Napakamot ako sa aking ulo. Ano ba ang meron sa scientific calculator na iyon? Nagcocompute ba ng grades si sir kahit na-abduct siya?
Nilapitan ko ang walang malay na si sir Luke. Everything seems to be well planned. Walang bakas ng kahit anong kapalpakan ang dumukot kay sir. Except nga lang doon sa calculator.
Habang busy na gumagawa ng report ang mga pulis, ay inimbestigahan namin ang scene.
"Hey, Lucy." Kinalabit ako ni Helga. Tila ba may napansin siyang kahina- hinala. "Look at the calculator. I mean, on what's encoded in the calculator."
Napalapit kami ni Theo sa pwesto ni Helga.
Nang tinignan namin kung ano ang nakalagay sa calculator, ay nakakita kami ng numbers na tila ba nakalimutang pindutin ang equal sign dahil sa may addition sign pa ito:
32+181+12+89+16+19+227+9+232
"Ano ito?" Takang taka si Helga.
"Baka napindot lang ng paa ni sir." I told them.
Binuhat na ng mga pulis ang katawan ni sir na hanggang ngayo'y wala pa ring malay. Dadalhin na nila sa ospital para rin mabantayan ang kalagayan niya.
"Imposible." Bulong ni Theo.
At paano naman naging imposible? Malay mo, akala mo lang na sinadya, pero sa totoo lang hindi naman talaga intensiyong mapindot yung calculator.
Pero oo nga naman, consultant si Theo. Sanay na sanay na siya sa mga ganitong klase ng kaso.
"Lucy. I wanted you to decode those numbers. You can work together with Helga, if you want. Malakas ang kutob ko na nireveal na ni Sir Tholmes ang salarin." Tila naging isa na lang akong assistant na walang muwang sa mundo.
Iniabot sa akin ni Theo ang calculator, at nagpatuloy siya sa pag iimbestiga sa buong scene.
"Pinangarap ba natin maging mga detective or consultant or kahit maging assistant ng isang consultant?" Tanong ni Helga.
"Hindi nga eh. Pero heto tayo ngayon, parang kape. Three-in-One. Detective na nga, assistant at consultant pa!" Natawa naman si Helga sa hirit ko. At least, hindi na boring ang gagawin namin.
Inilabas ni Helga ang kaniyang phone mula sa bulsa ng kaniyang palda, at tila ba nagtype siya doon.
Natigilan siya at nanliit ang kaniyang mga mata.
"Is there something wrong?" I asked.
"Uhm. Hindi ata yan isang simpleng code. Wala dito sa list yung possible codes eh." Kumunot ang kaniyang noo't nag type ulit.
Pinagmasdan kong muli ang series of numbers. Kung code nga ito, ano ang ipinarating nito?
Let me rephrase that.
Kung code nga ito, at si Sir Luke ang gumawa, ano ang gusto niyang sabihin? Ano ang kaniyang POSIBLENG gustong sabihin sa kung sino man ang makakabasa nito?
Maaring kung ano ang detalye ng kaso.
"Panigurado, tungkol sa abduction case ang sinasabi ng mga numbers na ito." Sabi ko kay Helga. Napatingin siya sa akin at bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata.
Nanahimik kaming dalawa ng ilang segundo.
"Why don't we identify the hobbies of sir Luke para ma pinpoint natin or madeduce ang code na ginamit niya?" Parang naliwanagan kaming dalawa sa idea niyang iyon.
Sino at anong klaseng tao nga ba si sir Luke Tholmes?
"Pwede nating simulan sa kung anong nakikita natin sa kaniya." Sabi ni Helga.
BINABASA MO ANG
Decoding Tadhana
Mystery / ThrillerMga tanong na hindi masagot. May sagot nga ba? Nangyayari ba talaga? May dahilan ba ang bawat pangyayari? O baka naman ito'y si Tadhana lamang, Pinaglalaruan tayo, Nag iiwan ng mga kuro kuro, Ngunit wala naman palang tanong at sagot na dapat nating...