Lucy
HINDI PA RIN ako makapaniwala sa nakita namin kahapon. Parang ako yung bata sa panaginip ko na takbo lang ng takbo kahit wala nang maintindihan, basta makatakas. (Kahit walang kasiguraduhang makakatakas ako ng ligtas.)
Ang tanging gusto ko lang ay ang magkaroon ng kapayapaan o peace of mind, ika nga nila Theo.
Namali lang ba talaga yung gumawa ng lapida o hindi? May hindi ba ako nalalaman?
At saka kaanu- ano niya yung babaeng naka itim na belo?
Hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili ko. Gagawin ko na kahit alam kong pwede akong malagay sa alanganin.
Gagawin ko ulit ang bagay na muntikan nang magdala sa akin sa kapahamakan. -- Ang itinuro sa akin ni Luchor noong musmos pa lamang kami nila Helga.
~~
Sinubukan kong i-hack ang IP address ng website ng isang government agency na nagtatala ng mga death certificates ng mga tao.
In-encode ko ang pangalang 'Stacey Olbañez' at may sampung resulta ang lumabas.
Ang ibang Stacey na nakita ko ay may iba't ibang nationality. Mayroong Stacey na mukhang Amerikana, mayroon ding singkit ang mga mata.
Sa sampung iyon, ay hindi ko natagpuan si Stacey-- yung hinahanap ko.
Bakit wala siya?
Naisipan kong tignan ang mga description profiles ng sampung Stacey.
Yung babaeng mukhang Amerikana, ay isa nga talagang mamamayan ng Amerika dati. Nanirahan lang at naging opisyal na mamamayan ng Pilipinas, dahil sa nanirahan siya kasama ng kaniyang asawa. Yung isa naman ay nagta- trabaho sa isang factory na nasunugan. Maraming kwento ang mga Stacey na ito.
Sa siyam na aking nabasa, ay wala pa ring tumutugma sa aking hinahanap. Itong pang huli na lang ang aking pag- asa.
Pinindot ko ang profile ng pang sampung Stacey na nasa listahan at binasa ang mga naka- tala doon.
Nang binasa ko ang description, nangilid ang luha sa mga mata ko.
Buhay pa si Stacey. Niloko niya kaming lahat.
Hindi talaga Stacey ang pangalan niya, dahil sa pangalan iyon ng ate niyang namayapa.
Hindi yung kaibigan ko ang nandito, kundi ang ate niya.
Kaparehas na kaparehas ng mga nakatala dito ang nakaukit sa lapida.
Birthdate: 18 March 2000 6:22 pm
Address: Block 13 Lot 1 Terrif street, Plum Homes, Brgy. Dulos II, Pangasinan
Family Members:
Therese Olbañez (mother)
George Olbañez (father)
Sera Eureka Olbañez (sister)
Last Occupation: Grade 8 Student
Date of Death: September 23, 2014 3:45 am
Where: Inside Shefford High School's Science Laboratory
Reason: (Proposed/ no proof/ no witness) The victim accidentally swallowed arsenic instead of her drinking water.Now I already knew why she betrayed us right before we met her.
Gusto niyang maghiganti. She's thirsty for justice. She's hungry for revenge.
And the only thing to stop her from causing collateral damage is to satisfy her needs.
BINABASA MO ANG
Decoding Tadhana
Mistério / SuspenseMga tanong na hindi masagot. May sagot nga ba? Nangyayari ba talaga? May dahilan ba ang bawat pangyayari? O baka naman ito'y si Tadhana lamang, Pinaglalaruan tayo, Nag iiwan ng mga kuro kuro, Ngunit wala naman palang tanong at sagot na dapat nating...