5 - Painful Flashbacks

1.5K 48 15
                                    

Mabibigat ang hakbang na naglakad siya papasok sa skwelahan nila.

"Oy! Gabi na ha? Bakit nagpunta ka pa dito?"

"May kukunin lang ho akong libro sa locker room kuya. May assignment po kasi kami." Pagsisinungaling na sagot niya sa security guard na sumita sa kanya.

"Ah! Gusto mo samahan kita? Mahirap na. Baka ikaw ang sunod na mabiktima." Umiling siya.

"Wag na ho. Kaya ko na ho ang sarili ko. Bibilisan ko nalang ho ang pagkuha ng libro." Tanggi niya dito. Alam niya kasi na oras na magpasama siya dito ay hindi niya matutupad ang misyon niya ngayong gabi.

"Oh sige. Mag-ingat ka Ineng."

"Sige ho. Salamat." Nginitian niya ang matandang security guard at naglakad na patungo sa main building ng skwelahan nila. Naglakad siya patungo sa rooftop. Gusto niyang lumanghap muna ng hangin dun dahil naninikip ang dibdib niya. Naninikip ang dibdib niya dahil sa napag-usapan nila ng kambal kanina.

Pagdating niya dun ay agad siyang nagbreak down. Tinakpan niya ang bibig para pigilin ang malalakas na paghagulgol. Kasabay ng pagpatak ng mga luha niya ay ang pagbabalik tanaw niya sa mapait na nakaraan. Mapait na nakaraan na siyang dahilan kung bakit niya nagagawang maghigante at pumatay ngayon.

"Kyla, akin na iyang pitaka mo't nagugutom na kami! Bilis!" Sunod sunod lang siyang umiling habang mahigpit na hinahawakan ang pitaka na naglalaman ng perang ibibili niya ng pasalubong para sa may sakit niyang kambal na si Lyka. Kinuwelyuhan siya ng lider ng Bully group na si Kris.

"Kailan ka pa natutong lumaban? Ha Kyla?!"

"Nagtatapang tapangan lang yan Kris pero ang totoo, nangangatog na yan sa takot! Hahaha!" Si Baron na nasa likod lang ni Kris kasama ang dalawa pa nitong kaibigan na si Jigs at Elvis.

"Kung ako sayo Kyla, ibigay mo nalang samin iyang pera mo. Ganun lang naman kasimple yun eh!" Elvis

"Oo nga! Bilisan mo na't nagugutom na kami! Tsk!" Jigs

"Ano? Ibibigay mo na?" Kris

Hindi umimik si Kyla. Maya maya pa ay bigla nalang siyang napahiyaw ng malakas. Sinikmuraan siya ni Kris.

"Masakit diba?! Ngayon, kung ayaw mong sikmuraan kita ulit, ibigay mo na ang pera mo!"

Tumutulo ang luha at pawis na umiling si Kyla.

"Bakit ba kasi ayaw mong ibigay samin yan?! Mayaman naman kayo ha?!"

"M-may s-sakit si Lyka. G-gusto ko s-siyang b-bilhan ng p-pasalubong k-kaya kung pwede, b-bukas k-ko nalang k-kayo bibigyan ng pera--"

"HINDI PWEDE! GUSTO KO NGAYON NA!" Singhal ni Kris. Umiling siya ulit at kasabay ng pag-iling niya ay ang sunod sunod na tadyak sa kanya ng apat na lalaki.

Tumigil lang ang mga ito nang mawalan na siya ng malay. Paggising niya ay wala na sa bulsa niya ang pitaka. Naglakad siya patungo sa hospital ng umiiyak. Pagpasok niya sa room ng kanyang kambal ay agad na napabalikwas ito sa gulat.

"KYLA, ANONG NANGYARI SAYO?!" Agad siyang tumakbo palapit dito at niyakap ito.

"Lyka, s-sorry. Sorry kasi h-hindi kita nabilhan ng paborito m-mong cheese cake. S-sorry."

"No! Okay lang pero bakit ganyan ang itsura mo?" Kumawala siya sa pagkakayakap sa kambal at pinunasan ang mga luha niya.

"Binugbog l-lang naman a-ako nila Kris para kunin ang perang i-ipambibili ko sana ng c-cheese cake." Nagsilaglagan ulit ang mga luha niya.

