Hindi ko na alam kung ano pang mga kagimbal- gimbal na pangyayari ang pwedeng maganap ngayong araw.
Nang matanaw pa lamang namin ang asul na building na may nakalagay na Dulos Police Station sa labas ng aming sinasakyan, kaagad na akong nakaramdam ng paninibago.
"Ganito pala ang feeling sa presinto. Kahit hindi tayo mga preso, parang uncomfy." Sabi ni Tris habang pinagmamasdan ang labas ng police station sa tabi ng aming sinakyan.
Ipinark ng tatay ni Theo ang sasakyan sa parking lot ng station, at nauna nang bumaba. Sumunod naman si Theo, and then kami ni Tris.
I breathed deeply as I make a step. Ang daming pumapasok na thoughts sa utak ko ngayon. I need to help my mind be clearer. Kung may cleaning app lang talaga ang utak ko, hay.
"Alam mo, hindi ako sanay na tinatawag kang Tris."
Napalingon naman sa akin si Tris. "Gusto mo talaga akong tawaging Helga?"
Tumango ako.
"Uhm.. Okay. Just call me Helga." Sabi niya. Agad na rin siyang naglakad patungo sa loob ng station nang sinabi niya iyon. Hindi na niya ako hinayaang makapag comment pa.
May pagkatahimik sa labas ng station. Pero pagdating mo sa loob, mararamdaman mo na agad ang aura ng color blue. Grabe, favorite color ko, nasa presinto!
May mga lalaking mga naka asul na uniporme, of course, common sense, mga pulis. May iba na naka poker face, habang ang iba ay busy sa mga paper works. Autopsy reports? Maybe.
Inanyayahan kami ng tatay ni Theo na umupo sa monobloc chair, katabi ang isang desk na may plate na may pangalang nakalagay.
Deltron Amadeo
"Ayan ata pangalan ng tatay ni Theo oh." Bulong sa akin ni Tri-- Helga, habang nakanguso siya sa direksyon ng pangalan.
Akmang sasagutin ko sana ng oo nga si Helga, nang biglang umupo sa swivel chair na nasa likod ng desk ang nakakunot ang noo na si Theo na may dala dalang white folder.
"Iniinterview na ng isang pulis yung mga suspects. Base dito sa report, may nag utos daw sa kanila." Sabi ni Theo. Still, nakakunot ang noo, at focus ang tingin sa kanyang binabasa.
"Uhm. So.. May.. M-mastermind? Ano daw pakay nila?" Tanong ko.
"Yes. May mastermind. Naalala niyo yung sinabi niyong may sinabi yung suspek sa phone na 'Eureka'?" Isinara ni Theo ang folder at tinignan kaming dalawa ni Helga.
"Eureka ang pangalan ng mastermind? Oh my." Tumingin sa akin si Helga. "I told you! Eure-"
"No. Eureka means 'I have found'. Hindi Eureka ang pangalan ng mastermind." Sabi ni Theo.
"What?!" Gulat na gulat si Helga. Nagkamali ang kanyang mga hula.
"Ang totoo niyan, gumagamit ng mga iba't ibang klase ng pakikipag usap ang mga suspects, dun sa sinabi niyang eureka, save me, eureka, it's a cue na pinapapunta na niya ang kausap niya or iba pang utusan ng mastermind." Theo said while he's turning his chair.
Nakapagtataka. Paano naman niya masasabi na pinapapunta ng suspects ang mastermind, eh kung save me ang sinabi? Tapos mukhang natatakot pa siya sa kausap niya.
"I can feel na naguguluhan kayo sa mga pinagsasabi ko." Sabi ni Theo. Itinigil niya ang pag ikot ng kanyang upuan at humarap sa amin ni Helga. "Base sa mga dinaanan niyo, makakabuo ka ng isang acronym. Well, sad to say. Planado ang krimen na ito. Kayo talaga ang pakay nila." Isinukbit ni Theo ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang cardigan at may inilabas na isang maliit na notebook.
BINABASA MO ANG
Decoding Tadhana
Mystery / ThrillerMga tanong na hindi masagot. May sagot nga ba? Nangyayari ba talaga? May dahilan ba ang bawat pangyayari? O baka naman ito'y si Tadhana lamang, Pinaglalaruan tayo, Nag iiwan ng mga kuro kuro, Ngunit wala naman palang tanong at sagot na dapat nating...