2

2K 46 7
                                    

"Lapitan mo na!" Narinig ni Lyka na utos ng bullyng si Kris sa barkada nitong si Luke. Agad naman na tumayo si Luke at natatawang nilapitan siya. Nung kaharap na niya ito ay bigla itong naging seryoso pero halata sa mukha nito na pinipigilan lang nitong tumawa.

"Uhm...Lyka. Matagal na kitang mahal. Binubully lang naman kita kasi dun ko lang na-i-express ang feelings ko sayo. Uhm... Lyka?" Nayuko lang si Lyka dahil alam niyang isa na naman ito sa pakulo ng grupo.

"Lyka, seryoso ako. Lyka tignan mo ako sa mga mata. Please." Nakayuko pa rin siya. Ayaw niyang tignan ito dahil alam niyang oras na sumunod siya, mapupuno na naman siya ng kantyaw. Kesyo assuming daw siya, na naniwala naman siya sa sinabi nito, na may tinatago rin pala siyang landi sa katawan. Alam niya dahil nagawa narin ito ni Kirby sa kanya. Si Kirby. Si Kirby na minahal niya dahil akala niya, totoo itong nanliligaw sa kanya, na totoong tumino ito dahil sa kanya pero di pala, gusto lang pala siya nitong gawing laruan at ikama.

"Lyka, bakit ka umiiyak?" Kunwari ay alalang tanong ni Luke. Agad na pinunasan ni Lyka ang mga mata.

"Lyka, kung inaakala mong di ako seryoso, pwes! Tignan mo ako sa mga mata ko para makita mo na seryoso talaga ako."

Umiling lang si Lyka habang nakayuko at dahil napuno na si Luke sa kanya ay marahas na hinila nito ang buhok niya dahilan para mapatingin siya dito.

"Diba sabi ko, tignan mo ako?!" Nanggagalaiti sa inis na tanong ni Luke. Sunod sunod na tumango si Lyka na takot na takot sa lalake.

"Eh bakit ayaw mong sumunod?! Ha?! Gusto mong ingudngod ko yang mukha mo sa sahig?!" Sunod sunod ulit na umiling si Lyka.

"Luke, ibuhos mo na! Haha!" Utos ni Kris pagkatapos ay nagtawanan pa ang mga ito.

"Ay! Oo nga pala Lyka. May surprise ako sayo. Sigurado akong ikagaganda mo to." Sabi ni Luke habang nakangiti ito ng nakakaloko. Sinubukan ni Lyka na magpumiglas pero agad na ibinuhos ni Luke ang laman ng hawak nitong bote ng C2. Naamoy iyon ni Lyka. Huli na para malaman niya na ihi yun dahil wala ng laman ang boteng hawak ni Luke.

Napahagulgol nalang ng iyak si Lyka dahil sa snapit.

"Oh?! Ba't ka umiiyak? Alam mo ba na privilege na matikman ang ihi namin? Pasalamat ka at ikaw ang napili naming patikimin!" Nagtawanan lang ang grupo nang may biglang nagbalandra ng pintuan ng classroom nila. Si Kean iyon na humihingal at pawisan. Di rin maipinta ang mukha nito.

"Si Kirby, natagpuang patay sa loob ng CR ng mga girls."

Pagkatapos marinig ang balita galing kay Kean ay agad na nagsitakbuhan sina Kris patungo sa CR ng mga girls. Nadatnan nila sa labas ang mga magulang ni Kirby na halos maglupasay na sa kaiiyak. Nadatnan rin nila si Jigs na iniinterview ng mga pulis. Nanginginig ito at umiiyak. Agad na itinulak ni Kris ang mga pulis at marahas na kinwelyuhan si Jigs.

"Jigs! Anong nangyari kay Kirby?!" Pasigaw na tanong ni Kris pero iyak lang ang isinagot sa kanya ni Jigs.

Agad na tinalikuran ni Kris si Jigs dahil alam niyang nasa state of shock pa ito sa nangyari sa bestfriend. Agad siyang naglakad ng mabilis patungo sa CR ng mga girls pero hinarang lang siya ng mga pulis.

"Hindi! Papasukin niyo ako! Kaibigan ko siya!" Palag ni Kris kung kaya't pinabayaan nalang sila na makadungaw sa crime scene.

