27 - Unity

1K 27 2
                                    

Napatayo si Kyla galing sa pagkakaupo sa sofa nang marinig niya ang sunod sunod na katok na galing sa pintuan ng apartment niya. Agad niyang kinuha ang kutsilyo na nasa tabi niya at hinawakan ito ng mahigpit. Dahan dahan siyang lumapit sa pintuan. Sinilip niya sa peep hole kung sino ang kumakatok. Agad naman niyang naibaba ang kutsilyo at dali daling binuksan ang pintuan nung makita niya na ang ina pala ang nasa labas.

Pagkapasok ng ina niya sa apartment at pagkatapos niyang maisara at mailock ang pinto ay nagyakapan sila ng ina.

“Mama, namiss ko ho kayo!” Naluluha na sabi ni Kyla sa ina.

“Miss na miss narin kita anak. Kumusta?” Misis Kristina

Dahan dahan na kumawala si Kyla nung marinig niya ang tanong ng ina. Umupo siya sa sofa. Sumunod naman si Misis Kristina sa kanya.

“Hindi ho ako okay Ma. Nag-aalala ho ako kay Lyka.” Si Kyla na naihilamos ang dalawang palad sa mukha.

“Tatakas siya mamaya sa kulungan. Nag-aalala ako kasi baka mahuli siya Ma. Baka kung anong gawin sa kanya ng mga pulis. Baka bugbugin siya! Baka barilin siya! Baka—“

 

“Anak, magtiwala nalang tayo kay Lyka. Kaya niya ang sarili niya. Isa pa, nangako si Lyka sayo na tutulungan ka niya. Sigurado akong hindi papayag yun na mabali ang pangako niya sayo.”

 

Napabuntong hininga nalang si Kyla.

“Ang dapat na intindihin natin ngayon ay ang pagpaplano at kung san tayo magtatago. Sigurado akong sa mga oras na to, nagsisimula na silang maghinala sayo.” Misis Kristina

“Sa hotel nalang muna tayo tumuloy Ma. Sa plano naman, nakapag-isip na ako, kanina pa.” Sagot ni Kyla sa ina. Agad naman na tumayo si Misis Kristina at inalalayan sa pagtayo si Kyla.

“Sige na anak. Mag-impake ka na ng mga gamit mo sa taas. Ako na muna ang magbabantay dito sa labas. Baka biglang dumating sila Kris.” Si Misis Kristina na agad na kinuha ang kutsilyong kanina ay hawak ni Kyla. Tumango lang si Kyla at agad na nagtungo sa kwarto nito.

Pagkatapos na mag-impake ni Kyla ay agad silang lumabas ng bahay pero napapasok ulit si Kyla sa apartment dahil may nakalimutan siyang gawin. Agad naman na napasunod si Misis Kristina sa kanya.

“Tayo na anak! Baka parating na sila dito!”

 

“Sandali lang ho ito Ma.” Sagot ni Kyla na agad na ginulo ang buong apartment. Tinaga niya rin ng kutsilyo ang pintuan ng apartment pagkatapos ay sinugatan niya ang daliri niya at ipinahid yun sa pintuan. Ipinatulo niya rin sa sahig ang dugo niya. Pagkatapos ay kinuha niya sa bulsa ng jacket niya ang ginawa niyang sulat kanina at ipinatong iyon sa isa sa mga upuan na nakakalat sa apartment niya. Pagkatapos ng ginawa ni Kyla ay agad nilang linisan ang tinutuluyan. Sa isang di kilalang hotel sila nagcheck in na mag-ina.

Pagkatapos na kumain ng tanghalian ay kinuha na ni Kyla ang cellphone niya para simulan ang plano.

---

“Ba’t ang tagal ni Ella?! Kris, tawagan mo nga at baka kung ano ng nangyari sa kanya!” Alalang utos ni Cassy na kanina pa nagpabalik balik sa paglalakad. Kinakabahan ito sa kaibigan na hanggang ngayon ay di pa din dumarating.

“Nangyari o baka naman siya talaga ang killer—“ Kenrick

“Shut the fuck up Kenrick! Kilala ko si Ella dahil matalik ko siyang kaibigan kaya wag mo siyang pagbibintangan!” Galit na putol ni Kim kay Kenrick.

My Time Is Now book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon