Malayo palang ay tanaw na ni Elvis ang mga nagkakagulong estudyante sa harap ng gate ng skwelahan nila. Bigla siyang kinabahan. Alam niyang may nangyari na namang masama kung kaya't pagkababa niya sa big bike niya ay agad siyang nagtanong sa mga estudyanteng nakakalabit lang niya.
"Anong nangyari?!" Hindi siya sinagot nito dahil busy ito sa pagsilip sa loob kung kaya't nangalabit siya ulit ng ibang estudyante.
"Anong nangyari sa loob?!"
"May nakita dawng bangkay ng babae sa shower room!" Sagot ng pinagtanungan niya.
Agad siyang napatakip ng bibig dahil sa gulat. Automatiko naman na napatakbo siya palapit sa mga kagrupo nung makita niya ang mga ito. Tulala ang anim na lalaki habang halos maglupasay na sa sahig si Mira. Lumuhod siya sa harap ng babae at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
"Anong nangyari Mira?! Nasaan si Kisely?!"
"E-Elvis...S-si Kisely a-ang nakitang patay s-sa loob ng s-shower room!"
Parang gumunaw ang mundo ni Elvis nang marinig ang sagot ni Mira.
"N-no! Ha-ha! N-nagbibiro ka lang d-diba?! DIBA?!" Pero hagulgol nalang ang tanging naisagot ng babae sa kanya.
Napaupo nalang siya sa harapan ni Mira habang nag-uunahan sa pagpatak ang luha niya. Ang babaeng matagal na niyang lihim na minamahal, ngayon ay wala na. Napakuyom ang mga kamao niya. Napatiim bagang rin siya.
'Kung sino ka mang pumatay sa kaibigan ko at sa babaeng mahal ko, ihanda mo na ang sarili mo dahil maghihiganti ako!' Sa isip isip ni Elvis.
---
Tulala lang si Kris sa isang tabi dahil hindi parin siya makapaniwala sa sinapit ni Kisely.
Bigla na namang nagbalik sa utak niya ang itsura nito.
Nakabigti ito sa isang barb wire habang may anim na kutsilyo na nakatarak sa tiyan nito at ang isang kutsilyo naman ay nakatarak sa mukha. Napailing siya habang nagbabadya na namang tumulo ang mga luha sa mata niya. Hindi niya matanggap ang sinapit nito dahil tulad kay Kirby, brutal rin itong napatay. Napakabrutal.
Tumulo na ng tuluyan ang mga luha niya. Pinahid niya ito at habang ginagawa niya yun ay nahagip ng mga mata niya si Lyka. Agad na napuno ng galit ang dibdib niya. Posible kasi na si Lyka ang brutal na pumatay kay Kirby at ngayon ay kay Kisely dahil ang babae lang naman ang alam niyang may malaking galit sa kanila. Naglakad siya ng mabilis patungo kay Lyka at nung nasa harap na siya nito ay agad niya itong kinuwelyuhan. Nagsigawan ang mga katabi nila.
"K-Kris...A-anong--"
"IKAW ANG PUMATAY KAY KIRBY AT KISELY DIBA?! PINATAY MO SILA DAHIL ISA SILA SA MGA NAMBUBULLY SAYO?!" Nanggagalaiti na sa galit si Kris habang nanginginig naman sa takot si Lyka.
"K-Kris...W-wala akong a-alam diyan sa s-sinasabi mo--"
"WAG KA NG MAGMAANG MAANGAN PA LYKA! ALAM KO NAMAN NA IKAW TALAGA ANG PUMATAY DAHIL NUNG GABING NAPATAY SI KIRBY, NASA SKWELAHAN KA PA NUN DIBA?! AT HINDI MALABONG NASA SKWELAHAN KA DIN KAGABE!"
"K-Kris...N-nung araw na y-yun, h-half day lang ako." Nabigla si Kris sa sinabi ni Lyka.
"I-Inatake ako ng asthma ko n-nun kaya a-absent ako boung maghapon." Umiiyak na sabi ni Lyka. Agad na binitawan ni Kris ang kwelyo ng uniform ng babae. Kung ganun, sino ang pumatay kay Kirby?
"Kagabi. Nasaan ka kagabi?"
"P-pinauwi tayo ng mga t-teacher. N-nasa bahay lang rin ako b-boung maghapon." Mas lalong naguluhan si Kris. Kung hindi si Lyka, sino?
