A.N: Dedicated kay @little_princesses o mas kilala ko sa UN na @RhonidaOliveros na grabe kong sumuporta sa mga stories ko. Hey girl! Thank you! :)
---
Nag-aalmusal sina Cassy sa cottage nila habang pinagmamasdan ang mga taong kakapasok palang sa 2nd entrance ng pool. Open na kasi ulit ang resort para sa lahat kaya dagsa na naman ang mga suki ng pool nila.
"Uy! Guys! Asan si Thea?" Biglang tanong ni Ella na nakapagpalingon kina Cassy sa isa't isa.
"Oo nga. Kagabi ko pa siya hinahanap eh!" Kean
"Oh? Bakit mo naman hinahanap si Thea, pareng Kean?" Si Luke na sinisiko siko pa si Kean.
"It's none of your business pare." Sagot ni Kean sa mapanudyong tanong ni Luke.
"Hmmm...I smell something fishy! I smell something fishy!" Natatawang sigaw ni Luke. Nagtawanan narin yung iba.
"UY! Ano ba?! Nawawala si Thea tapos may gana pa kayong magtawanan?" Cassy
"Relax Cass! Sigurado akong hindi yun nakalabas dito sa resort niyo ano!" Kim
"Hmp! Ikaw Ella, hindi mo ba nakitang bumalik si Thea kagabi dito?" Cassy
"Hindi na eh! Pagkaswimming niyo kasi eh napagpasyahan ko na ring matulog." Sagot ni Ella sa tanong ni Cassy.
"Nakuuuuu! San ba nagpupupunta yung babaeng yun?!" Inis na na sabi ni Cassy habang sapo sapo ang ulo.
"Alam mo Cassy. Imbis na dada ka ng dada diyan eh ba't hindi mo nalang hanapin si Thea dito sa loob ng resort niyo? Kabisado mo itong resort niyo diba?” Kim
“Ah! Ganun? Ako lang ang maghahanap tapos kayo sitting pretty at handsome lang dito?” Cassy
“Oh! Edi tutulungan ka namin! Problema ba yun?” Naiinis na sagot ni Kris na kanina pa naaalibadbaran sa boses ni Cassy.
“Talagang tutulong ka—“
“AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!”
Hindi na naituloy ni Cassy ang sasabihin niya nang makarinig sila ng napakalakas na sigaw. Maya maya pa ay may nagtatakbong babae na maputlang maputla palabas ng banyo. Papunta ito sa deriksyon nila kaya nagsilabasan sila Cassy para tanungin ang babae.
“MISS, ANONG NANGYARI?!” Alalang tanong ni Cassy.
Hindi agad nakasagot ang babae. Iyak lang ito ng iyak habang namumutla na kaya inalalayan muna ito nila Cassy papasok sa cottage nila at pinaupo. Pinainom nila ng tubig ang babae pagkatapos ay tinanong ulit.
“Miss, anong nangyari? Bakit ka sumigaw?” Kris
“M-m-may...M-may p-patay na...b-b-babae s-sa loob ng banyo!” Utal utal na sagot ng babae pagkatapos ay hinimatay nalang ito bigla. Agad naman itong nasalo ni Elvis.
Nagkatinginan sila sa isa’t isa. Bawat isa ay may pagtataka at takot na nararamdaman. Pagtataka kung sino ang babaeng yun at takot dahil baka si Thea ang babae sa kadahilanang nawawala ito. Takot rin sila na baka hindi talaga si Lyka ang killer. Na baka nasa paligid lang nila ang killer.
Napaigtad ulit sila ng may sunod sunod na sigawan silang narinig. Agad silang napatayo lahat. May mga nagtatatakbong apat na babae palabas ng banyo. Dumeritso ito sa isang life guard. Maya maya pa ay nakita nila na agad na nagtatatakbo ang life guard patungo sa banyo. Maya maya ulit ay nakita nilang nagtatakbo palabas ang guard habang may kausap ito sa cellphone na hawak.
BINABASA MO ANG
My Time Is Now book 1 (COMPLETED)
Historia CortaNang dahil sa BULLYING, buhay nila ay manganganib. Sampung magkakaibigan, lahat paghihigantihan. Lahat uubusin, walang balak na magtira ni isa ang salarin. Mapipigilan pa kaya nila ang kalaban gayung sila'y nagkaka-ubusan? BASAHIN NIYO NALANG! credi...