1 - Kirby's Death

2.4K 66 24
                                    

Tatlong oras na ang nakakalipas simula nung mangyari ang insidente pero ramdam parin sa bawat estudyante ang takot at pagkabahala. Ang mga babae ay nagsisiiyakan pa rin habang ang karamihan sa mga lalake ay tulala. Naglalakad na ang lahat patungo sa kani kanilang classroom, pinapasok na kasi sila ng mga guro nila dahil may nagsidatingan ng mga pulis.

"Sigurado akong wala sa katinuan ang taong gumawa nun." Tiim bagang na sabi ni Kean.

"Wala sa katinuan? O naghihiganti? Look! Isa ang skwelahan natin sa may pinakamadaming kaso ng bullying. Hindi natin alam. Baka isa sa kanila ang nakapag-isip na maghiganti."

Umiling si Kean.

"Bakit? Hindi imposible yun!" Luke

"Ang alam ko, lahat ng biktima ng bullying ay patay na. Nagsuicide."

Napatigil si Luke sa pagsasalita. Alam niya kasi na tama si Kean. Lahat nga ng biktima ng bullying ay patay na.

May biglang pumasok sa isip ni Luke.

"Paano kung si--"

"Si Lyka? No. Hindi niya magagawa yun. Alam kong napakaduwag ng babaeng yun." Natatawang sagot nalang ni Kean. Naaalala niya kasi ang napakaduwag na mukha nito. Isa rin kasi si Lyka sa binubully ng grupo nila pero gaya nga ng sabi ni Luke, hanggang ngayon ay buhay pa din ito.

"Haha! Nga naman! Kinakausap mo pa nga, umiiyak na." Natatawa ring sabi ni Luke at nag-apir pa sila.

Nasa tapat na ng classroom ang dalawa nung biglang bumukas ang pintuan nito at iniluwa si Lyka. Nagkatinginan silang dalawa. Ang alam nila, sila pa lang ang na-unang umakyat dito sa 2nd floor kung saan ang classroom nila dahil nakikitsismis pa ang iba sa baba.

"K-kanina ka pa dito, Lyka?" Takang tanong ni Luke.

"H-hindi... K-kakapasok k-ko pa lang." Nakayukong sagot ni Lyka at nagmamadaling tumalikod at naglakad palayo.

Nagkibit balikat lang sila Luke at Kean at pumasok na ng classroom.

---

Kagat na ang dilim pero hindi parin umuuwi sina Kirby at Jigs dahil may hinihintay pa sila.

"Ang tagal naman ata ng babaeng yun?!" Urat na sabi ni Kirby habang tinatadyakan ang ugat ng Mahogany tree na nasa harap niya.

"Maghiwahiwalay kaya tayo tapos hanapin natin ang putang yun? Halatang iniiwasan tayo ng babaeng yun eh! Ayaw ata manglibre eh!"

Tumango lang si Kirby at naglakad na palayo para hanapin ang binubully nilang si Lyka. Ang alam kasi nila, hindi pa yun umuuwi ng ganitong oras dahil magbabasa pa yun sa library. Ngayon pa na marami silang assignment ay sigurado silang andun lang yun.

Nasa hagdan na si Kirby patungo sa 2nd floor nang may maapakan siyang matulis na bagay. Tumagos yun sa rubber shoes na sout niya kung kaya't natusok ang paa niya.

"Aray! Tangina! Ang sakit!" Napa-upo siya sa hagdan. Kinuha niya ang cellphone at inilawan ang paa niya. Isang matulis na pako na naka-usli sa clay ang naapakan niya

"Tangina! Sino bang baliw ang nakahulog nito dito?! Shit!" Natanong nalang niya kahit alam niyang wala rin namang sasagot sa kanya dahil mag-isa lang siya sa hagdan.

Maya maya pa, nanlaki nalang ang mata niya nang may biglang naglagay ng tali sa leeg niya.

"Hindi ko yan nahulog, Kirby. Talagang sinadya kong ilagay yan diyan." Bulong ng isang babaeng may malamig na boses sa tainga niya. Sasagot pa sana siya pero hindi na niya iyon nagawa dahil biglang hinila ng babae ang inilagay nitong tali sa leeg niya. Napahiga siya sa hagdan habang hawak hawak ang leeg.

"W-wag...N-n-nasasa...kal a-ako! T-tulong!" Mahinang nasambit nalang ni Kirby habang kinakaladkad siya ng babae pataas ng hagdan.

