Lexi's POV
Andito na kmi ni bestfriend sa school papunta sa mga room namin. Magkaiba kami ng section eh. At kung tatanungin niyo ako kung anu ang reaksyon ng mga tao dito sa school! Ay nakuuu!
Yung iba nagulat nanlaki yung mga mata. Yung iba humanga sa'kin meron pa nga pinuri ako. Meron namang mga nainis peke daw ako! sa make-up lang naman daw ako bumawi! Yung iba namang mga lalaki sinisipulan na ako tapos kung anu-ano mga pinagsasabi katulad nalang ng 'babe, pwede manligaw?' 'papasayahin kita sana kanalang sa akin' 'Witiwiw' Watda??? seriously?? Eh dati nga halos pagtawanan at pagtripan nila ako! Haysssssss Pag maganda ka pala talaga 'di kana nila aapihin. Meron man na iba pero kakaunti lang -_-
"Ah, best sige una na ako ha! :D Sabi naman sa'yo ang ganda mo eh! :)) Ayan pinagkakaguluhan ka tuloy!" sabi ni bestfriend Elana. Haha,
"Nakuuuu, sige na. Andito na room ko. Nang dahil lang naman sa'yo 'to eh! Sigee salamat talaga best ah! :D" sabi ko. At pumasok na ako sa room.
Nang pagkapasok ko. Mga mukha nila ganito! O______________O Ganun naba talaga nakakagulat itsura ko?? Ayan nanaman ang mga bulong-bulongan! Haysssss -_- 'di ba sila magsasawa?? Kasi ako sawang-sawa na!! As in! Sawa na talga!
Naglakad nalang ako papunta sa upuan ko. Nakita ko dun si Sungit nakaduko nanaman na natutulog tss -_-
"Uy, sungit!" kalabit ko sa kanya. Haha, naalala ko tuloy nung una kaming magkita.
"Oh?" sabi niya na tatayo na sa pagkakaduko. Pagkakita niya sa akin. Wala! Ganto parin ang itsura! =____= tss -_- what's new with EL??
"Okay lang naman itsura ko diba??"
"mas nagmuka kang tao ! =_=" sabay kibit balikat. Luh, batukan ko 'to eh!
"Che!" sagot ko. sabay taray! Bwahaahhahahhahha! 'di man lang nagulat sa itsura ko! :(
***************************
At sa wakas uwian na!!! Naglalakad kaming dalawa ni EL pauwi ngayon kasi si best may emergency daw kaya una na siyang umalis.
"Ah, EL musta ka naman? Minsan nalang kasi tayo magkita eh. Kasi si Elana diba?"
"Ah, nahinga pa -_-" wala naba talagang mas titino sa sagot niyang yan??
"Matanung ko lang EL ikaw ba may nagustuhan ka ng babae??" tanong ko. Kasi naman sa ugali niyang yan. May puso ba siya para mainlove??
"Yeah."
O_____O meron?? Waaaah gusto ko malaman! Sino yuuuun??
"Kyaaaaaaaaaah! Sino?? Sino?? talaga?? talaga?? Meron??"
"Aish! Oo nga!! Kulit mo! -_-' "
"Eh sino nga kasiiiiii??"
"'di na importante kung sino!"
"Sino ngaaaa? 'di ko naman sasabihin eh. Saka ba't ayaw mo pang ligawan??"
"Hindi pwede, pagmamay-ari na siya ng iba. Hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa'kin." Ehh?? o.O
"Anu pangalaaaaan??"
"Tss -_- walang pangalan."
"EL naman! parang 'di tayo magkaibigan eh!"
'di na niya ako pinansin.
"tss slow poke as always! -_-"
Eh?? anu daw?? 'di ko ata narinig yun??
"Ano?? Mat sinasabi ka??"
"May narinig ka? '-_-" sabi niya sa'kin na nakataas ang isang kilay tas nakatingin sa'kin.
"Sungit :3" Sabi ko na naka pout! Malay mo maawa siya sa'kin. ;) tas sabihin niya na kung anu pangalan.
"tss -_- muka kang aso! Tigilan mo nga yan."
"Sama mo talagang sung--" Naputol ang sasabihin ko kasi nakita ko yung tatlong nanakit sa'kin. 'di naman na ako natakot kasi andyan naman si EL. Andito na sila sa harap namin.
"Anong kailangan niyo??" maangas na tanong ni sungit. Nakakatakot ang mukha niya! Sobrang sumeryoso, parang papatay lang eh.
"Easy lang EL, may bibigay lang naman kami sa kanya. 'di naman namin siya sasaktan. :)" sabi nung leader ata nila. Ito yung may kasalanan kung bakit may pasa ako sa tiyan eh. Haysss, gusto ko gumanti sana! kaso masama yun! ;) Mabaet ako eh. :D
"Oh! (sabay bigay sakin nung envelope) btw, ang ganda mo ngayon huh! :D Yung bestfriend mo bang ahas ang may gawa niyan?? Woooow! ang bait niya. Pinaganda ka niya" Pinagsasabi ba nito?? ahas?? bestfriend ko??
"Mauna na kami huh! :) btw, I'm Via :)" sabi nung leader leaderan nila.
"Zia here" sabi nung matangkad.
"Diane here" sabi numg medyo kulot ang buhok.
"Pakisabi sa bestfriend mong mabaet. Huwag siyang plastic. Nakakainis kasi!" sabi nung Via.
Then umalis na sila. Ang gulo! Anu ba meron?? Ano 'tong envelope na'to??
"Wala talagang dala yung mga yun. Ano yan??" tanung ni EL.
Nagkibit balikat nalang ako. Bubuksan ko nalang. Nung binuksan ko na nakita ko picture ni Three at Elana. Bigla nalang kumirot ang puso ko. Bigla akong kinabahan! Nanginginig ako! Ewan ko kung bakit. Magpinsan naman sila diba?? Pero bakit gan'to?? Bakit masakit?? Bakit may kutob ako??
Nang makita 'to ni EL nagulat din siya. Nanlaki ang mata niya. Bakit?? Kilala niya ba si Three?? si Elana?? Aysssshhh! Pupuntahan ko si Three! tama!
Tumakbo na ako para pumunta kila Three. Iba ang kutob ko ewan ko!! Hindi ko alam!! Naguguluhan akooo!
"Lexi! san ka pupunta??" narinig kong sigaw ni EL pero 'di ko na siya pinansin gusto ko lang ngayon puntahan si EL! sana talaga mali ang kutob ko! SANA! MAGPINSAN SILA! TAMA! DAPAT 'DI AKO KUTUBAN!
(A/N: Sana maka 300 reads n ako! ;))) plsssss! Saka penge po 3 votes lang tas ipopost ko na po yung next chapter! :D plssssss :)) Makapal po talaga mukha ko! :D Hahaha, :D plsss po! :'( Hahahaha Btw, dedicated ko pala 'to dun kay SEPTEMBER 101 Hiiiii~ :D Thanks doon sa dedicate mo rin sa'kin sa story mooo :D)
BINABASA MO ANG
They are HEARTLESS! (Minsul)
RomanceMahirap talaga ang masyadong mabait ksi 'di mo npapansin kawawa ka na pla ang hina-hina mo na pla.. Ang pgiging mabait hndi na pinupuri, kinakamuhian na. Hindi na uso ang mabait ngayon inaapi kana pag ganyan ka! Eh? anu nba tlga ang gusto nila?? ang...
