Nakatulala lang ako ngayong araw. Bagot na bagot. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi. Ayan, pagkagising ko kanina, naligo at nagbihis ako ng school uniform. Pagkababa ko, sabi ni mama na suspended daw ang pasok.
May pruweba pa! Pinapanood ako ng balita sa TV, pinakita ang post ng aming governor, at sinabing pumunta si tita Linda at sinabing walang pasok.
So ano na ngayon? Suspended kahit hindi naman umuulan.
At dahil sa wala pa namang inuutos sa akin si mama, at busy kakalaro ng video games si Ainsley, napag isipan kong bumili muna ng meryenda. Nakakagutom ding mabagot ano!
Dinala ko ang aking kulay pulang payong. Mas mabuti nang maging handa sa pag ulan. May pagkamahangin sa labas, kaya talagang mapapapikit ka dahil sa may mga naglilipanang buhangin.
Nang makarating ako sa tindahan, aba, napaka haggard ko na. Parang sampung bundok at tatlong dagat ata ang dinaanan ko sa sobrang gulo ng aking buhok.
"Pabili nga po ng corn chips. Yung tig piso po." Sabi ko sa tinderang nakaupo't naglalaro ng candy crush.
Tinitigan niya muna ako bago tumayo at kumilos. "Ilan?"
"Dalawa po." Inabot ko na agad ang limang piso at kaagad kong inayos ang tali ko sa buhok. Hinagod ko muna ito at ginawang suklay ang aking daliri, nang bigla pang nahulog yung tali.
Pinulot ko ito mula sa sahig at pagkatayo ko, nakita ko lang ang tatlong piso, at isang corn chip. Tinignan ko ang tindera, at nakita kong nakaupo na ulit siya habang naglalaro ng Candy Crush.
"Bakit po isa-"
"Tiga rito ka lang din pala?" Isang pamilyar na boses na tila may nginangata ang nagsalita sa bandang likuran ko.
Humarap ako sa pinanggalingan ng boses, at laking gulat ko nang makita ko kung sino iyon.
"T-theo!" Naka kulay asul siyang t-shirt at naka pang basketball (jersey) short siya. Nakahawak pa rin ako sa buhok kong hindi nakatali. "Anong ginagawa mo rito?"
Binuhos niya ang laman ng corn chips sa bunganga niya bago magsalita. "Bibili sana."
Tinali ko na ang aking buhok at kinuha ang sukli at ang isang corn chip. Hinarap ko ulit siya at kinunutan ng noo. "Bakit mo kinuha yung binili ko?!"
Binuhos na niya ang natitirang laman ng kanyang kinakain sa kanyang bunganga at tinapon ang balat ng kinain niya. "Wala lang. Hehe."
Inirapan ko siya ng mata at napag isipan kong umalis na lang. Kaso, naglalakad na ako pauwi, nang bigla niya akong hinila sa braso.
"Oh ano na naman? Kukunin mo pa itong isa kong corn chip?!" Pagalit kong tinanong si Theo.
Tinaas niya lang ang kanyang mga kilay.
"Ayoko." Sabi ko naman. Nagpatuloy na ako sa paglalakad.
"May isa akong nadiscover na kaso. Ang isinumpang puno. Gusto mo akong tulungan? Pupuntahan ko iyon ngayon." Sabi niya. Napatigil naman ako kaagad pagkarinig ko pa lang nung salitang nadiscover na kaso. At nung sinabi niyang Ang isinumpang puno, ang dami ko na agad naiisip. Ano ba iyon? May kapre? Tiyanak? Maligno? Duwende?
"U-uhm. Gusto sana kaso hindi ako nagpaalam sa nanay ko eh.
"Paalam ka na bilis. Now na. Time is precious, time is gold." Dali dali niya akong itinulak at pinagmamadali pa niya ako. "Hintayin kita dito sa tindahan."
Naglakad na ulit ako. Ano ipapaalam ko? Kung project naman, parang hindi angkop. Com shop kaya? Hmm..
Pagkapasok ko sa loob ng bahay, hinanap na agad ng mata ko si mama. Nakita ko siya na nakaupo sa living room at nanonood ng kanyang paboritong teleserye.
BINABASA MO ANG
Decoding Tadhana
Mystery / ThrillerMga tanong na hindi masagot. May sagot nga ba? Nangyayari ba talaga? May dahilan ba ang bawat pangyayari? O baka naman ito'y si Tadhana lamang, Pinaglalaruan tayo, Nag iiwan ng mga kuro kuro, Ngunit wala naman palang tanong at sagot na dapat nating...