Hindi na makahinga si Kirby. Nanlalabo narin ang mga mata niya nang mapansin niyang biglang lumuwag ang tali sa leeg niya. Bigla ring tumigil sa kakahila ang babae sa kanya. Dali dali siyang humigop ng hangin habang abala ang mga kamay niya sa pagkapa ng mga bagay na pwedeng ipampukpok sa babae.

"Sige. Langhap lang ng hangin dahil mamaya, hindi ka na makakalanghap niyan." Napatigil siya sa pagkapa.

"S-sino ka?! B-bakit mo g-ginawa sakin yun?! H-hindi mo ba a-alam na a-ako si Kirby Sarmiento?!"

Mahinang tumawa ang babaeng nakatayo sa harapan niya.

"Syempre, alam ko. Kaya ko nga ginawa yun dahil ikaw si Kirby Sarmiento."

Dahan dahang lumuhod ang babae sa harap niya kaya agad siyang napaatras.

"Ako, Kirby? Kilala mo ba ako?"

Pilit niyang inaaninag ang mukha ng babae ngunit hindi niya ito mamukhaan dahil narin sa may kadiliman ang lugar kung san siya kinaladkad ng babae.

"Hindi mo ako maaninag? Teka...Tutulungan kita para makilala mo naman ako."

Lumapit ang babae sa kanya. Kinapa kapa nito ang mga kamay niya.

"Akin na ang mga kamay mo, Kirby."

Itinago ni Kirby ang mga kamay niya sa likuran pero marahas rin itong nahila ng babae at nilagyan ng posas.

"Anong--"

Kinapa ulet nito ang mukha niya na parang may hinahanap at nung makapa na nito ang mata niya ay dahan dahan nitong hinila ang talukap ng mata niya.

"A-anong g-gagawin mo?" Kinakabahang tanong ni Kirby nang biglang hiniwa nito ang talukap ng mata niya.

"AAAAAAAAAH! W-WA--" Di na nakasigaw pa si Kirby dahil pinasukan agad ng babae ang bibig niya ng panyo.

"Aalisin natin tong talukap mo dahil sagabal ito sa pag-aaninag mo sakin. Naiintindihan mo ba, Kirby?" Malumanay na sabi ng babae habang patuloy parin nitong hinihiwa ang kabilang talukap ng mata ni Kirby.

Pagkatapos nitong hiwain ang mga talukap ni Kirby ay inalis nito ang panyo sa bibig ng lalake.

"Ngayon Kirby, naaaninag mo na ba ako?"

"BAKIT MO AKO GINAGANITO?! W-WALA AKONG G-GINAWA SA--"

Biglang sinakal ng babae si Kirby.

"TALAGA?! SIGURADO KANG WALA KANG GINAWA SAKIN?! HA KIRBY?! WALA?!" Nanggagalaiti sa galit na sigaw ng babae kay Kirby.

Hindi na nakasagot pa si Kirby dahil hindi na siya makahinga dahil sa pagkakasakal sa kanya ng babae.

"AKO ANG WALANG GINAWA SA INYO KIRBY! AKO ANG WALANG GINAWA PERO BAKIT NIYO AKO TINATRATO NG MAS MASAHOL PA SA HAYOP?! BAKIT?!"

Mas hinigpitan pa ng babae ang pagkakasakal kay Kirby. Nararamdaman narin niya na bumabaon na ang mga kuko ng babae sa leeg niya.

"Ngayon. Oras ko na ngayon! Oras ko na ngayon para maghiganti sa inyo! Oras ko na!"

Sa isang iglap ay bumaon sa leeg ni Kirby ang ginamit na kutsilyo ng babae sa paghiwa ng talukap niya. Gusto niyang sumigaw sa sakit pero hindi niya magawa dahil mismong sa vocal cords niya bumaon ang kutsilyo.

---

Niligo niya ang patay na katawan ni Kirby sa C.R. Hindi pwedeng matrace ng mga pulis ang finger prints niya dahil kapag nangyari yun, di na siya makakapaghiganti pa sa iba.

Pagkatapos niyang burahin lahat ng pwedeng maging ebidensiya ay nilabas niya ang isang coupon bond at idinikit iyon sa dibdib ni Kirby.

"My time is now." Nakangiti niya itong binasa pagkatapos ay naglakad na palayo.

My Time Is Now book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon