33 - Ending of The Real Battle

1K 28 1
                                    

Nakangisi lang si Kyla habang nakangiti nang nakakaloko sa kanila. Kahit na malakas na malakas ang ulan ay kitang kita pa rin nila ang kademonyohan na nasa mukha nito.

“Nga pala Kris. Alam mo ba kung bakit hindi ikaw ang inuna ko?” Maya maya pa ay narinig nilang tanong galing kay Kyla.

Hindi sumagot si Kris. Bagkos ay naghintay lang siya na dugtungan iyon ni Kyla kahit na maging siya man ay nagtataka din kung bakit hindi siya ang inuna ni Kyla gayung siya ang lider at ang may pakana ng lahat.

“Dahil gusto kong mahuli ka para naman mapagplanuhan ko ng mabuti kung paano ka patayin.” Dugtong ni Kyla na sinamahan pa ng mahinang tawa.

“Yun bang istilo ng pagkakapatay na mababaon mo hanggang sa kamatayan? Yung hindi mo makakalimutan? Yung tagos hanggang buto!” Dugtong ulit ng babae.

“Pero wala eh! Hindi natupad. Sayang.”

Maya maya pa ay natahimik bigla ang quadrangle. Ang tanging maririnig lang ay ang malakas na buhos ng ulan.

Hinanap ng mga mata nila Kenrick, Kean at Kris si Kyla pero wala na ito sa harap nila. Hindi nila ito napansin dahil na din sa makapal na buhos na ulan.

“Magmatyag kayo.” Bulong ni Kris.

Gumawa silang tatlo ng bilog. Ang mga likod nila ay nakasandig sa likod ng isa’t isa. Paikot ikot lang sila sa quadrangle. Nagmamatyag. Nag-aabang kung saan aatake si Kyla.

Maya maya pa ay biglang umalingawngaw ang dalawang putok ng baril sa loob ng quadrangle at maya maya pa, sabay na natumba si Kean at Kenrick. Sapo sapo ng dalawa ang tiyan nila.

“KEAN! KENRICK!” Sigaw ni Kris na agad na sinaklolohan ang dalawang kaibigan. Agad niyang hinubad ang t-shirt niya at hinati yun sa dalawa at itatali sana sa sugat ng dalawang kaibigan nang biglang umalingawngaw ulit sa buong eskwelahan ang hindi mabilang na putok ng baril. At lahat iyon, tumama sa dalawa niyang nakahigang kaibigan.

“H-hindi! HINDI! KEAN! KENRICK! HINDI!” Sigaw ni Kris habang nakadapa at niyayakap ang dalawang wala nang buhay na katawan ng kaibigan.

“Pano ba yan Kris? Iisa ka nalang.”

 

Agad na nilingon niya ang babaeng nasa likod niya.

“HAYOP KA ELLA! HAYOP KA! TINURING KA NAMING KAIBIGAN! BAKIT MO NAGAGAWA SAMIN ‘TO?! BAKIT?!” Sigaw ni Kris na sinasabayan ng malakas na hagulgol.

“KASALANAN NIYO RIN NAMAN IYAN KRIS! HINDI TAYO AABOT SA GANITO KUNG SA SIMULA PA LANG, NAISIP NIYO NA NA MALI ANG GINAGAWA NIYONG PAMBUBULLY! HINDI AKO MAGIGING GANITO KUNG SA SIMULA PA LANG, NAKINIG NA KAYO SA BAWAT IYAK AT PAGMAMAKAAWA NAMIN! HINDI SANA TAYO AABOT SA GANITO KRIS! HINDI SANA!” Sagot ni Kyla na nagsisimula nang humagulgol.

“AT NGAYON KRIS, ORAS KO NA! ORAS KO NA PARA PAGHIGANTIHAN KA! GRABENG PASAKIT ANG IPINATIKIM MO SAKIN NOON, NGAYON, AKO NAMAN ANG MAGPAPATIKIM NG SALITANG HIRAP SAYO!” Dugtong ni Kyla na agad na itinutok kay Kris ang dalang dalawang baril.

“Ngayon Kris, gawin mo ang ginawa ko noon. Magmakaawa ka at baka kaawaan pa kita.” Nagtatagis ang bagang na dugtong ni Kyla/Ella.

---

Nagising si Lyka dahil sa mga malalaking butil ng ulan na nag-uunahang pumatak sa pisngi niya. Agad siyang napabalikwas at napatayo galing sa pagkakahiga sa gilid ng libingan ng ama at mabilis na tumakbo sa isa sa mga maliliit na barong barong ng patay.

My Time Is Now book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon