Dahil bawal na magpagabi ang mga estudyante ngayon sa eskwelahan nila plus gwardyado rin ang skwelahan nila ay wala siyang ibang choice kundi gawin sa bahay ng susunod na biktima ang krimen.
Tinatahak ni Kyla ang daan patungo sa bahay nila Jigs. Ang lalake kasi ang balak niyang isunod sa tatlo. Matagal narin siyang may galit kay Jigs dahil isa ito sa masasabi niyang talagang sumira ng buhay niya. Kung may sira pa sa pinakasira, ang buhay na niya iyon. Naaalala niya pa noon...
"Hi Kyla." Bati ni Jigs habang nakangiti ng malapad. Silang dalawa lang ang nasa classroom dahil nalate siya sa computer class nila at si Jigs naman ay sinadyang magcutting. Lumapit ang lalake sa kanya at umupo ito sa tabi niya.
"Alam mo Kyla, maganda ka naman eh! Hindi ko nga alam kung ba't ka binubully ng grupo namin. Siguro, dahil sa napakasuplada niyo ng kambal mo." Si Jigs habang pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok niya.
"Pero alam mo Kyla, pwede ko namang pakiusapan sila Kris na wag na kayong ibully eh pero sa isang kondisyon." Agad na napatingin siya sa lalake dahil sa sinabi nito.
"Gusto mong malaman kung ano?"
Napatango agad si Kyla. Isa kasi sa mga hiling niya ay lubayan na siya at ang kambal niya ng grupo. Sigurado siyang sa oras na pumayag siya sa kondisyon nito ay mamumuhay na sila ng normal ng kambal niya. Kahit anong kondisyon pa iyon, para lang sa kanila ng kambal niya ay gagawin niya.
"Sure ka? Baka hindi ka pumayag." Pabitin ng lalake habang nilalaro parin ang ibang hibla ng buhok niya.
"H-hindi. Papayag ako." Napangiti ito ng malapad dahil sa sinabi niya. Agad na lumapit ito sa kanya at may ibinulong.
"Gawa tayo ng sex video." Agad siyang napalayo sa lalake.
"Sex video?! Nababaliw ka na ba?!" Gulat na naibulalas niya.
"Ayaw mo? Edi wag! Hindi naman ako ang araw araw na pahihirapan at ibubully eh! Sige. Alis na ako." Akmang tatayo na sana ang lalake pero hinawakan niya ang kamay nito.
"T-teka!" Napatingin ang lalake sa kamay niyang nakahawak sa kamay nito pagkatapos ay tinignan siya nito sa mata.
"Diba ayaw mo?"
"H-hindi. P-pumapayag na ako." Sabi niya. Napangisi ang lalake.
"Pero sa i-isang kondisyon." Napakunot ang noo ng lalake.
"I-ikaw at ako lang ang makakaalam ng video. W-wala ng iba." Nakayukong sabi niya. Binitawan ng lalake ang kamay niya at inakbayan siya nito.
"Wag kang mag-alala. Atin atin lang ang video. Pramis!" Napatingin siya dito at napangiti ng pilit.
'Tutuparin naman siguro niya ang pangako niya.' Sa isip isip ni Kyla.
Pagkatapos nga ng last subject nila ay agad silang nagmotel ni Jigs. Habang ginagawa nga nila iyon ay nakaharap sa kanila ang camera. Kahit na labag kay Kyla na ibigay ang puri niya ay pikit mata nalang niya itong iniaabot kay Jigs dahil alam niyang bukas makalawa ay mamumuhay na sila ng kambal ng payapa. Wala ng bully na magpapahirap sa kanila lalong lalo na sa kambal niya.
Kinabukasan nga noon napaiyak nalang siya sa nalaman. Hindi tinupad ng lalake ang kasunduan nila. Kumalat ang sex video at ang mas malala pa, ipinapakick out siya ng dean sa eskwelahan nila dahil sa eskandalong ginawa niya. Kundi lang dahil sa malaking halaga na pera na iniabot ng Mommy at Daddy niya ay hindi na sana siya nakapagpatuloy ng pag-aaral. Pero akala niya, pinakamalala na iyong balita na makikick out siya sa school. Mas may malala pa pala. Habang ini-aabot ng Mommy at Daddy nila ang malaking pera sa dean ay biglang inatake ang Daddy niya sa puso. Agad na dinala ito sa hospital pero hindi na ito nakaabot pa.
BINABASA MO ANG
My Time Is Now book 1 (COMPLETED)
Historia CortaNang dahil sa BULLYING, buhay nila ay manganganib. Sampung magkakaibigan, lahat paghihigantihan. Lahat uubusin, walang balak na magtira ni isa ang salarin. Mapipigilan pa kaya nila ang kalaban gayung sila'y nagkaka-ubusan? BASAHIN NIYO NALANG! credi...