"L-Lyka, pagod na pagod na a-ako sa pambubully nila. P-pagod na pagod na ako." Hinawakan ni Lyka ang kamay niya.

"Ang Diyos na ang bahala sa kanila Kyla--"

"Hindi! Uunahan ko na ang Diyos Lyka." Putol niya sa sasabihin ng kambal.

Nung gabi ring iyon ay umuwi siya sa bahay nila para mag-impake. Lalayas siya at sisiguraduhin niyang sa pagbabalik niya, mawawala na sa landas nila ng kambal niya ang mga nagpahirap sa kanila.

Nag-iwan siya ng sulat na naglalaman ng...

Lyka, Mommy. Palabasin niyo ho na patay na ako. Na nagsuicide ako. Babalik rin ho ako sa tamang panahon. Pangako.

Dalawang taon siyang nawala dahil nagpa-ampon siya sa isang matandang doctor na bihasa sa plastic surgery. Pumayag siyang maging laruan at parausan nito kapalit lang ng pangakong babaguhin nito ang mukha pati ang pagkatao niya na siya namang tinupad ng doctor. Binago nga nito ang mukha niya. Lahat ng parte ay binago nito. Walang iniwan ang doctor na bakas ng dating Kyla. Tinulungan din siya nito na magbago ng pangalan pati na ng pagkatao. Nung nakuha na niya lahat ng gusto sa doctor ay winakasan rin niya ang buhay nito.

Hanggang sa isang araw nga ay napagpasyahan na niyang magpakita sa kambal.

"Lyka." Nakangiti niyang tawag sa kambal na kalalabas pa lang ng gate ng skwelahan.

"Sino ka?" Takang tanong nito. Hinila niya ito sa isang sulok. Nag-aalinlangan pa itong sumama sa kanya pero nagpati-anod rin ito.

"Lyka, ako to. Si Kyla!" Napatakip sa bibig ang kambal niya at maya maya pa, nagsilaglagan ang mga luha nito. Napaiyak narin siya.

"Kyla. Kyla, ikaw ba talaga yan?"

"Oo Lyka! Ako to. Lyka, namiss kita." Agad niyang niyakap ang kambal. Niyakap rin siya ng mahigpit nito.

"Kyla, ikaw nga. Kyla, namiss rin kita." Kumalas siya sa yakapan nila pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Lyka.

"Lyka, ngayon na ang tamang panahon at oras."

"Ha? Anong pinagsasabi mong tamang panahon at oras?" Takang tanong nito habang hawak nito ang mga kamay niyang nakahawak sa pisngi nito.

"Tamang panahon at oras upang simulan ko ang paghihiganti ko."

"Ano bang pinagsasabi mo Kyla?"

"Maghihiganti ako sa lahat ng myembro ng grupong Bully group." Napanga nga nalang ang kambal niya sa sinabi niya.

Marahas niyang pinahid ang mga luha niya pagkatapos ang pagbabalik tanaw sa lahat ng nadaanan niyang pait. Tumayo siya. Huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti.

"Oras ko na ngayon. Hindi ko ito pweding sayangin." Kinuha niya ang bag na naglalaman ng isang grass scissor at ilang mga kagamitan na ginagamit niya sa pagpatay katulad nalang ng kutsilyo at barb wire na ginamit na niya kina Kirby at Kisely. Naglakad na siya paalis sa rooftop. Habang naglalakad ay sinulyapan niya ang relo niya. 6:45 pm na. Malapit ng matapos ang basketball practice ni Baron. Si Baron na napili niyang maging biktima ngayong gabi. Ito lang kasi ang alam niyang siguradong gagabihin ngayon sa pag-uwi.

Napangiti siya.

Makikita na naman niya mamaya na naghihirap ang isa sa mga myembro ng grupo na nagpahirap sa kanya noon.

Mas napangiti siya ng matamis.

"Lalala~ My time is now~" Kanta niya habang binabagtas ang corridor patungo sa CR ng mga boys.

---

Nagbago ng katauhan si Kyla so, it means na hindi na Kyla ang pangalan niya. Hmmm...Sino nga kaya talaga siya? Comment below and don't forget to click vote for this chapter. Thank you!

My Time Is Now book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon