7th: The Cursed Tree (Part II)

10 1 0
                                    

NAGTAGAL NG isang oras ang usapan namin ni Theo tungkol sa pagsugpo namin sa mastermind ng kasong nirefer ni Yesha.

"Is everything clear?" Isinara na niya ang kanyang mini notebook.

"Yeah. I hope everything will turn out right."

"And not left." He added.

Tumawa kaming dalawa kahit na hindi naman talaga nakakatawa yung punchline na iyon.

Tinignan ko ang aking orasan at ngayon ko lang napagtantong 11:30 na. May time pa para makapaglakad pauwi at maabutan ang tanghalian.

"Uwi na ako. Sabi ni mama before lunch daw dapat nakauwi na ako eh." Paliwanag ko.

Naunahan akong tumayo ni Theo at nag unat siya na para bang kakagising niya lang. "O siya, sige na uwi na rin ako. May aasikasuhin pa ako. Sayang naman ang suspension of classes kung hindi susulitin kahit na one day lang ito."

"Oo nga eh." Tumayo na rin ako mula sa aking kinauupuan. Bago kami umalis, tinignan ko muna kung may naiwan akong gamit. Wala nga akong naiwan, pero si Theo, mukhang meron.

"Uy! Ballpen mo naiwan mo!" Tinuro ko yung kinalalagyan nung ballpen niya.

Napatingin siya sa direksyong tinuturo ng kamay ko. "Ah bayaan mo na yan, wala naman nang tinta eh." Ayun lang ang kanyang sinabi at nauna na siyang lumabas.

Nagsimula na kaming maglakad. Dumistansiya ako ng kaunti mula sa kanya. Nasa bandang likuran niya ako. Baka kasi pag may makakita sa amin na kakilala din namin ay magtaka at magduda kung bakit kami close.

Walang imikan ang paglalakad na ito. Walang nagsalita sa aming dalawa. May time na naman tuloy akong pagtuunan ng pansin ang nasa paligid.

Nang malapit na kami sa tindahan na binilhan ko kanina, kumaliwa siya doon at tumayo sa tapat ng sliding door ng comshop.

"Lucy, sige na. Mag cocomshop muna ako kasi may ichecheck lang ako." Pataas baba ang dalawa niyang kilay.

"Okay sige, una na ako." Ako naman, ulo ko ang taas baba.

Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad pauwi. Tumingin ako sa aking phone at nakita kong 11:36 na. Sa bawat hakbang ko, hindi ko maimagine na magsosolve talaga ako ng isang case. Will we succeed in capturing the culprit behind this so called curse?

.

Nang makarating ako sa aming bahay, napansin kong nangangamoy adobo ang paligid. Pumunta ako sa kusina, at naabutang nagluluto pa si mama.

"Ma, nandito na po ako." Sabi ko kay mama.

Nagmano ako sa kanya at pagkatapos noon ay naupo muna ako sa sofa sa living room.

Nagcellphone muna ako para hindi ako mabagot. Naalala kong may inintroduce nga palang blog sa akin si Helga, kaya minabuti kong tignan ulit kung may bagong post.

5 minutes ago

Ang aking pagtatangkang sugpuin ang lahat ng kontra'y napakahirap.
BTW, Gusto niyo bang malaman ang mga kinakaharap ko sa bawat araw?
-HanaTad

Ah, so hindi pa ba niya pinopost sa blog na ito ang lahat ng ginagawa niya? Pero mukhang nakaka excite mabasa ang mga napag dadaanan niya kada araw.

Nagcomment ako sa kanyang blog.

Sige po! Please?

Napansin kong marami din palang nagbabasa ng blogs niya dahil sa 3k likes at more 2k na comments. Siguro kung may follow button dito, more than 5,000 na ang followers ni Hana Tad.

Decoding TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon