CHAPTER 9
HINDI NA HUMIHINGA si Jergen habang katabi niya sa kama si Lysander. Ilang minuto na siyang parang robot na nakahiga, hindi gumagalaw at parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang kabang nararamdaman.
Shit! Makakatulog ba siya nito? Baka maging panda na siya bukas dahil sa laki ng eye bags niya.
Lalo siyang nanigas sa kinahihigaan nang yumakap sa baywang niya si Lysander at hinapit siya palapit sa katawan nito.
Gising ba ito o tulog na?
Abot-abot ang kabang nararamdaman na bumaling siya sa katabi. Ganoon na lang ang lakas ng pintig ng puso niya nang makitang gising ang lalaki at matiim itong nakatitig sa kanya.
"Lysander..." mahina niyang sambit sa pangalan nito habang nagkakatitigan sila.
"Hey," Lysander whispered as he rubbed his thumb around her navel, tickling her. "Matulog ka na."
She gave him the are-you-kidding-me look. "Katabi kita. Sa tingin ko, hindi ako makakatulog nang mahimbing."
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Really now?"
"Yes."
"At bakit?"
"Kasi hindi ako sanay na katabi ka," sabi niya na kinakabahang tumagilid ng higa paharap dito. "Saka baka akitin mo ako. Kailangan kong maging handa."
Mahina itong natawa. "Hindi kita aakitin, pangako 'yan."
Inungusan niya ito. "Hindi ako naniniwala sa 'yo, Boss. Ikaw pa, salisi gang ka."
"Maniwala ka." Umangat ang kamay ni Lysander, saka marahang hinaplos ang pisngi niya. "Hindi ko 'yon gagawin sa 'yo."
Umiling siya. "I don't believe you."
"You should." He gave her a soft smile sending her heart into frenzy. "Alam ko naman masakit pa iyong nasa pagitan ng mga hita mo kaya hindi ko gagalawin 'yan hangga't hindi iyan tuluyang gumagaling."
Namilog ang mga mata ni Jergen. So kapag magaling na siya, magiging salisi gang na naman ito at aakitin na naman siya? O kailangan pa ba siyang akitin? Napapansin kasi niyang pagdating sa lalaki, nagiging marupok siya.
Napalunok siya. "K-kapag magaling na ako," nauutal niyang sabi. "Ahm, ano... gagalawin mo na ako?"
Amusement danced in his eyes as he guided her arm to wrapped around his waist. "Only if you let me, baby." Ginawaran siya nito ng halik sa tungki ng ilong. "Now, sleep, you need to rest. Mahaba ang biyahe natin bukas."
Umiling uli siya. "Hindi nga ako makakatulog nang mahimbing dahil katabi kita." Humaba ang nguso niya. "Do you even know how awkward is this? You and me? In the same bed? Facing each other and cuddling?"
"I don't know..." A panty-dropping smile stretched his lips. "But I kinda like this cuddling... with you."
Her heart was hammering inside her chest. "But still, I can't sleep."
Sinuklay nito ang buhok niya. "Let me."
Kumunot ang noo ni Jergen nang bumangon si Lysander at umalis sa kama. Pumasok ito sa walk-in closet. Nang makalabas na ay may dala itong gitara, saka sumampa uli sa kama. Pero sa pagkakataong iyon, nakaupo lang ito habang ang likod ay nakasandal sa headboard.
"Kakantahan kita para makatulog ka," sabi nito habang kinakalabit ang gitara.
Lihim siyang napangiti. Alam niyang maganda ang boses ng lalaki. He played his guitar and sang whenever he was bored and she had the privilege to listen to him before.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 14: Lysander Callahan
General FictionShe was his secretary and he was her boss. Plain and simple. No complications. No problem. Nothing. That was Lysander's life before he started desiring his secretary in ways that he couldn't even explain. Siya ang tipo ng tao na walang masyadong pa...