Sa di kalayuan ay lihim na napangiti ang babaeng siyang pumatay kay Kirby at Kisely na parehong member ng Bully group. Labis niyang ikinatuwa ang mga hindi maipintang mukha ng magkakabarkada lalong lalo na si Kris na nabintangan pa ang kambal niya. Oo, ang kambal niya.
---
Umuwi si Lyka sa bahay nila dahil hindi rin naman sila pinapasok ng mga teacher at ng mga pulis sa skwelahan dahil sa nangyari kay Kisely. Pagbukas niya ng kwarto niya ay andun ang kambal niya. Ang kambal niyang may gawa ng lahat ng patayan na nangyayari sa skwelahan nila ngayon. Busy ito sa paglilinis ng mga kutsilyong alam niya na gagamitin na naman nito sa pagpatay sa isa sa mga myembro ng Bully group. Nung makita siya nito ay agad siyang nilapitan nito at niyakap.
"Lyka, sorry. Sorry kung ikaw ang napagbintangan ni Kris kanina. Ako na ang humihingi ng dispensa sa--"
"Itigil mo na to. Please." Putol niya sa sasabihin ng kapatid.
"Bakit?" Takang tanong nito.
"Hindi ka ba naaawa sa kanila?!"
Napatawa ng pagak ang kambal niya.
"Naaawa?! Sila ba Lyka?! Naawa ba sila sayo?! Naawa sa sila sakin noon?! HINDI! Lyka, hindi dapat kaawaan ang mga demonyong katulad nila!"
"Oo't demonyo sila dahil ginawa nilang impyerno ang buhay ko! Ginawa nilang impyerno ang buhay mo noon pero mga tao rin sila!"
"Hindi. Hindi sila tao Lyka. Hindi!" Umiiling na sabi ng kambal niya. Niyakap niya ito.
"Please. Itigil mo na ito." Kumalas ito sa yakap niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"Ayoko. Sa ayaw at sa gusto mo Lyka, ipaghihiganti kita. Ipaghihiganti ko ang sarili ko!" Hinawakan rin niya ang pisngi ng kambal. Pinahid niya ang mga luha nito. Naaawa siya sa kambal niya. Nabubulag ito dahil sa sobrang galit. Galit na nag-uudyok dito upang maghiganti't pumatay. Napaiyak siya.
"N-no. W-wag. D-Diyos na ang b-bahala s-sa kanila--" Tinabig nito ang mga kamay niya.
"Ayan na naman iyang Diyos Diyos na iyan eh! Kung may Diyos, edi sana hindi ako naghirap sa mga kamay nila Kris noon! Edi sana, hindi ka naghihirap sa mga kamay nila ngayon!" Niyakap niya ulit ang kapatid.
"Itutuloy ko ang paghihiganti Lyka. Itutuloy ko. Ipaghihiganti ko ang sarili ko lalong lalo na ikaw. Mahal na mahal kita Lyka." Bulong nito sa tainga niya pagkatapos ay kumawala ito sa yakap niya at hinalikan siya sa noo.
"Mahal na mahal rin kita." Tanging nasambit nalang niya. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ng kapatid. Kahit na napuno ng galit ang puso nito ay mahal pa rin siya nito.
Sa ngayon, wala siyang ibang magagawa kundi ang magdasal para sa kapatid. Gustuhin man niyang isumbong ang kapatid sa mga pulis para pigilin ito ay hindi niya rin magawa. Masyado niya itong mahal para hayaan itong masadlak sa kulungan kung kaya't ipagdadasal nalang niya ito na sana mapatawad parin ito ng Diyos sa kabila ng mga ginawa nitong pagpatay at sana maliwanagan na ito. Hindi na sana ito patuloy na mabulag pa sa galit. Sana.
---
Hindi pala talaga si Lyka ang pumapatay kundi ang KAMBAL niya. Ang tanong, sino kaya ang kapatid niya? Leave your comments and don't forget to vote this chapter. Thank you!
BINABASA MO ANG
My Time Is Now book 1 (COMPLETED)
القصة القصيرةNang dahil sa BULLYING, buhay nila ay manganganib. Sampung magkakaibigan, lahat paghihigantihan. Lahat uubusin, walang balak na magtira ni isa ang salarin. Mapipigilan pa kaya nila ang kalaban gayung sila'y nagkaka-ubusan? BASAHIN NIYO NALANG! credi...