Chapter 17 (too much pain)

262 6 0
                                    

Lexi's POV

"Hindi ko pa alam!! Hindi ko alam kung mahal ko siya o hindi!! Basta ang mga nangyari sa'min that was all planned by dad!! It was business related. At ang 'di ko alam ba't pati siya dinamay dito!! Ela, alam mong mabaet siya!! Kaya hindi ko pa magagawa na saktan siya. Kasi naaawa ako sakanya!! Wala naman siyang kasalanan eh!! Ela 'di ko na alam ang gagawin ko!! Hindi ko kayang gawin yun sa kanya------" Narinig kong boses yun ni Three. Huh?? sino yung sinasabi niya?? Akala ko ba tulog siya?? Kausap niya kaya sa cellphone yun?? Si ela?? Kakatok na sana talaga dapat ako nang biglang pinutol ang sasabihin niya.

"Three, anong plano?? ano sinasabi mo?? bakit?? Three, naguguluhan ako!!" Yung mga boses na yun. Alam ko kung kanino yun, alam na alam ko. Akala ko ba nagpapahinga siya?? Bakit kasama niya si Ela?? Hindi kaya?? Hindi, hindi mali. Magpinsan sila, Oo tama magpinsan sila. Kumatok na'ko kaso siguro mga dalawang katok lang. Hindi ata nila narinig kasi biglang nagsalita si Three.

"Ela, Ang mga nangyari sa'min ni Jimin that was all planned by dad. Ang ligawan ko siya, Maging kami, tumayong kunyaring kasintahan siya. Lahat ng yun ay plano ni Daddy." Nang marinig ko ang mga salitang yun para aking binuhusan ng isang balde ng tubig. Nanghina ako bigla kumirot ang puso ko. Parang tinutusok-tusok. Sunod-sunod ng nagsituluan ang mga luha ko. PLANNED BY HIS DAD??

"B..ba..bkit??" Narinig kong nauutal na sabi ni Ela. Pero bakit andito si Ela??

"Kasi, magkaaway ang pamilya ko at pamilya ni Jimin pag dating sa business. Nalugi ang kompanya namin at hindi pumayag ang papa ko na mawala nalang basta sa'min ang kompanya kaya gumawa siya ng plano. At ang saktan ko si Jimin ang tanging plano niya." So all things what he did was planned?? was scripted?? was false?? was not true?? Napahagulgol nalang ako tinakpan ko ng dalawang ko ang bibig para walang makarinig. Pilit kong hinaan ang pag-iyak ko pero hindi kasi masakit talaga. Pe..pero bakit pumayag siya?? B..bakit sinabi niyang matagal niya na daw akong gusto?? na doon lang daw kasi siya nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan ako?? na mahal niya daw ako?? BAKIT?? BAKIT??

"Sa planong yun ni dad pumayag ako kasi ayoko rin malugi kumpanya namin dahil pati kami madadamay kung sakaling malugi. Pumayag rin ako noon para pampalipas nung iniwan mo'ko. Ela, minahal kita ng sobra hindi madali sa'kin kalimutan ka ng mga oras na yun. Kaya pumayag ako sa planong yun kasi baka sakali makalimutan kita kahit unti. Gumawa ako ng kwento nung oras na yun sinabi ko kay Jimin na matagal ko na siyang gusto which is not true sinabi ko ring mahal ko siya pero hindi naman talaga. Ikaw parin ang mahal ko ng mga oras na yun Ela. Nagsinungaling ako sa kanya para mapadali ang plano ko." Mas lalo akong nasaktan sa mga salitang narinig ko. Napalakas ang paghagulgol ko kaya napahigpit ang hawak ko sa bibig ko. Lahat ng sinabi niya sa'kin Hindi totoo?? Puro kalokohan lang?? Dahil sa mga kalokohang salitang yun nadala ako naniwala ako kaya minahal ko siya ng sobra na ang matatamis na salitang iyon wala naman palang katotohanan.

Biglang nanlumo ang mga binti pati katawan ko kaya napasandal ako sa dingding at bigla nalang akong napaupo. Minahal ni Three si Ela ng sobra? Iniwan siya ni Ela? Kung ganun hindi pala talaga sila magpinsan? Niloloko lang nila ako?? Pero bakit?? BAKIT NILA AKO NILOKO?? BAKIT NILA AKO PINANIWALA?? BAKIT NILA AKONG GINAWANG TANGA??

"Masama ako. Kasi ginamit ko si Jimin para makalimutan ka. Pero ayun lang din ang tanging naisip ko. Kaso parang 'di parin kita nalimutan nasa puso ko parin yung sakit. Nung nakita kita sa restaurant kasama ko na nun si Jimin. Nagulat ako kasi nga bakit andun ka, Namiss kita ng sobra nung oras na yun. Gusto sana kitang yakapin nun, pero hindi pwede kasi masisira plano ko masisira ang tiwala sa'kin ni Jimin baka kung ano isipin niya saka nangingibabaw ang galit sa'kin sa pag-iwan mo sa'kin kaya mas pinili kong wag ka nalang pansinin at sabihin kay Jimin na pinsan kita para 'di siya maghinala sa'tin pero 'di talaga kita natiis kaya nga minsan nakikipagkita ako sa'yo kahit kami ni Jimin wala eh, mahal kita eh. I cheated on Jimin because I love you so much, Ela." Narinig kong naiyak narin si Ela.

They are HEARTLESS! (Minsul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon