11th: Breakout

4 1 0
                                    

Lucy

AT DAHIL SABADO ngayon at wala kaming assignment, napag isipan kong mag rejuvenate muna through drinking a cup of coffee.

Nandito ako sa loob ng Peige's Café. Langhap na langhap ko ang aroma ng barakong kape na inihahanda ng isang staff para sa kapwa ko customer. Nasa table ko naman ang isang tasa ng white iced coffee at isang waffle sandwich.

Maaliwalas ang spot na kinuha ko. Wala gaanong dumadaan sa gilid ko't hindi ganoon ka disturbing ang scenario sa labas. Isang malawak na garden na may maraming klase ng halaman at bulaklak ang aking nakikita mula sa tapat ng glass wall.

Taimtim akong nagmemeryenda.

Bzzzzz!!

From: Theo

Yow, punta ka dito ngayon sa Piege's Café, yung upuang malapit sa entrance. Need to talk to you right now. Confidential thing.

Aba sandali, nandito rin siya sa café? Maganda na spot ko! Ayoko ngang lumipat!

To: Theo

Hep. No. Ikaw pumunta dito sa spot ko. Coincidence na nasa café tayong dalawa? Basta dito sa may malapit sa counter. Mas maaliwalas at peaceful dito.

Wala pang isang minuto nang masend ko ang message na iyon, ay nasa tapat ko na agad si Theo. Hindi na siya nangamusta pa, at kaagad umupo sa bakanteng upuan sa tapat ko.

"Ano pag uusapan?" Straightforward kong sinabi.

Naka berdeng polo shirt si Theo ngayon.

Mula sa bulsa ng kaniyang polo shirt, ay isinukbit niya ang kaniyang kamay at kinuha ang kaniyang phone.

Nabasa ko kung ano ang pinapakita niya:

From: Mrs. Barnes

Good afternoon sir! Napag alaman ko pong kasapi kayo ng Police Officials, at dahil po doon ay inaanyayahan namin kayo na magtayo ng isang organization sa Elysium High bilang isang Investigating Organization. Ang magiging layunin lang naman po nito ay ang mas masiguro ang seguridad ng lahat na nasa E.H... Inaasahan po namin ang inyong kasagutan!

-Mrs. Barnes, OIC of the Elysium High

"Okay?" Ibinalik ko sa kaniya ang phone. "At anong dahilan kung bakit mo ito pinapabasa?"

Ibinalik niya ang phone sa kaniyang bulsa. "Ako daw ang magiging president ng organization na iyon. Hindi naman pwedeng ako lang member diba? Club iyon. Hindi pwede ang mga pulis dahil sa masyado silang busy, plus, outsiders sila. Hindi ba't bawal ang outsiders sa pagsali ng organizations sa school?"

So is he telling that I am probable of being a member of an Investigatory Organization in our school?

"Oo. Kung ano man iniisip mo, ikaw talaga ang nauna kong naisip na lapitan. Kailangan ko ng members. Isama mo na rin si Helga para marami rami naman tayo doon."

Eh?

"At ano naman mapapala ko pag um- oo ako?"

He smirked.

"Of course, bukod sa dagdag sa extracurricular activity points ang pagsali sa organization nito, magkakaroon ka ng tambayan, dahil sa airconditioned ang headquarters. Kumpleto naman na ang gamit, kasi sabi ni Mrs. Barnes, as long as pumayag ako, complete na ang facilities. Members na nga lang. Bawal magtayo ang isang organization ng iisa o dalawa lamang ang members."

Decoding TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon