Malapit nang mag alas dose ng madaling araw at nagsisimula na akong kilabutan ng todo todo.
Nakakaimagine na naman ako ng mga kung anu anong multo plus nadagdag pa itong mga magiging kapitbahay namin bukas - este mamaya.
Sana pagpikit at pagkatapos ko ulit magdasal, sana maasam ko na ang hinihingi kong tulog.
I closed my eyes and remained calm. I cleared my mind and feel the presence of sleepiness.
.
.
.~~TIK TILAOOOOOOOOOKKKK!!~~
Oh. My. Gooseness.
May araw na?
Tinignan ko ang aking orasan kahit na medyo nanlalabo pa ang mata ko at kinukusot ko pa ito.
5:30 am.
Only five hours of sleep! Pero di na ako gaanong inaantok.
Kailangan ko nang bumangon para maaga akong makapasok sa school ngayon.
Buti na lang nga at di ako nanaginip.
At dahil knowing myself bilang isang tamad na babae everytime na kakagising pa lang, nag muni muni muna ako bago bumangon.
Pinagmasdan ko ang aking kwarto na feeling ko ay soothing sa pakiramdam.
I'm surrounded with color blue that made me feel complete.
At dahil medyo nakarecover na ako sa katamaran, bumangon ako kaagad, at inayos ang aking napakagulong kama.
Ganito ba ako matulog? Napakalikot ko bang matulog at may nagsisihulugang mga unan?
Nang matapos ko nang tupiin ang kumot kong kulay blue din, kaagad kong kinuha ang aking phone at nag scroll muna sa twitter.
*posted 3 minutes ago*:
Choco Luchor @Luchor_colate
New home, new surroundings, pero hindi new year :)) #JGNH #Just #Got #New #Home #JMI #Just #Moved #InAyaw naman niya sa hashtag ano?
Kapitbahay na nga pala namin sila mula ngayon!
At dahil gusto kong puro good vibes na lang ang matira sa akin, I'll just shake the issue of and start moving. Literally. Maliligo na muna ako and then kakain.
.
Habang ako'y nagsha shampoo, hindi ko maiwasang maisip ang mangyayari sa araw na ito.
Makakasalubong ko kaya ang isa sa kanila at magiging awkward ba? O baka naman kinalimutan na nila yun?
Sa lalim ng aking pag iisip, hindi ko namalayan na marami nang tumutulong shampoo sa mukha ko.
"Aray! Oh shems! Aaahhh!! Yung mata ko goshems!"
Pag minamalas ka nga naman! Ang hapdi! Kahit anong banlaw ko hindi pa rin nawawala ang hapdi ng mata ko.
Nakakastress mag overthink.
Nakagamit ako ng tatlong tabo ng tubig sa pagtanggal lang ng sabon. Kusot kung kusot na talaga ako sa aking mata.
Nang naka move on na yung hapdi sa mata ko buhat nung shampoo na yun, tinapos ko na ang paliligo. Although nag wa- wonder pa rin ako, atleast hindi na singlalim nung kanina. Ayoko nang malagyan ng shampoo o sabon ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Decoding Tadhana
Mistério / SuspenseMga tanong na hindi masagot. May sagot nga ba? Nangyayari ba talaga? May dahilan ba ang bawat pangyayari? O baka naman ito'y si Tadhana lamang, Pinaglalaruan tayo, Nag iiwan ng mga kuro kuro, Ngunit wala naman palang tanong at sagot na dapat nating...