MAKALIPAS ANG tatlong araw mula nang masolve namin ang kaso ni Hazan, ay wala pa ring dumudulog sa The Cops para humingi ng tulong. Masyado atang matiwasay sa school na ito.
Ang bunga? Ang sarap ng buhay naming apat dito sa loob ng headquarters. Aral, lamon, sulat, satsat. Aral, lamon, sulat, satsat. Minsan, ay dito na din namin napag isipan ni Gingka na gumawa ng mga articles para sa aming weekly school paper. Mas tahimik kasi dito.
"Pwede na ba natin ifeature ang The Cops sa Elysium Organ?" Tanong ko kay Ms. EIC.
"Uhm." Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Hindi pa eh. Hindi pa kasi umaabot sa feature standards ang club. Pero kung gusto mo, pwede kang mag feature ng paglutas sa kaso ni Hazan. Interviewhin mo si Mr. President natin."
Tumango ako at nagpatuloy sa pagsusulat. Kaming tatlo nina Gingka at Helga lang ang nasa loob ng clubroom kaya't napag isipan kong mamaya na lang interviewhin si Theo.
"Wait lang ah? May aasikasuhin lang ako na output. Nakalimutan kong ipasa." Paalam ni Helga.
Kami na lang ni Gingka ang nasa loob ng clubroom.
Di nagtagal, ay may narinig kaming katok mula sa pintuan ng aming club room.
"Tao po?" Sabi ng boses mula sa labas.
"Pasok. Bukas yang pinto." Ang sabi ko naman.
Bumukas ang pintuan ng clubroom at bigla kong narinig ang ingay na nanggagaling sa ibang mga estudyante mula sa labas. Nakita din namin ang isang babaeng nakasalamin. Payat lang ang kaniyang pangangatawan, maputi at matangkad. Unti unti niyang binubuksan ang pintuan habang nakatungo.
"Uhm." Inayos niya ang kaniyang salamin. Nakatayo lamang siya sa tabi ng pintuang nakabukas pa rin sa ngayon. "Ako nga po pala si Hazel Estacio, ang Public Information Officer ng Student Council. Nandito po ako dahil sa may gustong kumausap sa iyo, Miss Lucy Lacebal."
Napalingon siya sa labas ng room. Sumenyas siya na tila pinapapasok niya ang kung sinuman sa loob.
Tumingin muli sa amin si Hazel na naging dahilan upang tignan ko rin siya.
Biglang may pumasok na babaeng tila pamilyar sa akin. Nasa bandang forties na ang kaniyang hitsura. Naka mint green na polo shirt at naka tokong. Naka pusod din ang kaniyang hazelnut brown na buhok.
"Siya si Mrs. Therese Olbañez, nanay ng isang dating estudyante dito ng Macbeth na si Stacey Olbañez." Nagpaubaya ng daan si Hazel kay tita Therese. "Mauna na po ako." Umalis na agad si Hazel at isinara niya ang pintuan.
Biglang nanahimik ang paligid.
Habang papalapit sa amin si tita Therese, pakiramdam ko ay parang paralisado ang aking buong katawan. Nakakakilabot ang aura niya, at tila may atraso ako.
Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa kaniya. Parang kada hakbang niya ay mas lumalaki ang potensiyal kong maging isang estatwa na lang.
"A-ah.. Maupo ho kayo madam!" Nag alok si Gingka si tita Therese ng isang monobloc chair sa tapat ng desk ko.
Umupo si tita Therese sa upuan na binigay ni Gingka. "Salamat."
Naging awkward ang atmospera sa loob ng clubroom. Bakit kaya siya nandito? Konektado ba ito kay Stacey?
"Lucy." Kalmado ang kaniyang boses. That makes me think that she's creepy. Pag kalmado, paniguradong delikado. Parang isang ilog. Kapag malakas ang agos ng tubig, mababaw lang. Pero kapag kalmado, malalim.
"I bet may hint ka na kung bakit ako nandito ngayon." Sabi ni tita Therese.
Lalakasan ko na ang loob ko.
BINABASA MO ANG
Decoding Tadhana
Mystery / ThrillerMga tanong na hindi masagot. May sagot nga ba? Nangyayari ba talaga? May dahilan ba ang bawat pangyayari? O baka naman ito'y si Tadhana lamang, Pinaglalaruan tayo, Nag iiwan ng mga kuro kuro, Ngunit wala naman palang tanong at sagot na dapat nating...