Pagkakita nila Kris sa katawan ng kaibigan ay agad silang nasuka. Nakadilat ang mga mata nito dahil wala na itong mga talukap habang nakanganga ang bibig. May tali rin na nakasakal at nakatarak na kutsilyo sa leeg nito. Nakaposas rin ang biktima. Kulay pula na ang sout nitong puting polo dahil naliligo ito sa sariling dugo. Nagkalat rin sa sahig ang dalawang talukap ng mata ni Kirby. Pero ang mas pinakapansin pansin na bagay ay ang isang coupon bond na naglalaman ng makahulugang mensahe.

'My time is now.'

Sa likod naman nila Kris ay may babaeng nakamasid lang sa bangkay ni Kirby na nasisiyahan. Napakaganda ng nakikita niya ngayon. Isang bangkay ng lalaking isa sa mga sumira ng buhay niya. Napangiti siya. Umaayon ang lahat sa plano niya.

(Yung nasa multimedia, isipin niyo nalang na yan ang mukha niya habang nasisiyahang pinagmamasdan ang bangkay ni Kirby.)

'1 down. 9 mores to go.' Sa isip isip ng babae at napangiti ulit.

---

Nasa loob na ng classroom sila Kris. Tulala silang lahat dahil hindi pa rin sila makapaniwala sa sinapit ni Kirby. Tumulo ang luha ni Kris. Alam niyang gago si Kirby dahil isa rin ito sa mga kasama nilang mambully pero hindi naman siguro nito deserve ang ganung kamatayan. Napakabrutal ng ginawa ng suspect sa kaibigan nila. Hindi niya ito matanggap.

Marahas na tumayo si Kris at tinadyakan ang upuang nasa harapan niya kaya naman nabigla ang mga barkada nila. Tumalikod si Kris at maglalakad na sana palabas pero napigil siya ng tanong ni Kean.

"Kris, san ka pupunta?"

"Mag-iimbestiga ako Kean."

"May mga pulis na dun Kris. Hayaan mo na silang lumutas ng kas--"

"Kung ikaw walang pake, pwes! Ako, meron kaya pabayaan niyo ako!" At nagtuloy tuloy ng lumabas si Kris sa classroom nila.

Naghari na naman ang katahimikan sa kanilang magbabarkada pero maya maya lang ay napasuntok si Luke sa arm ng inuupuan niyang arm chair.

"Oh? Anong problema Luke?" Takang tanong ni Kenrick na nabigla sa pagsuntok ni Luke sa upuan.

"Sigurado akong ang naghulog ng apat na patay na aso at ang pumatay kay Kirby ay iisa!"

"Yan rin ang iniisip ko. Yung sulat. Yun rin ang nakadikit kahapon sa katawan ng mga patay na aso." Kean

"Eh yung nagpadala ng tone toneladang sulat?" Kenrick.

"Paghihiganti rin ang laman ng sulat na yun so, posible na iisa lang ang taong gumawa nun." Baron

Habang nag-iisip ng malalim ang apat sa sampung magkakabarkada na member ng Bully group ay may babae namang lihim lang na nasisiyahan sa nakikitang reaksyon sa mga mukha nilang apat at naririnig na palitan ng mga ideya nila.

'Very Good! Tama nga kayo! Iisa lang ako. Ang problema niyo nalang ngayon ay kung paano ako makikilala.' Sa isip isip niya. Napangiti na naman siya pagkatapos ay binura na niya ang ngiting yun at nagpatuloy sa binabasang libro.

---

Lalapit na sana si Kris sa mga pulis na nag-iimbestiga sa kaso ni Kirby para magtanong nang mapatigil siya sa narinig niya.

"Binura lahat ng suspect ang maaaring ebidensya sa crime scene. Sigurado akong mahihirapan tayong malutas ang kasong ito."

Napatiim bagang nalang si Kris sa narinig. Kung hindi malulutas ng mga pulis ang kaso ay siya na mismo ang lulutas nito.

---

Sino nga ba talaga ang killer? Si Lyka nga ba? O may iba pang naghihiganting biktima ng Bullying group? Vote and Comment below. Thank you!

My Time Is Now book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon