"Pareng Baron, ma-una na ako ha?" Napamura si Baron dahil sa narinig. Agad niyang pinatay ang shower at dumungaw sa labas.
"Hoy! Gago! Samahan mo muna ako!" Nagkamot ng ulo ang kateam niyang si Maverick.
"Hindi talaga pwede pare eh! May date kasi kami ng girlfriend ko. Late na nga ako e! Siguradong magagalit yun sa'kin!"
"Sandali lang ako. Pramis! Hintay lang diyan!" Agad na nagshower si Baron ng mabilis. Inaamin niya, natatakot talaga siya sa mga patayan kung kaya't kahit na nakakahiya eh nagpapasama nalang siya
Sa kasagsagan ng pagsashower niya ay narinig niyang may kausap si Maverick kaya pinatay ulit niya ang shower at dumungaw.
"Pare, may kasama ka na. Una na ako ha?" Tumango nalang siya pagkatapos ay kinindatan ang babaeng naghihintay nga sa kanya sa labas.
"Bilisan mo kaya diyan! May pakindat kindat pang nalalaman! Iwanan kita dito, makita mo!" Tumawa lang siya at bumalik na sa pagsashower. Nung matapos na siya ay agad siyang nagbihis at lumabas. Andun pa rin ang babae. Inakbayan niya ito.
"Bakit andito ka pa?"
"May kinuha lang ako saglit tapos nung pababa na ako, ayun! Nakita ako ni Maverick. Sabi niya, hintayin nalang daw kita kasi may importante siyang lakad at nagmamadali siya." Napatango nalang si Baron at mabilis na hinalikan ang babae sa pisngi. Nagulat ang babae sa ginawa ni Baron kung kaya't napatingin ito sa kanya. Kinindatan niya ito sabay sabi ng...
"Thank yo--" Pero bago pa man matapos si Baron sa sasabihin ay agad siyang sinibasib ng halik ng babae. Lihim siyang napangiti. Sinasabi na nga ba niya't may lihim na pagtingin ang babae sa kanya. Siya pa! Isang gwapo at sikat na lalake sa skwelahan. Abnormal nalang ang babae na hindi mafofall sa kanya.
Gumanti siya dito ng halik. Isinandal niya ang babae sa dingding at ang leeg na naman nito ang tinira niya. Ungol lang ito ng ungol nang pigilin siya nito sa ginagawa.
"B-bakit?" Hingal niyang tanong.
"Dun tayo sa classroom." Napangiti siya ng malapad. Akala niya ay ayaw nito ang ginagawa niya.
"Sige ba!" Agad na hinila niya ito sa pinakamalapit na classroom.
Naghalikan ulit sila habang nararamdaman niya na pilit hinuhubad ng babae ang jacket niya kung kaya't pinutol muna niya ang paghalik sa babae para tulungan ito.
Nung nakahubad na lahat si Baron ay ang babae naman ang naghubad. Una nitong kinuha ang itim na bag na nakasukbit sa likod. Inilapag ito ng babae sa sahig ng classroom nang may marinig si Baron na kakaibang kalansing ng bagay. Sigurado siyang sa bag ng babae iyon galing.
"Anong laman ng bag mo?" Takang tanong niya.
"Ha? Bakit?" Sabi nito habang naghuhubad na ng skinny jeans.
"Para kasing may mga bakal diyan sa bag mo."
"Ah! Yung kutsilyo lang yan." Natatawang sagot ng babae. Gulat na nanlaki ang mga mata ni Baron.
"B-bakit may k-kutsilyo ka?" Kinakabahan niyang tanong.
"Pangself defense lang. Mahirap na. Baka ako ang isunod ng killer." Nakahinga ng maluwag si Baron. Akala niya, iyong pumatay kay Kirby at kay Kisely ang kaharap niya ngayon. Hindi kasi imposibleng mangyari yun.
Maya maya pa ay sinibasib ulit siya ng halik ng babae. Gumanti ulit siya dito ng halik habang ang mga kamay naman niya ay nakahipo na sa dalawang dibdib ng babae. Tumigil ulit sa paghalik ang babae.
BINABASA MO ANG
My Time Is Now book 1 (COMPLETED)
Krótkie OpowiadaniaNang dahil sa BULLYING, buhay nila ay manganganib. Sampung magkakaibigan, lahat paghihigantihan. Lahat uubusin, walang balak na magtira ni isa ang salarin. Mapipigilan pa kaya nila ang kalaban gayung sila'y nagkaka-ubusan? BASAHIN NIYO NALANG! credi...