Napadako ang mga mata ni Lyka sa biglang kumatok sa pinto na nasa balkonahe ng kwarto niya. Dahan dahan siyang tumayo galing sa pagkakaupo sa harap ng PC at dahan dahang nagpunta sa switch ng ilaw at pinatay iyon. May naaninag siyang isang bulto ng tao na nasa labas ng balkonahe kaya agad siyang napatakbo palapit sa cabinet kung saan nakatago ang mga armas na pag-aari ng kambal niya. Nakatoun lang ang mga mata niya sa labas ng balkonahe habang kinukuha ang baril na ibinigay sa kanya ng kambal. Narinig niyang biglang may nagbubukas ng pinto kaya agad niyang itinutok ang baril doon. Maya maya pa ay bumukas na ang pinto. Handa na sana siyang iputok ang baril nang biglang magsalita ang taong nasa harap niya.
"Lyka! Lyka, ako to, si Kyla!"
Sa narinig ay nanghina si Lyka. Agad na naibagsak niya ang baril sa sahig. Napabagsak rin siya sa sahig habang nasa dibdib ang kanang kamay. Habol habol niya ang hininga. Agad namang tumakbo si Kyla sa bedside table ng kambal at kinuha ang inhaler nito pagkatapos ay agad nitong dinaluhan si Lyka.
Agad na isinaksak ni Kyla sa bibig ni Lyka ang inhaler nito at ini-on yun. Agad na hinigop ni Lyka ang ibinugang gamot ng inhaler kaya nakahinga na siya ng maluwag.
"Lyka, okay ka lang?!" Alalang tanong ni Kyla sa kambal.
"A-anong o-okay?! Syempre, hindi!" Inis na sagot ni Lyka.
"Sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry." Tanging nasambit nalang ni Kyla.
"D-diyos ko naman K-kyla! Papatayin mo naman ako sa kaba eh! P-pwede ka namang magdoorbell sa l-labas ng gate diba?! May pintuan naman tayo! Pwedeng pwede kang kumatok dun! Bakit k-kailangan mo pang m-maging akyat bahay para lang makapasok dito?!" Pautal parin na sabi niya sa kambal habang pinapakalma ang sarili.
Hindi sumagot si Kyla kaya sinulyapan siya ni Lyka.
"Oh? Ba't tahimik ka?" Puna ni Lyka sa kambal.
"W-wala. Tumayo ka na nga diyan. May dala akong pagkain para sayo." Pag-iiba ni Kyla sa usapan habang inaalalayan ang kambal na tumayo.
Nung nakaupo na si Lyka sa kama ay tinanong niya ulit ang kambal.
"Kyla, may problema ka ba?"
Umiling lang si Kyla pagkatapos ay tinalikuran na ang kambal para kunin ang pizza na binili niya para dito.
"Kyla, please. Sabihin mo, may proble--"
"Kumain na muna tayo Lyka. Nagugutom ako." Matamlay na sabi nito kaya kahit na nagtataka si Lyka ay di nalang siya sumagot at sinamahan nalang niya ang kambal na kumain ng pizza.
Habang kumakain sila ay may napansin si Lyka sa kambal.
"Bakit nangangayayat ka?" Si Lyka na sandaling ibinaba ang pizzang hawak at sinipat ang mukha at braso ng kambal.
"Hindi ka ba kumakain Kyla?!" Alalang tanong ulet niya.
"Ang OA mo naman. Syempre kumakain pero hindi sa tamang oras at kung minsan, nalilipasan ako ng gutom. Di naman kasi ako marunong magluto diba?" Sagot ni Kyla na patuloy pa din sa paglantak sa pizza.
"Eh bakit ka pa umalis dito sa bahay?"
"Kailangan Lyka lalo pa't nadagdagan na naman yung mga napatay ko. Mas lalo silang naging alerto sa paligid at si Cassy, sa tingin ko, nagsisimula na siya sa pag-iimbestiga sa'yo."
"T-teka...N-nadagdagan?!" Gulat na tanong ni Lyka.
"Oo. Si Mira."
BINABASA MO ANG
My Time Is Now book 1 (COMPLETED)
Short StoryNang dahil sa BULLYING, buhay nila ay manganganib. Sampung magkakaibigan, lahat paghihigantihan. Lahat uubusin, walang balak na magtira ni isa ang salarin. Mapipigilan pa kaya nila ang kalaban gayung sila'y nagkaka-ubusan? BASAHIN NIYO NALANG! credi...