Nagluluto ng agahan si Lyka nang tumunog ang telepono nila sa bahay. Agad niyang dinampot ito at sinagot pero di muna siya nagsalita dahil baka ang isa sa mga Bully group ang tumatawag.
“Hello? Lyka?” Anang nasa kabilang linya.
“Kyla?” Agad na tanong ni Lyka nung mabosesan niya ang nasa kabilang linya.
“Lyka! Lyka, kumusta ka?! Okay ka lang ba? Nasugatan ka ba? Nabalian ka ba?!” Sunod sunod na tanong ni Kyla na halatang alalang alala kay Lyka. Napangiti naman si Lyka. Kahit kelan talaga ang kambal niya, sobrang maaalalahanin.
“Relax Kyla. Okay lang ako. Wala akong sugat at hindi ako nabalian pero medyo masakit lang ang katawan ko.”
“Bakit masakit ang katawan mo?!” Alala ulit na tanong ng nasa kabilang linya.
“Tumalon ako galing sa ambulansya. Pero okay na ako. Hindi na naman masyadong masakit ang katawan ko. Wag ka ng mag-alala. Kayo diyan? Kumusta kayo ni Mommy?” Lyka
Narinig niya na napabuntong hininga ang nasa kabilang linya bago siya nito sagutin.
“Hay! Salamat sa Diyos naman at okay ka lang.” Si Kyla na parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib.
“Kami ni Mommy dito? Okay lang kami. Hinihintay ka nga naming tumawag kagabi kasi sabi mo, tatawag ka kaya nung wala kaming natanggap na tawag, ako na ang unang tumawag.” Dugtong ni Kyla.
“Nakatulog ako kagabi dahil sa pagod kaya pasensya na. Nga pala. Saan kayo nagtatago ngayon? Pupuntahan ko kayo—“
“No. Wag ka ng lumabas diyan sa bahay Lyka. Wag mo na kaming puntahan ni Mommy dito. Baka sa mga oras na ‘to, pinaghahanap ka na. Magkita nalang tayo mamayang hating gabi sa eskwelahan.” Pigil ni Kyla sa mga dapat ay sasabihin niya. Napakunot naman ang noo ni Lyka.
“Ha? Bakit sa eskwelahan?” Tanong niya sa kambal.
“Sa eskwelahan. Kung san nagsimula ang lahat.” Tanging sagot nalang nito.
Mga halos kalahating oras rin silang nag-usap ng kambal at ng Mommy niya pagkatapos ay nagbaba na ito ng telepono dahil may gagawin pa daw itong importante kaya kahit na miss na miss na niya ang dalawa ay pumayag nalang siya na putulin muna ang pag-uusap nila.
Napa-upo si Lyka sa isa sa mga upuan sa kusina habang hawak hawak niya parin sa kanang kamay ang wireless nilang telepono. Bumuntong hininga siya ng malakas. Kinakabahan siya sa mangyayari mamaya pero kailangan nila tong gawin. Kailangan nilang tapusin ang dapat tapusin. Kailangan na nilang tuldukan ang paghihirap na dinaranas nila.
Bumuntong hininga siya ulit kasabay ng pagpikit ng kanyang dalawang mata at pagtulo ng mga luha galing dun.
“Panginoon, alam kong hindi ka sang-ayon sa gagawin namin. Alam kong kasalanan ang gagawin namin at alam kong hindi nararapat ang gagawin naming paghihiganti pero Panginoon, sana ho patnubayan niyo kami. Sana this time, kami naman ang magwagi. Panginoon, alam kong alam mo kung ano ang dinanas naming hirap kaya pakiusap, kahit sa labang ‘to, kami sana ang pahintulutan mong manalo.”
BINABASA MO ANG
My Time Is Now book 1 (COMPLETED)
Short StoryNang dahil sa BULLYING, buhay nila ay manganganib. Sampung magkakaibigan, lahat paghihigantihan. Lahat uubusin, walang balak na magtira ni isa ang salarin. Mapipigilan pa kaya nila ang kalaban gayung sila'y nagkaka-ubusan? BASAHIN NIYO NALANG! credi...