12th: Writer's Creed

4 1 0
                                    

A/N: LONG CHAPTER WEEWOO SLASH DOUBLE CODED.

~~

HINIHINTAY KO lang ang pagtunog ng bell bilang hudyat ng recess time. Medyo nawawala tuloy ako sa focus sa lesson namin ngayong Math time.

Nang wala na kaming ginagawa, kaagad kong nilapitan si Helga na busy sa kakasulat sa kaniyang notebook.

"Helga! May tanong ako sa iyo." Ngayon ko lang ulit siya nakausap. Hindi kasi kami nagsabay sa pagpasok kanina. Napaaga ako ng pagpasok sa school.

"Ano 'yon?" Tanong niya.

"Gusto mo bang sumali sa isang Investigatory Organization? Yung tipong mag iimbestiga ng cases pero within the school?" Nakiupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Helga.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at tila nagniningning ang mga ito nang marinig niya ang mga sinabi ko.

"Tinatanong pa ba yan?" Isinara niya ang kaniyang notebook at nakipag eye-to-eye contact sa akin. "Magkakaroon daw ba ng organization? Pwede nang sumali? Sinong mamumuno? Kailan inannounce?" Wow. Ang bilis niya namang magdecide.

Parang bazooka kung magtanong si Helga. Hindi ba pwedeng ISA- ISA lang muna? Ang hirap kasi kapag SABAY- SABAY. Kailangan ko tuloy sagutin ng sunod sunod lahat ng tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim at saka nginitian ko siya. "Yep. Magkakaroon na ng club na ganoon. Pwede ka nang sumali kasi inimbitahan ka ng President at kaisa- isang student member ng club na iyon, walang iba kung hindi si Theo. Ang class adviser ay si sir Luke. Hindi inannounce ng public ito kasi wala pang kasiguraduhan kung official na maitatayo ang club, pero kung magkakaroon na ng atleast three student members, then iwewelcome na ang club na iyon."

Lumawak ang ngiti ni Helga na kaunting kaunti na lang ay magiging clown na ang laki ng bunganga niya sa sobrang lawak.

Teka, speaking of Mr. Club President, nasaan si Theo?

Luminga ako sa room, at walang bakas ni Theo. Hindi ko rin natatanaw ang kaniyang bag. Hindi ba siya pumasok? Kaklase ko siya, bakit hindi ko agad napansin?

Krrrriiiingggg!!!~~~

"Oh my gosh. Helga, sumama ka sa akin." Hinila ko sa kamay si Helga. Recess time na. "Oras na para pumunta ka sa Organization na iyon. Para sa registration. Yun ay kung nasa headquarters ang President."

Napakunot siya ng noo habang sumusunod lang siya sa panghihila ko sa kaniya. Hawak hawak niya ang isang pack ng biscuit na hindi niya pa natapos buksan.

At dahil recess time, maraming estudyante na nasa labas ng kani kanilang room. Dahil sa nagmamadali kami, ay nabunggo namin ang ilan sa kanila.

"Aray!"

"Ouch! Mag ingat ka naman!"

"HOY KITANG MAY TAO DIBA?"

"Maghunos dili naman kayo mga te!"

Sa bawat pagbunggo namin sa iba, ay bigla rin naman kaming nagsosorry. Kailangan talagang makapunta ng mabilis sa headquarters dahil sa baka wala doon ang president. Wala nga sa room, eh doon pa kaya?

Nakarating na kami sa tapat ng aming destinasyon.

Ang headquarters ng bagong Investigatory Org. na nasa tabi lamang ng guidance office.

Kumatok kami sa kulay asul na pintuan ng kwarto, na may nakalagay pang karatula na may nakasulat na THE NEW INVESTIGATORY CLUB.
WELCOME TO THE BRAVEST ONE. COME IN, WE'RE OPEN.

Ngunit nakailang katok na kami ni Helga, ay wala pa ring sumasagot o nagbubukas ng pinto. Minabuti na lang naming buksan ito.

Pagkabukas namin sa asul na pinto, ay naramdaman ko bigla ang bugso ng malamig at malakas na hangin na panigurado ay nagmumula sa aircon ng kwarto.

Decoding TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon