi na namin naisip na umuwi kasi nasanay tayong manirahan dito at naisip namin na mas maganda ang magiging kinabukasan n'yo rito. Pero ngayon, kailangan ng lolo mo ng mag-aalaga sa kanya kasi may sakit na ang lola mo na siyang nag-aalaga sa kanya noon."

Nanatiling mahaba ang nguso ni Alex. "May ibang kapatid naman si Mommy, 'di ba? Bakit hindi na lang sila?"

"Because your mom loves your grandparents, that's why." Ginulo niya ang buhok ni Alex. "Understand her please, Alex. Palagi na lang si Mommy mo ang umiintindi sa 'tin mula pa noon. Dapat ngayon tayo naman kasi kailangan niya tayo. If you love your mom, you'll return back home to the Philippines with us." Bumuntong-hininga siya. "Doon mo tatapusin ang secondary education mo. Kapag nag-college ka na, you'll return here to study."

Alex sighed, his shoulder slumped in defeat. "Fine. I'll go with you." He looked away. "For Mom."

Lihim na napangiti si Lysander. Alex always have a soft spot for his mom. "Good. I'll tell your mom then."

Tumango si Alex, saka nanatiling tahimik ng ilang segundo bago nagsalita. "So saan tayo titira do'n, Dad?"

That question made him smile. "Doon tayo titira sa bahay ko. Sa Bachelor's Village. It has a very friendly neighborhood. I'm sure hindi ka mabo-bored do'n."

"What's with that creepy smile in your face, Dad?" tanong ng anak niya na hindi niya namalayang nakatitig pala sa kanya.

Mas lumapad ang ngiti niya. "Umuuwi ako sa Pilipinas para magbakasyon pero tig-isang linggo lang 'yon kasi hindi ko kasama ang mommy mo." Mahina siyang natawa. "And now, I'll be back for good. I miss my friends."

"Hmm..." Ihinilig ni Alex ang katawan sa likod ng sofa. "Close ba kayo ng mga kaibigan mo, Dad?"

"Yeah. You could say that." Napailing-iling siya nang maalala ang mga kabaliwan nilang magkakaibigan noon. "We cussed each other. We teased and made fun of each other, the we will laugh after, and that was okay kasi magkakaibigan naman kami. Kapag nag-aaway-away kami, nagbabati din agad. Kapag may nangangailangan ng tulong, full force kami palagi. We always support each other, even when it is a very crazy deed or something wicked. We're like family in our village." Napabuntong-hininga siya. "Fuck, I miss those lunatics."

"Then why did you leave the village?" kapagkuwan ay tanong ng anak niya.

Humugot si Lysander nang malalim na hininga, saka napatitig siya sa kawalan. "Because I love you and your mom, so much." Ngumiti siya. "And leaving the village was the best solution we had that time. Kung hindi kami umalis at nagpunta rito, baka nawala ka na sa 'kin at ang mommy mo. And I would never be the same if that happens. Your mom is my life, you see. I can't live without her so I chose to leave the village for her."

POSSESSIVE 14: Lysander CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon