If ever na importante nga yung mga laman ng cellphone ni Helga, maybe hindi nga lang 'Cellphone LANG' iyon. Maybe it's a confidential property of hers, or maybe her life is inside it.
"Look at the evil thief. May kasabwat pa pala siya. Naka motor pa. Lakas talaga ng loob." Pataray na sinabi ni Helga. Bakas mo sa kaniyang kinikilos ngayon ang galit at inis.
Habang tutok na tutok si Helga sa pagmamasid sa nagnakaw ng phone niya, ako naman ang nagmasid sa dinadaanan namin.
Nilabas ko ang aking notebook at ballpen at kaagad na inilista ang bawat dinaanan namin, pangalan ng mga kalsada, kabilang na rin ang mga establishments or landmarks.
-Mula school, diretso lang hanggang sa makarating sa Santol st.
-From Santol st., turn right to Apitong st. Along that street, you will see the 'Thimper Convenience store' .
-When you've reached the crossing down the street, you'll turn right to the Valle Elmundo st.
-Diretso lang"Hey anong ginagawa mo?" Tanong ni Helga habang tinitignan ang sinusulat ko.
"Sinusulat ko yung mga nadaanan natin."
Pinagmamasdan ko pa rin ang mga nadadaanan namin, hanggang sa tumigil ang tricycle sa pag andar.
"Mga ineng, hanggang dito na lang. Bawal na ata ipasok itong tricycle ko sa loob niyan." Sabi nung driver.
"P-po? Sige po.. Magkano?" Tanong ni Helga.
"Ala eh, singkwenta na lang. Dalawa na kayo." Sagot naman ni manong driver.
Ala eh, Batangueño pa ata si manong!
Iniabot ko ang isang bente at isang limang piso ko kay Helga, habang siya naman ay naglabas ng dalawang sampu at isang limang piso.
Tinignan ko kung nasaan na kami.
"Mildred Estates?" Sabi ni Helga.
Magnanakaw na nag ii-stay sa isang sosyal na Villa?
Kinuha ko ang notebook ko at dinagdag ang Mildred Estates.
"Look at those thieves, they stopped right beside that.. Wait.. Bakit bulok na bahay? I mean, tignan mo!" Sabi niya.
Nang tinignan ko yung itinuturo ni Helga, nakita ko yung riding in tandem na pumasok sa isang unfinished building.
"Sundan na natin." I told Helga. May nararamdaman akong takot, pero mas dumaig ang kagustuhan kong tulungan itong kasama ko.
Buti na lang at hindi gaanong kalayuan sa entrance ng estate na ito ang pinasukan ng dalawang iyon.
Sinubukan naming maglakad ni Helga na para bang wala kaming sinusundan. Baka kasi kami pa ang mapagkamalang magnanakaw.
Nang matuntong na namin ang unfinished building, nakaramdam na ata ng kaba si Helga.
"Grabe, I never thought na aabot tayo dito para sa phone ko. Natatakot na ako." Sabi niya.
"Ginusto mo eh. Baka ayaw mo nang ituloy?" I smirked. I tried to be sarcastic.
"No! Maraming masasayang! Oras, yung pinamasahe natin saka yung pagod! We're already here! Why should we give up?!" Mukhang nabuhayan na ng lakas ng loob si Helga at naglakad papasok ng building. My sarcasm worked on her!
Naglakad kami patungo sa entrance ng building at tahimik na hinanap ang dalawang magnanakaw.
Nag ikot ikot kami para mahanap ang riding in tandem. Hindi na namin binalak pang maghiwalay sa paghahanap ni Helga, dahil baka may mangyari pang masama sa amin.
BINABASA MO ANG
Decoding Tadhana
Misterio / SuspensoMga tanong na hindi masagot. May sagot nga ba? Nangyayari ba talaga? May dahilan ba ang bawat pangyayari? O baka naman ito'y si Tadhana lamang, Pinaglalaruan tayo, Nag iiwan ng mga kuro kuro, Ngunit wala naman palang tanong at sagot na dapat nating...