EL's POV
"Ginawa namin lahat pero hindi na nakaligtas ang baby. The baby was just 1 month old. Hindi ganun kayang kumapit, to the fact na developing palang ang baby sa sinapupunan ng pasyente at grabe ang natamo ng pasyente mula sa car accident. Malakas ang na-impact sa tiyan niya sa pagkabangga. Kaya imposible na maligtas ang bata." Mahabang paliwanag ng doctor. Pagkasabi niya nun ang una kong inisip si Jimin.
Iniisip ko kung paano ipapaliwanag na wala na yung dinadala niya. Hindi ko alam kung ano mararamdaman. Masyado akong nadadala ng kaba, takot, sakit, inis, galit. Masyado nang naghalo-halo at hindi ko na alam kung anong pwedeng maramdaman ko. Natauhan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang tita ni Jimin.
"Si Lexi po kamusta?" Yung kaninang halo halo kong nararamdaman, bigla nalang umibabaw sa nararamdaman ko yung kaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanlalamig ang nga kamay ko. Ni pag mura hindi ko magawa sa sobrang kaba.
"Okay na ang pasyente. Wala namang masyadong natamong bali ng buto ang pasyente. Yung mga sugat hindi rin ganun kalalalim. Maraming dugo ang nawala sa biktima kaya kakailanganin natin ng donor para maituloy ang operasyon sa pagtanggal ng bata sa sinapupunan ng pasyente." pag patuloy ng doctor.
Nagpasalamat kami sa doctor saka siya umalis. Nakahinga naman ako ng maluwag nang malaman na okay na si Jimin kahit papaano. Pero kailangan niya ng donor kailangan naming makahanap agad ng ka-blood type niya.
Nakapasok na kami sa kwarto ni Jimin dahil pinayagan narin naman kami. Tiningnan ko siya. May mga ilang sugat siya sa muka saka sa katawan. Pero kahit ganun di ko napigilang mapangiti. Nakatayo lang ako sa tabi ng kama niya habang yung tita niya nakaupo sa upuan sa tabi lang din ng kama niya. Maya-maya napagdesisyonan ko munang umalis at umuwi para makaligo at maasikaso ang kaso ko na naiwan ko.
Pinayagan naman ako ng tita niya. Siya nalang daw muna mag-aalaga kay Jimin. Saka ako umalis. Pumunta muna ako ng presinto saka inayos yung kaso ko. Hindi naman na daw nagsampa ng kaso yung gago kaya ayos na daw. Wag lang daw ulit ako tatakas ng di pinapayagan. Kaso naalala ko nanaman yung gago kaya di ko alam kung bakit pero pinunta ako ng motor ko sa bahay ng gago. Nag-dorbell ako saka ako nilabas ng isa sa katulong nila. Pinapasok naman ako ng bahay kasi sabi ko naman barkada kami, at saka ako pinapunta sa kwarto ng amo niya. Nagpapahinga pa daw. Ang bakla ng gagong yun. Putangina. -,- Ang kupal ng muka niya! Di ako makatiis puruhan ko pa siya eh.
Pumasok ako sa kwarto niya. Nakita ko dun yung isa pang hayop nagbabantay sa kanya. Si Elana. Nagulat siya sa pag dating ko. Halatang halata sa muka niya. Bukod dun, kita ko rin yung takot. Mas nakakatakot muka nilang dalawa! Mga gago!
"K-kuya b-bakit ka andito? Uhh a-anong kailangan mo?"
"Layuan niyo sa si Jimin. Wag na wag na kayong magpapakita sa kanya. Lalong lalo na yang gagong yan. Wala na silang anak. Kaya wala nang dahil para makipag ugnayan pa kayo kay Jimin. Oras na malaman ko na nakipagkita o kinausap niyo si Lexi. Magtatabi kayo ng gagong yan sa libingan." saka ako umalis.
Pumunta ako ng condo ko saka naligo at kumain saka umalis uli papunta ng hospital kung asaan si Lexi. Pero bago yun, dumaan muna ako sa prutasan saka bumili ng mga prutas para kay Lexi sana. Para pag magising siya may kainin agad siya. Dalawangpung minuto bago ako nakadating sa ospital. Nagpalit muna kami ng tita ni Jimin. Magpapahinga na muna daw siya at ako na muna daw bahala kay Jimin. At doon niya rin sinabi na may nahanap na daw agad na donor ng dugo para kay Jimin na kinatuwa ko naman.
Salamat, sa Diyos.
Lumipas ang tatlong araw. Tapos na ang operasyon kay Jimin. Natanggal na ang bata sa sinapupunan niya. Nakakalungkot dahil kahit hindi ako ang ama ng batang yun mahal ko ang nanay niya kaya napamahal narin sakin kahit papaano yung bata. Tatlong araw na hindi parin nagigising si Jimin sabi ng doctor masyado daw kasing napagod si Jimin physically pati emotionally kaya hanggang ngayon hindi pa siya nagising.
Kaming dalawa lang ng tita palagi ni Jimin ang nagpapalit palit para bantayan siya pero kahapon ako lang nagbantay kasi may trabaho pa yung tita niya. Okay lang naman sa akin. Kahit bantayan ko pa siya habang buhay. Okay lang. :3 Ewan ko bakit nagmahal ako ng baliw. May sayad sa utak.
Hapon na medyo nainip ako ng unti kaya nagbasa basa nalang ako ng librong pwedeng basahin. May mga babasahin namann dito sa hospital eh. Para siguro talaga 'to sa mga nagbabantay. Ewan.
Nagbabasa ako nang bigla akong may napansin. Nakita ko gumalaw yung daliri ni Jimin sa kanang kamay niya. Ewan ko kung guni guni ko lang o ano pero nakita ko talaga. Kaya tinigil ko muna yung pagbabasa saka pinakiramdaman si Jimin. Maya maya gumalaw nga talaga yung kamay niya. Yung mga daliri niya dahan dahang nagsigalawan.
Ewan ko kung ano mararamdaman ko ngayong gising na si Jimin pero natutuwa ako. Agad kong pinindot yung buzzer para humingi ng tulong sa hospital. Agad namang may dumating at chineck-up si Jimin saka ako kinausap. Okay na daw si Jimin. Kailangan niya raw muna magpahinga lang para mapahilom yung mga sugat sa katawan. Makakausap naman na daw si Jimin. Matapos niya ako kausapin ngumiti yung doctor na pumunta saka umalis.
Pinuntahan ko agad si Jimin unti unti nang bumukas yung talukap ng mga mata niya hanggang sa nakita na niya ako at tumingin tingin sa paligid.
"Nasa hospital ka. Naaksidente ka sa sasakyan na dina-drive mo. Tatlong araw na simula nung mangyari yun bale tatlong araw ka nang natutulog. Yung tita mo iniwan ka muna sa akin pumasok siya sa trabaho niya eh." inunahan ko na siya bago pa niya ako paulanan ng tanong.
"E-EL, y-yung a-anak ko?"
BINABASA MO ANG
They are HEARTLESS! (Minsul)
Roman d'amourMahirap talaga ang masyadong mabait ksi 'di mo npapansin kawawa ka na pla ang hina-hina mo na pla.. Ang pgiging mabait hndi na pinupuri, kinakamuhian na. Hindi na uso ang mabait ngayon inaapi kana pag ganyan ka! Eh? anu nba tlga ang gusto nila?? ang...