Theo
Ang dali lang naman mahuli ang killer. Alam kong nandito na siya sa likuran ko, at alam kong natataranta na sa kabilang linya si Lucy kahit na hindi ko sila nakikita o naririnig.
I have a plan.
I know what to do.
At anong gagawin ko?
Ah, simply play cool here and let the other characters do their role.
Narinig kong bumukas bigla ang pinto.
BANG! BANG! BANG! BANG!
"Theo! Anak!" Sabi ng tatay kong gulat na gulat sa pangyayari."Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?!" Lumapit siya sa kinauupuan ko't niyakap ako.
Tinignan ko ang killer na ngayo'y nakahandusay na sa sahig ng kwarto ko. Naka kulay itim siya. Yung costume na mala Grim Reaper.
Dugo.
Tila ba lumangoy siya sa swimming pool na puno ng dugo. Pero hindi ko pa rin maaninag ang kanyang mukha, dahil sa natatakpan ito ng kanyang mahabang buhok. Babae ang killer?
Binalik ko ang tingin ko sa aking tatay na alalang alala sa akin.
"Okay lang po ako, pa. Alam ko po talaga na susugod ang killer na ito." Sabi ko sakanya. Tumayo ako mula sa aking swivel chair at tinapik ko siya sa likod upang pruweba na okay lang talaga ako.
Wala naman kasi talagang problema. Everything was part of the show. Written and directed by your very own, Theo Amadeo.
"Pa, natatandaan niyo po ba yung nagreklamo sa inyo tungkol sa punong may sumpa? Wala po talagang sumpa iyon. Base sa pag iimbestiga ko, mayroon talagang pumapatay sa mga nakasabit na pangalan doon. At siya na iyon." Itinuro ko ang babaeng nakahandusay sa sahig.
Nilapitan siya ni papa at tinignan kung sino iyon. Nang maalis na ang nakabalakid na buhok mula sa kanyang mukha, nanlaki ang kanyang mga mata.
Dahil sa nagtaka ako sa reaksyon ni papa, ay lumapit din ako sa katawan upang tignan kung sino ang serial killer.
Nanlaki at pinawisan ako ng malamig ng makita ko kung sino ang nakahandusay.
Si Yesha.
"Diba siya din ang nagsumbong sa atin? Paanong siya din ang pumapatay?" Sabi ni papa. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang mga kapwa niya pulis.
Isinara ko ang laptop ko, at kinuha ang aking tablet. Ini-on ko ito, at nagpakita ako ng isang seryosong mukha kay Lucy.
Pagka on ko, nakita ko siyang umiiyak.
"Bakit ka umiiyak? Nahuli na ang serial killer at kailanman ay hindi na siya makakapang biktima!" Nagtungo ako sa sala, at doon ako naupo sa silya.
"Nakakainis ka! Akala ko mamamatay ka na at akala ko mabubulilyaso yung plano!" Ang lakas naman humagulgol ni Lucy!
Tinawanan ko siya ng malakas.
"Oh bakit ka tumatawa?!" Nagalit siya. Pinunasan niya ang kanyang luha.
"Hindi ko naman sinabi sa iyo ang plano eh. Sinabi ko lang yung gagawin mo. Gagawin MO LANG."
Napatingin siya at napakunot ang noo.
"Ano ba yung plano talaga?" Napatigil na ang kanyang maingay na paghagulgol.
"Ehem." I forced a cough.
BINABASA MO ANG
Decoding Tadhana
Misterio / SuspensoMga tanong na hindi masagot. May sagot nga ba? Nangyayari ba talaga? May dahilan ba ang bawat pangyayari? O baka naman ito'y si Tadhana lamang, Pinaglalaruan tayo, Nag iiwan ng mga kuro kuro, Ngunit wala naman palang tanong at sagot na dapat nating...