Nasa daan pa lang ako pauwi ng bahay, nadatnan ko na ang nakababata at kaisa isa kong kapatid na si Ainsley.
"Ate ate! Tara na sa bahay may ipapakita ako sa iyo!" Sabi niya. Tila ba hindi siya mapakali sa excitement niya.
Ano na naman kaya ipapakita nitong lalaking ito? Jusko baka mamaya isang robot kuno daw na gawa sa plastic bottles ulit! Pangarap kasi niya maging scientist pag laki niya eh."Ano na naman ba ipapakita mo na bagong invention ha?" Sabi ko naman.
"Basta ate! Hehe. Magugustuhan mo ito!" Sagot niya naman sabay hila sa aking kamay.
Habang naglalakad kami, nakarinig siya ng bell.
Bell ng ice cream. Yung nag iikot.
"Hala ate! Ice cream! Bili mo ako ate! Cookies and cream!" Sabi niya.
At dahil alam kong gustung gusto niya iyon, binilhan ko na lang siya.
Ayan, may nginangata na tuloy siya kaya hindi na dada ng dada.
"Ate Lucy, ang salap ng ice cleam! Hala di ko na masabi yung lettel al ko! Hala! Wala nako lettel al!" Gulat na gulat talaga siya eh. Nanlaki pa talaga ng todo todo yung mata niya sa gulat! Nawala daw kasi yung letter al.
"Anong al ka diyan? Wala kaya sa alphabet ang al!" Natatawa kong sabi.
"Lettel al! As in Q, al, s, t! Yun yon! As in Loal!" Sabi niya with matching tirik mata pa!
"Roar, hindi loal. Okay?"
"Basta ate al yun, mamaya masasabi ko na ulit yung lettel al." Sabi niya habang todo ang tingin sa cookies and cream niyang ice cream.
Pagkarating namin sa bahay, hindi pa rin ubos ni Ainsley yung ice cream niya. Tuwang tuwa pa niyang ipinakita kay mama yung ice cream niya. By that time, nagluluto na ng hapunan si mama.
"Mama! Tignan niyo po oh! Ice cleam na cookies and cleam! Ang salap mama oh! Gusto niyo po?" Alok ni Ainsley.
"Hindi na. Nako! Wag mong kainin yang ice cream mo na yan dito sa loob ng bahay! Tutulo na naman yan pag natunaw! Lalanggamin pa tayo dito!" Sabi naman ni mama.
Lumabas muna si Ainsley at naupo dun sa upuan na nasa labas. Tuwang tuwa pa rin siya kahit na hindi pa rin bumabalik yung letter 'al' niya.
Habang hinihintay kong matapos si Ainsley, nagbihis muna ako ng pambahay. Nang matapos na ako, umupo ako sa sofa dun sa may living room. Taray, living room talaga eh. Iba talaga ang dating minsan pag dinaan sa english.
Nag scroll muna ako ng aking phone. Literal na scroll lang. As in scroll to the right, scroll to the left, scroll up and down sa notification box. Hindi ko alam kung ano kasi pipindutin ko eh. Di ko feel.
Habang busy ako kakaisip ng kung ano ang pipindutin kong application sa phone ko, di ko namalayan na papalapit na pala si Ainsley sa akin. Tumatakbo pala siya.
Nalaman ko na lang na nandiyan na siya nung dinaganan niya ako at sinabing..
"SANDWIIIIIICHHH!! YES NADAGANAN KO SI ATE LUCY WAHAHA! DINAIG KO PA YUNG SA WWE HEHEHE HERE COMES AINSLEY WITH HIS LETTER 'R'! WALA NA YUNG AL!" Natatawang sabi ni Ainsley habang pinapalo yung mukha ko. Jusko naman itong batang ito! WWE tapos nananampal? Kala ko ba gusto nitong maging scienist? Bakit biglang naging wrestler?!
"Akala ko ba gusto mo maging scientist? Wrestler na ba gusto mo maging paglaki mo?" Tanong ko kay Ainsley habang kinikiliti ko siya.
"Ay! Ate buti pinaalala mo! Ate wait mo po ako dito may kukunin lang ako, yung sinasabi ko sa yo kanina!" Tuwang tuwang sinabi ni Ainsley.
BINABASA MO ANG
Decoding Tadhana
Mystery / ThrillerMga tanong na hindi masagot. May sagot nga ba? Nangyayari ba talaga? May dahilan ba ang bawat pangyayari? O baka naman ito'y si Tadhana lamang, Pinaglalaruan tayo, Nag iiwan ng mga kuro kuro, Ngunit wala naman palang tanong at sagot na dapat nating...