“Papa! Papa! May binully ho ako sa school! Ang taba taba ho kasi nilang dalawa!”
Napailing siya sa sinabi ng anak niya.
“Halika nga dito anak.” Tawag niya sa anak. Agad naman itong lumapit at patalon na kumandong sa kanya.
“May ikukwento ako sayo. Alam mo ba nung kapanahunan ko, may isang batang biktima ng bullying. Sinira ng mga bully ang buhay niya. Hindi lang ang buhay niya kundi pati na ang pamilya niya. Kaya nung nagkaroon siya ng lakas ng loob, nakapadesisyon siyang maghiganti. Sinira rin niya ang lahat ng sumira sa kanya. Nabulag siya sa galit. Nakalimutan na niyang magpatawad. Wala ng puwang ang pagmamahal sa puso niya dahil napupuno na ito ng galit. Anak, sinasabi ko sa iyo ‘to dahil isa ako sa mga batang nambully sa batang yun. Isa ako sa sumira ng buhay niya. Isa ako sa nag-alis ng ngiti sa mga labi niya. Isa ako sa dahilan kung bakit nabulag siya sa galit. Isa ako sa dahilan kung bakit nakalimutan na niyang magpatawad at magmahal at ayokong matulad ka sakin anak. Ayokong maging bully ka kagaya ko noon. Ayokong magsisi ka sa bandang huli.” Pangaral ni Kris sa anak. Pagkatapos na magsalita ay agad na tumingala si Kris para pahirin ang mga luha.
“Sorry po Papa.” Malungkot na hinging patawad ng anak niya sa kanya.
“Hindi. Okay lang. Basta, bukas na bukas, hihingi ka ng sorry sa kanila ha?”
Nakangiting tumango ang anak niya. Niyakap niya ulit ito at dun na lumuha sa mga bisig ng anak.
Hanggang ngayon ay sariwang sariwa pa rin sa alaala niya ang mga nangyari noon. Ang pambubully niya at ng grupo niya. Ang pagsira nila sa buhay ng dalawang babaeng magkakambal. Ang nangyaring patayan na ikinasawi ng kanyang mga kaibigan. Ang nangyaring labanan sa gitna ng quadrangle. At ang himalang pagkakaligtas niya. Oo, nakaligtas siya na hindi niya sana gustong mangyari. Gusto niya rin sanang mamatay para maging patas sila lahat gaya ng huling sinabi ni Kyla sa kanya. Pero alam niya, kaya siya himalang nakaligtas noon ay dahil sa may dapat pa siyang gawin. Dapat niyang bumawi sa magkakambal.
Mas lalong nagsilaglagan ang mga luha niya.
‘Napatawad niyo na sana ako Lyka, Kyla.’ Sa isip isip ni Kris.
Kinabukasan.
Nakasilip lang siya sa bintana ng isang classroom. Sinisilip niya ang anak niya. Hindi nito alam na andun siya. Palapit ito sa dalawang matabang batang babae. Nakangiti ang anak niya habang naglalakad palapit sa dalawang batang takot na takot sa anak niya.
Maya maya pa ay nasa harap na ng dalawang bata ang anak niya. Nakita niyang inilapag ng anak niya sa table ng dalawang bata ang tig-iisang malalaking box ng chocolate.
“Lyka, Kyla, sorry ha?” Maya maya pa ay narinig niya galing sa anak.
Kahit na nabigla sa pangalang binanggit ng anak ay napangiti na din siya.
“Sorry kasi lage ko kayong binubully pero promise! From now on, hindi ko na kayo aawayin! Friends na tayo ha?” Nakangiting sabi ng anak niya pagkatapos ay itinaas nito sa ere ang dalawang nakathumbs up na kamay.
Dahan dahan naman na nagtinginan ang dalawang batang babae na magkakambal pala pagkatapos ay sabay itong tumingin sa anak niya. Nakangiti na ang mga ito.
“Sige Kris. Friends na tayo.” Sabay na naiusal nito.
“Yehey! Sige na! Kainin niyo na iyang chocolates! Masarap yan! Bili kasi iyan ni Papa!” Narinig niya pa sa anak pagkatapos ay nakita niyang tumabi ito sa dalawang batang magkakambal at inakbayan ang mga ito.
Agad na tumalikod si Kris at naglakad na palayo sa classroom ng anak. Bumalik siya sa kotse niyang nakapark sa parking lot ng paaralan ng anak at doon na umiyak. Umiiyak siya di dahil sa saya sa ginawa ng anak kundi dahil sa pangalan ng dalawang bata. Lyka at Kyla.
Bago umuwi sa bahay nila ay dumaan muna siya sa flower shop at bumili ng dalawang boquet ng white roses. Nagdrive ulit siya at tumigil sa isang pampublikong sementeryo. Bumaba siya sa kotse at naglakad papasok.
Nung mahanap na niya ang pakay niya ay dahan dahan siyang umupo. Inalis niya ang mga dahon na nakatabon sa dalawang lapida pagkatapos ay inilagay na niya ang mga bulaklak doon.
Saglit na naghari ang katahimikan at maya maya pa, binasag iyon ng isang hikbi. Hikbi niya.
“Ilang taon na ang nakalipas simula nung mangyari iyon pero di ko pa din mapatawad ang sarili ko.” Simula niya.
Pinahid ni Kris ang mga luha niya.
“At alam ko na hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko hanggang kamatayan.” Dugtong ni Kris. Mas lalong nagsilaglagan ang mga luha ni Kris.
Maya maya pa ay naramdaman niya ang dalawang kamay na humawak sa magkabilang balikat niya. Nilingon niya iyon pero isang malabong bulto lang ng dalawang magkamukhang babae ang nakita niya.
“Kalimutan na natin ang lahat Kris. Pinapatawad ka na namin. Patawarin mo na ang sarili mo. Walang magandang maidudulot ang pagtira sa nakaraan.”
Mas lalong napahagulgol si Kris.
Maya maya pa ay kusa siyang nagising. Nakatulog pala siya sa kotse niya. Iginala niya ang mga mata sa paligid. Nasa parkinb lot ng paaralan pa pala siya ng anak niya.
Maya maya pa ay naalala niya ang panaginip niya. Napangiti siya.
“S-salamat. Salamat Lyka. Salamat Kyla.”
Pagkatapos ng panaginip na iyon ay napagpasyahan ni Kris na isulong ang programa at magtayo ng foundation patungkol sa Anti Bullying. Hanggang sa tumanda siya ay yun ang inatupag nila ng asawa niya. Nung hindi na niya kayang pangasiwaan ang organisasyon ay ang nag-iisang anak na si Kris Jr. ang nagpatuloy ng mga nasimulan niya. Ito ang pumalit sa kanyang posisyon bilang presidente ng organisasyong Anti Bullying.
“Magpahinga ka na Pa.” Ang umiiyak na bulong ng kanyang unico ijo.
Nakangiting tumango si Kris. Sa wakas ay masasabi niyang hindi siya nagsisi na nakaligtas siya nung gabing yun dahil nagkaroon pa siya ng panahon para makabawi sa magkakambal. Makabawi kay Lyka at lalong lalo na kay Kyla.
Napangiti siya pagkatapos ay dahan dahan nang pumikit. At sa pagpikit niya ay nakita niya ang mga kaibigan niya. Si Kirby, Kisely, Jigs, Baron, Maverick, Mira, Misis Gomez, Thea, Elvis, Kim, Cassy Luke, Kenrick, Kean, Mrs. Kristina at ang magkakambal, si Lyka at Kyla.
“Halikana Kris.” Nakangiting aya ng magkakambal sa kanya habang nakaabot ang mga kamay nito. Nakangiti lang siyang tumango at kinuha ang kamay ng magkakambal. Sabay silang naglakad hanggang sa lamunin na sila ng mapuputing ulap.
_THE END_
BINABASA MO ANG
My Time Is Now book 1 (COMPLETED)
NouvellesNang dahil sa BULLYING, buhay nila ay manganganib. Sampung magkakaibigan, lahat paghihigantihan. Lahat uubusin, walang balak na magtira ni isa ang salarin. Mapipigilan pa kaya nila ang kalaban gayung sila'y nagkaka-ubusan? BASAHIN NIYO NALANG! credi...