HINDI AKO dinadapuan ng antok kaya napag isipan kong buksan muna ang aking social media account.
Nakatatak pa rin sa aking utak ang mga nangyari kanina. Kung paano ako pagsalitaan ni tita Therese tungkol sa pagkawala ni Stacey. Ano nga ba kasi talaga ang nangyari sa kaniya?
Dahil sa lalim ng aking iniisip, parang nagkaroon na ng sariling buhay ang aking mga daliri. Scroll na lang ito ng scroll kahit hindi ko nababasa. Kung saan saan kasi lumilipad ang isip ko eh!
Natigilan lang ako nang nag pop ang notification box ng aking phone. Nakita kong isa itong chat mula kay Theo.
10:00pm
Theo Amadeo: Yow, watsup. It's already 10:00 pm.
Me: Ye ryt.
Theo Amadeo: Hindi ba't nasabi mo sa kin dati na 9:00 pa lang tulog ka na? Ano bumabagabag sayo?
Me: Wala.
Theo Amadeo: Meron eh!
Me: Kung magaling ka na junior consultant, hulaan mo kung bakit.
Theo Amadeo: Probably dahil sa nangyari kanina. Duh? Kahit hindi consultant malalaman yan.
Me: -.-
Theo Amadeo: Did you know that "-.-" means letter "K" in Morse code? Ahehe.
10:15 pm
Theo Amadeo: Oops. Sorry. Mukhang hindi ka na mabibiro.
Me: Okay lang. Tama ka nga pala, tungkol dun sa kanina kaya gising pa ako hanggang ngayon. Ewan ko ba, hindi ako matahimik eh.
Paano kasi, parang hindi ayon ang lahat. Hindi naman kami nag away, hindi ko rin naman na siya nakita mula nung nalaman na namin na siya ang salarin sa pagkawala ni sir Tholmes.
Theo Amadeo: Why don't you create a closure for the two of you? I mean, wala naman na siya sa mundong ito, so hindi na siguro issue ang pagbisita mo sa puntod niya para maging papaya na ang lahat?
Me: Papaya? Anong gagawin pag naging papaya na lahat? Ipangsasahog mo at gagawing Tinola?
Theo Amadeo: Typographical error. P-A-Y-A-P-A at hindi P-A-P-A-Y-A. Ayan. Itinama ko na.
Me: Haha. Tama ka, siguro kailangan ko ngang bisitahin si Stacey. This weekend kaya sa tingin mo pwede? Tatanungin ko rin si Tita Therese kung san siya nakahimlay.
Theo Amadeo: Yeeeees. Road to kaPAYAPAAN ha? Peace of mind.
Me: Okay. Pero..
Theo Amadeo: PERO ANO?!?!
Me: Wala akong kasama papunta sa sementeryo. Ano yun ako lang mag isa? Baka multuhin naman ako!
Theo Amadeo: Psh. Edi I'll go with you na rin, para maimbestigahan na rin natin.
Me: Maimbestigahan ang alin?! Akala ko ba sabi mo kaPAYAPAAN?
Theo Amadeo: Wala pala. Sabi ko nga, sasama ako sayo.
Me: 'kay. Tulog na ko.
Theo Amadeo: K. Peace of mind ha? PEACE OF MIND. Payapang papaya.
Hindi na ako bumanat pa ng hirit dahil sa ngayon ay naramdaman kong dumapo na sa akin ang antok.
BINABASA MO ANG
Decoding Tadhana
Mystery / ThrillerMga tanong na hindi masagot. May sagot nga ba? Nangyayari ba talaga? May dahilan ba ang bawat pangyayari? O baka naman ito'y si Tadhana lamang, Pinaglalaruan tayo, Nag iiwan ng mga kuro kuro, Ngunit wala naman palang tanong at sagot na dapat nating...