So, marami ang nagtatanong. Bakit ko daw naisulat ang storyang ‘to na ang concept is about BULLYING. Well, sa maniwala kayo’t sa hindi, isa ho ako sa mga biktima ng bullying UNTIL NOW. Kung hindi niyo ho natatanong eh mataba po ako. :) At kaya ko po ‘to nasulat kasi ito pong lahat ng nilalaman ng storyang ‘to, ito po yung mga gusto kong gawin sa mga nambubully sakin. Yung paghihiganti. Pagpatay. Lahat lahat. At dahil po sa wala akong lakas loob na gawin yun eh dito ko nalang binubuhos sa storyang ‘to kaya po masyadong brutal yung ibang scenes. Hindi lang po sa dito ko binubuhos ang sama ng loob ko kundi gusto ko din pong ipaabot sa mga mambabasa na NAKAKASIRA PO NG BUHAY ANG PAMBUBULLY. Bakit ko nasabi? Magsishare po ako ha? Minsan na ho akong nagtangkang magpakamatay dahil nga sa bullying. Ilang beses din ho yun. Una ay uminom ako ng madaming gamot. Pangalawa ay binalak kong maglaslas then pangatlo is magbigti pero sa awa ng Diyos po eh lagi akong nahuhuli ng mga kasambahay namin kaya di matuloy tuloy. Umabot narin po sa point na muntik ng atakihin sa puso si Papa dahil sa akin dahil sa pag-aalala. Naaapektuhan na din po yung business namin kasi yung Mama at Papa ko, hindi makapagconcentrate at kung minsan, ayaw na nila akong iwan sa takot na baka pag-uwi nila, patay na ako. (WAAAAAA! Naiiyak ako! :’() So, yun! Yun po ang mga rason ko kung bakit ko nasulat ‘tong kwentong ‘to. MASAKIT PONG MABULLY. NAPAKASAKIT. So, sana, kung hindi man matigil ang kaso ng bullying eh mabawas bawasan po ito. Pero sana talaga ay tuluyan ng mawala ang bullying. Hindi man para sa sarili ko dahil alam ko na matatag akong tao, atleast para man lang sa mga kabataan na mahihina ang loob at madaling sumuko. So, magsama sama po tayong isigaw ang NO TO BULLYING! :)
So, sana ho ay maging aral sa ating lahat ito at sana ay may matutunan kayo dito. :)
So, ayun! MAGPAPASALAMAT NA AKO! HAHAHAHAHA! ITO NA! XD
Unang una ho sa lahat, masayang masaya ako kasi ito ang kauna unahang story ko na medyo mahaba haba ng konti. Haha! Puro kasi ako one shot. Diba po? Remember sa Nginig! (Compilation Of Horror Stories) at sa Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2? (Biglang advertise, mga ganun? XD) Tsaka may story rin naman akong medyo mahaba haba. Mga 8 chapter ata yun. Horror din. Remember? Yung BESTFRIEND? (Advertise ulet! XD) Pero hindi talaga kasing taas nitong My Time Is Now na abot hanggang 30+ page kaya ayun, napakasaya ko kasi natapos na itong My Time Is Now. Akala ko talaga, hindi ko matatapos ‘to kasi sa kalagitnaan ng story eh bigla akong namental block to the point na pati mga characters ko eh nakalimutan ko na. XD Pero still, thankful pa din ako kasi alam kong tinutulungan ako ni Papa Jesus na mairaos ‘tong story ko at mapaabot sa mga babasa nito ang nais kong ipaabot. :) Salamat Papa Jesus!
Pangalawa po, gusto kong magpasalamat sa family ko lalong lalo na sa Mama ko na lageng kinukumusta kung ilan na ba daw yung followers ko at viewers at votes ng mga stories ko. :D Salamat Ma! :)
Kay Regine Lumen na pinsan ko na lage akong tinutulungan na mag-isip ng mga pwede pandagdag sa storyang ‘to.
Sa dalawa kong kapatid na handang umalis sa harap ng computer ko kahit na may importante silang ginagawa para lang makapag-update ako at sa ever supportive kong kaibigan. No! Hindi lang basta kaibigan kundi matatawag ko na siyang BESTFRIEND na si @MisskpopPanda na makailang ulit na gumawa ng book cover ng mga gawa ko lalong lalo na dito sa My Time Is Now na i think, apat na beses niyang ginawan ng book cover. XD Correct me if im wrong Yop ha? :D
Tsaka sa iba ko pang mga very supportive friend namely Ate Kaye, JM, Paula, Mardz Kardy at sa mga hindi ko na matandaan. (Mahina memory ko eh! Pasensya na po!) Once again, salamat po sa inyo. Dahil po sa inyo, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na tapusin ang kwentong ‘to. Salamat. :)
Pangatlo ay sa mga suki ko dito sa My Time Is Now. Sa mga silent reader at loud reader na hindi pumapalya na mapangiti ako by their comments at sa mga flood votes nila pati sa mga reader na shinishare ang story ko. Salamat po. Isa rin kayo sa dahilan kung bakit ginaganahan akong mag-update. Hindi ko na ho kayo iisa isahin dahil andami niyo ho. Basta, alam niyo na kung sino kayo. Salamat. :)
Pang-apat ay sa mga babasa, magvovote, magcocomment at magsishare pa lang ng story ko in the near future. (Tsarot!) Thank you in advance! :)
At panglast ay sa publishing company na gagawing libro ang story kong ‘to in the near future. NYAHAHAHAHA! Thank you in advance po! :) (Sana lang talaga.)
So, ayun! Salamat salamat salamat salamat salamat salamat salamat salamat salamat at salamat. One million times. :)
Sana po ay basahin at subaybayan niyo rin ang iba ko pang mga kwentong gawa at sa mga gagawin ko pang kwento.
Nga po pala, kung may gusto pa ho kayong itanong about sa storyang ‘to or magtatanong kayo kung may book 2 ba or gusto niyong humingi ng advice about bullying or magsishare kayo ng mga ghost/horror stories niyo para macompile ko sa Nginig or kung gusto niyong humingi ng mga tips sa pagsusulat (Kung sa tingin niyo din na magaling akong magsulat. NYAHAHA!) ay itext or tawagan niyo lang po ako sa numerong ‘to --> 09097373904. :)
So, ayun lang. :) Hanggang sa susunod na kwento. :)
Lubos na Nagpapasalamat, Nagmamahal at Gumagalang
Anna Fe C. Lumen a.k.a CandiesForFree. :)
BINABASA MO ANG
My Time Is Now book 1 (COMPLETED)
Short StoryNang dahil sa BULLYING, buhay nila ay manganganib. Sampung magkakaibigan, lahat paghihigantihan. Lahat uubusin, walang balak na magtira ni isa ang salarin. Mapipigilan pa kaya nila ang kalaban gayung sila'y nagkaka-ubusan? BASAHIN NIYO NALANG! credi...