Hello Monday!
Tatlong linggo na pala ang nakakalipas mula nung pasukan.
Nakakatamad pang pumasok, dahil madadali pa lang naman mga lessons at saka kinikilala pa ng lahat ang isa't isa. Lalo na ang mga teachers namin, panigurado kinikilala na nila ang mga estudyante nila ng buong taon.
Sa madaling salita, hindi pa nagsisimula ang thrill ng school year na ito.
Umagang umaga. Hindi pa tuluyang humahapdi ang aking balat sa pagtama ng sinag ng araw. Akala ko napakaganda ng magiging araw ko, pero pagkapasok na pagkapasok ko sa aming maaliwalas at malinis na classroom, kaagad na bumungad sakin ang pagmumukha ng bestfriend ko. Naalala ko tuloy yung napanaginipan ko.
"Hola Peppa piggy pig pag pug! Musta? Ganda ng araw mo ngayon ah!" Masiglang bati ni Stacey. Pero hindi ko siguradong pambati niya iyan dahil sa may Peppa pig pag pug.
"Maganda kanina, pero nung nang asar ka na, ayun. Sira agad." Sabi ko naman.
"Huwag ka nang magalit!" Pahabol niya habang sinusundan ako. Ako naman, itong papunta sa upuan ko, dala dala ang aking bag at poker face kuno.
Pagkaupo na pagkaupo ko, dinaldal ako ng tuluyan ni Stacey.
Alam mo ba ganito ganyan ganyan ganito, tapos ayun ganyan ganyan, ganito ganito.
Walang humpay na kwento, akala mo di kami nagkita kahapon sa simbahan."Nga pala nakita kita kahapon sa simbahan!" Sabi niya. Speaking of. Speaking of.
"Alam ko." Matipid kong sagot.
"Dumaldal ka naman!" Sabi niya.
"Ano pa ba idadaldal ko eh nasabi mo na yata lahat lahat lahat lahat lahat lahat eh." Sagot ko naman.
"Minsan hindi ko talaga maintindihan yang mood mo eh. Hindi ko alam kung nagpapaka ironic ka ba sa sinasabi mo o hindi--"
Agad kaming natigilan sa pag uusap dahil sa nanahimik na ang aming mga kaklase. Nakita namin na papasok na si sir Luke Tholmes.
"Okay. Good morning class! Before we start anything else today, I would like all of you to meet your new classmate, Theo Amadeo. Uhm, Theo, pasok ka na dito sa room." Sabi ni sir habang nakatingin sa may pintuan na pinakamalapit sakanya. Dalawa kasi pintuan kada room eh.
Hindi nagtagal mula nung pinapasok ni sir yung bagong classmate namin, sumagot siya kaagad.
"U-uhm... O-opo sir.." Sabi niya habang nakatungo siyang pumapasok sa loob ng room. Parang nahihiya pa eh. Naman! Pagdating din naman ng araw magiging makapal din naman ang face niya buhat na rin sa mga classmates namin na wala kang ibang choice kundi makipagsabayan.
~~
Recess time.Nasa loob lang ako ngayon ng room, dahil hindi ko trip bumili ng pagkain ngayon sa canteen. Gusto ko kasing madagdagan ang ipon ko eh. Hehe..
Ang ginawa ko na lang ay manghingi ng baon ni Stacey. Wala namang kaso dun, kasi halos araw araw din naman siyang nanghihingi sa akin ng baon ko sa tuwing may dala o kaya binili ako.
Habang ngumunguya ako ng kapirasong chocolate chip cookie na singliit lang ng limang pisong barya, naglalaro ako ng minecraft. Pero tila ba wala ako sa sarili dahil pa ikot ikot lang ako dun habang naka fly mode ako. Walang dagdag blocks, walang laban laban, ikot lang talaga.
Kasi naman, may naririnig akong usapan. Usapan ng mga kaklase kong lalaki. Well, di naman lahat. Siguro mga lima lang sila. Nasa likuran namin ni Stacey eh.
"Pre. Nandito siya. Kaklase natin. Alam niyo ba, doon sa dati naming school, siga yan? Nambubugbog, nambubully, basta kung anu ano." Sabi nung isa. Di ko matukoy kung sino.
BINABASA MO ANG
Decoding Tadhana
Mystery / ThrillerMga tanong na hindi masagot. May sagot nga ba? Nangyayari ba talaga? May dahilan ba ang bawat pangyayari? O baka naman ito'y si Tadhana lamang, Pinaglalaruan tayo, Nag iiwan ng mga kuro kuro, Ngunit wala naman palang tanong at sagot na dapat nating...