Napaigtad si Maverick nang marinig niya ang sunod sunod na tunog ng door bell. Agad rin na napakunot ang noo niya. Wala naman siyang inaasahan na bisita. Wala ring sinabi ang Mama niya na nag out of town na may pupunta dito sa bahay nila.
Kahit na nagtataka ay lumabas narin siya para pagbuksan ang nagdoor bell. Baka kasi importante ito pero nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang bisita.
"B-bakit ka nandito?" Kinakabahan na tanong niya sa babaeng kaharap niya ngayon. Sa babaeng isa sa mga pinaghihinalaan niyang suspect sa pagpatay sa kaibigang si Baron.
"Wala. Napasyal lang. Papasok naman sa bahay niyo--"
"Hindi! H-hindi ako nagpapapasok ng bisiti--" Ngunit hindi na natapos pa ni Maverick ang sasabihin dahil agad na tinutukan siya nito ng baril.
"Magpapapasok ka o ipuputok ko sayo to?" Nakangiting tanong ng babae sa kanya. Agad na niluwangan ni Maverick ang siwang ng gate. Agad namang pumasok ang babae habang nakatutok parin sa kanya ang baril nito.
"Isara mo ang gate!" Pasigaw na utos ng babae. Kahit labag man sa kalooban ni Maverick ay agad siyang tumalima sa utos nito.
"Ngayon, pumasok tayo sa bahay mo. May pag-uusapan lang tayo." Nakangiting saad ng babae habang nakataas parin ang mga kamay nito na may hawak na baril na nakatutok sa kanya.
Kinakabahan siyang tumango pagkatapos ay dahan dahang naglakad papasok sa bahay. Nung nakapasok na sila ay agad na sumalampak sa sofa nila ang babae.
"Upo ka Maverick." Utos nito sa kanya habang itinuturo ang bakanteng sofa gamit ang baril na hawak nito. Sumunod agad siya.
Ilang minuto na naghari sa kanila ang katahimikan. Ang tanging naririnig niya lang ay ang napakalakas at napakabilis na kabog ng dibdib niya dahil sa takot at kaba.
Maya maya pa ay nabasag ang katahimikan nung inilagay ng babae ang baril nito sa bakal nilang table.
"A-anong pag-uusapan n-natin?" Napagpasyahan na itanong ni Maverick na nanginginig na habang tagaktak ang pawis sa magkabilang noo nito.
Tumawa muna ang babae pagkatapos ay umayos muna ito ng upo bago ito magsalita.
"Ah! Yun ba? Ganito kasi yun. Ako naman talaga ang pumatay kay Baron pati na kina Kisely, Jigs at Kirby. At may plano ako na patayin pa yung iba. Actually, lahat sila, balak kung patayin pero maliban sa tatlong kaibigan ko na kakasali palang sa grupo. Pero i think, hindi na matutupad yung plano kong pagpatay sa lahat ng myembro ng Bully group. Alam mo ba kung bakit?" Nakangiti ng nakalolokong tanong ng babae sa kanya. Agad na nanlaki ang mga mata ni Maverick sa narinig galing sa babae. Sinasabi na nga ba niya't ito ang suspect sa mga pagpatay.
Kahit na natatakot ay nagawa parin niyang sabayan ito.
"B-bakit?"
"May pakialamero kasing balak na magsumbong sa mga pulis bukas."
Sa narinig ay agad na nanlaki ulit ang mga mata ni Maverick. Alam niyang siya ang tinutukoy ng babae.
"At alam mo ba kung sino ang pakialamerong yun Maverick?"
"S-sino?"
Biglang napahagalpak ng tawa ang babae sa tanong niya.
"Haha! Alam mo Maverick, nakakatuwa ka! Hahaha!" Tumatawang sabi nito na napapahawak pa sa tiyan.
BINABASA MO ANG
My Time Is Now book 1 (COMPLETED)
Historia CortaNang dahil sa BULLYING, buhay nila ay manganganib. Sampung magkakaibigan, lahat paghihigantihan. Lahat uubusin, walang balak na magtira ni isa ang salarin. Mapipigilan pa kaya nila ang kalaban gayung sila'y nagkaka-ubusan? BASAHIN NIYO NALANG! credi...