9th: Science UNfair (Part I)

3 1 0
                                    

Lucy

Umagang umaga pa lamang, tila naging bubuyog na ang lahat dahil sa magkanda ugaga na sila sa nakapaskil sa bulletin board.

"Hey! Lucy! Nakita mo yung nasa bulletin board?" Tanong ni Helga.

Tumango lang ako. Oo, alam ko iyon. Kahit hindi pa Science Month, may Science Fair na. Preparations iyon ng aming school para malaman kung sinu sino ang mga ilalaban sa darating na Division Science and Technology Fair Congress. Ang coordinator ng event na ito, ay walang iba, kundi ang adviser naming mga tiga Macbeth na si Sir Luke.

"I can see that you're not interested." Hindi ko na namalayang wala na pala sa tabi ko si Helga. Nagulat na lang ako nang mukha ni Theo ang naaninag ko. Close na ba kami?

"At paano mo naman nasabi?" Itinaas ko ang kaliwa kong kilay.

"Ang dali mo kayang basahin." Matipid niyang sagot. Ngumiti lang siya, at nag walk out na agad. Wow naman. Nag walk out si Mr Consultant.

Pero totoo namang hindi talaga ako interesado. Hindi iyan ang forte ko. Maybe si Stacey interesado. Sa Science siya magaling eh. Kabisado niya ang lahat ng elements na nasa periodic table, pati na rin ang atomic number nito. Atomic weight na lang daw ang kinakabisado niya. Dahil doon, hindi kataka takang nanalo siya last year sa Division at Regional Science Quiz Bee. Take note: FIRST Place sa Division, at THIRD Place sa Regionals.

"Lucy! Oh my gosh, hulaan mo kung saan ako kasali!" Speaking of Stacey, heto siya sa ngayon. Napaka energetic niya. Halatang excited eh! Sobrang lawak ng kaniyang ngiti.

"Quiz Bee ulit?" Napakamot ako sa ulo. Wala naman na akong alam na sinasalihan niya maliban sa Quiz Bee.

"Mali!" Napahalakhak siya. "Ngayong year na ito, kasali ako sa S.I.M.!"

Napakunot ako ng noo. Anong sim? Sim card? O yung laro?

"S-I-M." Inispell out niya ng malakas. "Science Investigatory Material. Ang gagawin dun, ay mag reresearch ng isang bagay na maaring i-alter or improvise upang maging alternative para mas madaling magamit ng tao. Kumbaga, WE WILL BE INNOVATORS FOR A WHILE."

Napangiti na lang ako. Nagkukunwaring naintindihan ko talaga ang mga sinabi niya. Pero sa totoo lang, mas gugustuhin ko na lang na hintayin ang pag usad ng mga innovation na iyan, kesa sa ako ang mag imbento. Paano naman kasi diba kung mag iimbento ako't palpak?

I'd rather solve mysteries than creating problems that aren't that probable.

Hindi pa nangangalahati ang sermon ni Stacey sa sim na yan, ay dumating ulit si Helga.

"Stacey! Balita ko sasali ka daw doon sa S-I-M?" Tinatapik ni Helga ang balikat ni Stacey, habang nakapinta ang isang maninging na ngiti sa kaniyang labi.

Hindi na nakasagot pa si Stacey.

Natigilan ng pansamantala ang pagkanda ugaga ng lahat. Pumasok kasi sa room namin ang Officer-In-Charge ng school namin na si Mrs. Barnes. Half Filipina, half American.

"Good morning nine- Macbeth. I wanted you to know na from final, ay naging tentative ang schedule ng mga activities for our school's Science Fair. This is due to the absence of the coordinator- or your adviser rather,  since yesterday. Supposedly kasi, dapat may meeting kaming mga faculty members, pero yung coordinator naman mismo wala. I would like to ask an apology to each one of you for the inconvenience. Lalo na sa mga excited diyan." Napuno ng pagtataka ang aming room. Walang nagtangkang magsalita, dahil sa lahat kami'y nadismaya.

Decoding TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon