Matapos na makulong si Lyka na siyang akala nila ay ang pumapatay ay nagpunta sila Kris sa isang resort para magcelebrate. Pinasara ng pamilya ni Cassy ang resort dahil sila naman ang may-ari nito.
Kanina pa sila nag-iinuman sa isang cottage kaya medyo tipsy na sila maliban lang kay Ella/Kyla.
"Let's celebrate guys! Cheers!" Sigaw ni Kris na may hawak hawak na bote ng beer. Natatawa silang nagcheers lahat. Kanina pa kasi cheers ng cheers si Kris. Halatang lasing na ito.
"Sa wakas! Wala narin sa landas natin si Lyka. Wala ng killer. Wala ng mamamatay! Mabuhay!" Dugtong ni Kris na tumayo pa at itinaas ang hawak na beer pero agad rin itong napaupo dahil sa hilong hilo na ito.
"Oo nga pareng Kris! Kaya Bully group, magsaya tayo! Party party! Oh! Cheers tayo!" Si Kean na medyo lasing narin. Itinaas nito ang bote ng beer at nakipagcheers ulit sa mga kaibigan.
"Pero guys, seriously. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na si Lyka ang may gawa ng lahat ng patayan. Oo't naging suspect ko siya pero napakaimposible talaga." Cassy
"Ako rin. Ni hindi ko nga siya naging suspect eh!" Kim
"Ang amo kasi ng mukha niya tapos may sakit pa siya diba? Kaya hindi talaga ako makapaniwala na nagawa niya yun." Thea
"May mga ganyan talaga guys. Mga demonyo na nagtatago sa katawan ng anghel." Kean
"Pero ako, pinaghinalaan ko na siya dati pa." Ella
Napalingon sa kanya sina Kris.
"Bakit?" Cassy
"Si Kyla. Yung nagsuicide. Kambal niya yun diba? Sigurado akong doon siya humuhugot ng lakas para magawa ang mga pagpatay." Sagot ni Ella sa tanong ni Cassy
"Mahal na mahal niya siguro ang kambal niya kaya siya nagkaroon ng lakas na makapaghiganti. Kung ako ang nasa lugar niya, mas doble pa ang ipapadama kong hirap sa mga sumira sa kambal ko." Dugtong ni Ella.
Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumingala siya para pigilin ang mga luhang nagbabadya na namang umagos dahil sa pagkakaalala niya kay Lyka.
Si Lyka. Si Lyka na kambal niya na pinaratangan niya ng mga kasalanang siya naman ang gumawa. Si Lyka na nakulong nang dahil sa kanya.
'Kumusta na kaya si Lyka?' Hindi niya maiwasan na tanong niya sa isip niya. Nag-aalala kasi siya sa kambal. Baka hindi pa ito kumakain. Baka pinagkaisahan ito ng mga priso. Baka inatake na naman si Lyka ng sakit.
Maya maya pa ay pinutol ng napakalakas na hampas ang pagmumuni muni ni Ella/Kyla.
"Ikaw talaga Ella! Ang brutal mo! Doble talaga ha! Baka ikaw ang killer diyan ha at hindi si Lyka! Hahaha!" Tumatawang sabi ni Kim na medyo lasing narin.
Natigilan si Ella pero agad rin naman niyang nasabayan ang biro ni Kim.
"Haha! Joke lang! Ito naman. Makahampas ka, wagas?!" Ella
"Eh pano naman kasing di ka hahampasin eh parang totoong totoo ka talaga diyan kung maka-emote. Muntikan ka pang umiyak. Kinikilabutan kami sayo te!" Thea
"Haha! Kaya ikaw Ella, tigil tigilan mo na iyang kaemohan mo. Wala ng dapat na ikaemo ngayon. Okay? Tapos na ang problema. Time ng magsaya!" Sigaw ni Cassy na medyo lasing narin sabay taas ng mga kamay.
"Oh! Eh time na palang magsaya eh kaya taralets ng maligo!" Si Luke na tumayo na pagkatapos ay nagtatatakbong lumabas ng cottage para magpunta sa pool.
BINABASA MO ANG
My Time Is Now book 1 (COMPLETED)
Short StoryNang dahil sa BULLYING, buhay nila ay manganganib. Sampung magkakaibigan, lahat paghihigantihan. Lahat uubusin, walang balak na magtira ni isa ang salarin. Mapipigilan pa kaya nila ang kalaban gayung sila'y nagkaka-ubusan? BASAHIN NIYO NALANG! credi...