CHAPTER 18

2M 39.2K 9.9K
                                    

CHAPTER 18

"ANAK, HINDI ka na ba namin mapipigilan?" tanong ng kanyang ina habang palabas sila ni Lysander ng bahay. "Kailangan n'yo na ba talagang bumalik sa Maynila?"

Bakas ang lungkot sa mukha nito kaya naman niyakap niya ito nang mahigpit. "Bibisita uli ako, 'Nay," sabi niya, saka pinakawalan sa pagkakayakap at hinalikan ito sa pisngi. "Mami-miss kita."

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Ako rin. Balik ka, ha?"

Ngumiti siya. "Opo."

"Ikaw na bata ka, kapag hindi mo iningatan ang anak ko, iyong itak ko mababalot iyon ng dugo mo."

Mabilis na napabaling si Jergen sa ama niya nang marinig ang boses nito. Napailing-iling na lang siya nang makitang tinatakot na naman nito si Lysander. It never got old. Ang itak nito palagi ang panakot na tinatawanan lang ni Lysander.

"Alagaan mo ang anak ko." Dinuro ng ama niya si Lysander na panay ang tango. "Kapag 'yang anak ko ay umiyak nang dahil sa 'yo, ako ang papatay sa 'yong hinayupak ka. Hindi ka sasantuhin ng itak ko."

Ngingiti-ngiting sumaludo si Lysander sa ama niya. "Yes, Sir."

Pinukol ito ng masamang tingin ng ama. "Kapag sinaktan mo ang anak ko, patay ka sa 'kin."

"Yes, Sir."

Napailing na lang ang ama niya, saka lumapit sa kanya at niyakap siya bago bumulong. "Gusto ko si Lysander para sa 'yo, anak. Sana magustuhan mo rin siya. Sana mapatawad mo ako sa ginawa kong pamimilit sa inyo." Pagkasabi niyon ay pinakawalan siya nito sa pagkakayakap. "Pero huwag mong sabihin 'yon sa kanya, ha? Lalaki ang ulo niyang hinayupak na 'yan."

Natawa na lang siya, saka napailing-iling. "Sige, 'Tay, aalis na kami."

"Sige. Ingat kayo."

Lumapit sa kanya si Lysander, saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. "Let's go, baby."

Tumango si Jergen at kumaway sa mga magulang at kapatid niya. Sabay silang sumakay ni Lysander sa inarkila nilang tricycle na maghahatid sa kanila sa malawak na lupain na pag-aari ng mayor ng bayang iyon kung saan naroon ang helicopter ni Khairro at hinihintay sila. Hindi niya alam kung bakit naroon ang helicopter nito, baka kaibigan ito ng pamilya.

Hindi na bago kay Jergen ang mabilis na pagtibok ng puso niya nang isubsob ni Lysander ang mukha sa leeg niya.

"Nahihilo ka ba?" tanong niya.

He groaned. "A little."

"Ayos ka lang ba?" tanong niya uli.

He slightly shook his head. "Hindi ako okay." Yumakap ito sa baywang niya. "I like your family, Jergen."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Talaga? Kahit palagi kang tinatakot ni Tatay?"

He chuckled softly. "I like your father, baby." Mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya. "He's a good man."

Parang may humaplos sa puso niya sa sinabi nito tungkol sa ama niya. "Kahit initak ka niya at pinilit na magpakasal, mabuting tao pa rin siya?"

"Yes. He is a good man, Jergen." Hinalikan siya nito sa leeg. "And he's also a good father."

Masuyo siyang ngumiti. "Salamat. Alam kong mabuting tao ang ama ko kaya lang minsan, OA na siya. Tulad na lang ng nangyari sa 'tin na kagagawan niya."

"Hayaan mo na. Tapos na 'yon."

Hindi na lang siya umimik. Ayaw niyang magkasagutan na naman sila ni Lysander dahil sa issue ng kasal nila.

POSSESSIVE 14: Lysander CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon