Nasapo ni Kris ang noo dahil nakalimutan niyang may naiwan pala siyang notebook kanina sa control room nung makipaglandian siya sa student announcer na si Jasmin.
Agad niyang kinuha ang baril na ninakaw lang niya sa kabit ng Mommy niya at isinukbit iyon sa bewang niya.
"Mahirap na. Baka ako ang isunod." Naibulong niya habang isinusout na ang black na jacket upang hindi mahalata na may dala siya. Pagkatapos ay bumaba na siya.
"San ang punta mo Kris?" Tanong ng Mommy niyang kalalabas lang ng kusina.
"May nakalimutan lang ako sa school."
"Hindi. Hindi ka lalabas."
"Importante yun."
"WAG MATIGAS ANG ULO KRIS!"
Hinarap ni Kris ang ina at binulyawan ito.
"BA'T DI MO NALANG PROBLEMAHIN YANG KABIT MO KESA SA AKO ANG PINOPROBLEMA MO?!" Sigaw niya sa ina at agad na lumabas ng bahay. Sasakay na sana siya sa big bike niya nang may humila sa kanya at sinampal siya.
"WALA KANG KARAPATANG PAGSABIHAN AKO NG GANYAN KRIS!" Umiiyak na sigaw ng Mommy niya pagkatapos siya nitong sampalin.
"ANONG WALANG KARAPATAN?! ANAK MO AKO AT KARAPATAN KONG MAKASAMA ANG TUNAY KONG AMA PERO ANONG GINAWA MO?! PINALAYAS MO SIYA SA SARILI NIYANG BAHAY DAHIL DIYAN SA KABIT MO! MALANDI KA MA! MALAND--"
Hindi na natapos pa ni Kris ang sasabihin niya dahil sinampal na naman siya ng Mommy niya sa pangalawang pagkakataon. Sapo sapo niya ang pisngi niya nang lingunin niya ito. Tumawa siya ng pagak.
"Bakit Ma? Di mo matanggap? Well! Ganun naman talaga yun! Truth hurts ika nga."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay sumakay na siya sa big bike niya at agad na pinaharurot iyon.
Malapit lang ang eskwelahan sa kanila kung kaya't agad siyang nakarating doon.
"Oh, Kris, isasara na namin itong skwelahan. Di ka na pwedeng pumasok." Anang guard na nakatalaga sa gate na pinasukan ni Kris.
"May kukunin lang ako sandali."
"Pero hind--"
"NAKAKAINTINDI KA BA?! SABING SANDALI LANG EH!" Bulyaw ni Kris kaya agad na napilitang tumango ang gwardya na sumita sa kanya.
"S-sige s-sige! P-pumasok ka na. B-bilisan mo."
Agad na pumasok si Kris sa eskwelahan habang hinahawakan niya ang baril na nakasukbit sa bewang. Agad siyang nagtungo sa control room. Bubuksan na sana niya iyon nang may marinig siyang mga ungol.
Agad na binunot niya sa bewang ang baril at kinasa iyon pagkatapos ay dahan dahan niyang pinihit ang door knob ng control room. Madilim doon kung kaya't kinapa niya ang switch ng ilaw sa gilid at nung magka-ilaw na sa boung lugar ay tumambad sa kanya si Kenrick. Duguan ito at halatang kagigising palang nito.
Agad na dinaluhan ni Kris ang lalake.
"K-kenrick, anong nangyari sayo?!"
Bigla itong napahagulgol ng iyak.
"K-kris! A-ako na ang i-isusunod ng killer! P-please, itakas mo na ako dito! P-parating na siya!"
Agad na tinulungan ni Kris si Kenrick na makatayo. Agad silang lumabas ng control room. Dinala niya ang kaibigan sa guard house at dun pinakalma. Iyak parin kasi ito ng iyak. Tumawag narin ng mga pulis ang mga guards dahil sa nangyari.
BINABASA MO ANG
My Time Is Now book 1 (COMPLETED)
Short StoryNang dahil sa BULLYING, buhay nila ay manganganib. Sampung magkakaibigan, lahat paghihigantihan. Lahat uubusin, walang balak na magtira ni isa ang salarin. Mapipigilan pa kaya nila ang kalaban gayung sila'y nagkaka-ubusan? BASAHIN NIYO NALANG! credi...