Chapter 21 (I'll still save you even if it's hurt)

170 8 0
                                    

Lexi's POV

Napabitaw siya sa pagkakayakap sa'kin saka ko siya tiningnan. Kinakabahan ako. Kinabahan ako na baka pati siya layuan ako.

"Is that a joke?" biglang niyang salita. Binaling baling ko lang ang mukha ko para ipaalam na hindi ako nagloloko, na totoo ang sinasabi ko.

"I'm two weeks pregnant." Paulit kong sabi. Tumulo nanaman uli ang mga luha ko.

"Is that Three's?" seryosong tanong niya at rinig na rinig and pagtunog ng bagang niya habang sinasabi yun.

Wala akong dahilan para itanggi pa sa kanya kung sino ang ama kaya dahan-dahan akong tumango bilang sagot sa tanong niya at laking gulat ko nalang ng bigla siyang tumayo saka nagmumumura ng malakas.

"PUTANGINA! TANGINA! ANG GAGO! YUNG PUTANGINANG LALAKING YUN BINUNTIS KA SABAY HINDI KA PANANAGUTAN! ULOL SIYA! TANGINA! KAYA KA BA UMIIYAK DAHIL DOON? HUH? PUTA NAMAN LEXI EH!"

Hindi ko inaasahan na ganyan ang magiging reaksyon niya kaya takot akong umiyak. Natatakot ako sa kanya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan. Ayoko makita siyang ganyan. Ayoko. Wala akong nagawa kundi ang umiyak nalang dahil sa takot. Sadali kaming nanatili ng ganun. Naririnig ko lang si EL, rinig ko ang kung ano-ano ang mga pinagsisipa at pinagsusuntok at lalo ko iyong kinaiyak. Maya-maya natigil rin iyon at muling tumahimik sa pagitan naming dalawa.

Ilang saglit pa'y naramdaman kong hinawakan niya ako, inalalayang tumayo saka ako niyakap ng mahigpit.

"E-EL" yan lang ang lumabas sa bibig ko.

"Ssshhh, I'll still save you. I promised thar to you, right? Kung hindi niya kayang panagutan. Ako nalang, kaya ko. Handa akong panagutan yan Lexi. I'll save you. I'll help you." Hinihimas-himas niya ang likod gamit ang isa niyang kamay habang ang isa ay nakahawak sa ulo ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko ang sakit parin kahit na alam kong may magliligtas sa'kin pakiramdam ko lunod parin ako. Alam ko umpisa lang ito. Mawawala rin ito.

Iba ang EL na nasa harap ko ngayon. Hindi siya ang EL na nakilala ko kasi ang EL na kilala ko hindi kayang gawing salbahin ang isang tulad na nagpipilit na makipag-kaibigan sa kaniya. Ang bilis parin ng tibok ng puso.

Bumitaw si EL sa pagkakayakap sa'kin saka pinunasan ang mga luhang nagkalat sa mukha ko gamit ang kaniyang kamay. Saka siya nagsalita ulit.

"I'll help you. Sa umpisa lang masakit, tutulungan kita para mawala ang sakit. Kahit na, alam ko sa sarili ko wala akong alam doon kasi mismo sarili ko, na nasasaktan ngayon hindi alam ang gagawin para mawala ang sakit na nararamdaman ko." Saka niya hinalikan ang noo ko.

Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa para sa akin ang mga ito.

EL's POV

Nauwi ko na si Lexi sa bahay nila, tulad ng sabi ng tita niya sa bahay nila, ko siya inihatid.

Saka ako dumeretso ng  bar at umorder ng napakaraming alak. Saka naupo sa isang couch dun. Gustong kalimutan lahat. Lahat ng narinig ko, lahat ng nararamdaman ko, lahat ng sakit. Ang sakit! Tangina! Gago si Three! Kaya ba umiiyak nun si Lexi kasi 'di niya kayang mapanagutan? Eh putangina niya pala eh! Pag makita ko siya! Puta! Wala akong palalagpasin! Ibibigay ko sa kanya kung ano nararapat sa kanya.

Hindi parin ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. tangina! Nakakabakla talagang magmahal! Puta kasi ang sakit eh!

Tangina ba't kasi yung Three na yun pa! Kaya ko naman eh, kaya ko naman siyang pasayahin ng mas higit kay Three! Hindi niya naman kasi ako binigyan ng pagkakataon. Pagkataon na ipakita sa kanya na kaya ko siyang mahalin at mapasaya ng mas higit kay Three.

Lagi siyang na kay Three kahit andun naman din ako. Nagkakasama lang kami pag wala si Three, ako ang taga-salo sa kanya pag wala ang Three niya at saka doon niya ako kinukwentuhan ng tungkol parin sa kanila ni Three. Palagi nalang si Three. Nagbigay ako ng mga pahiwatig na gusto ko siya pero mukhang 'di niya napansin kasi malay ko bang si three lang pala palagi ang iniisio niya. At ngayong nasasaktan siya at nagdadalang tao na siya. Ako nanaman ulit ang sasalo kasi pinagtabuyan siya ng mahal niya.

Ang totoo, hindi ko alam kung kaya ko. Sinabi kong pananagutan ko siya na kahit hindi sa'kin yun kasi kusang lumabas yun sa bibig ko pero ang totoo hindi ko talaga alam kung kaya ko.  Masakit? Oo sobra. Puta!

Bigla ko nalang naramdaman may tumulo nang luha sa mga mata ko. Puta! Ang bakla! Kaya dali-dali ko itong pinunasan. Tangina! Unang beses 'to. Ayoko ng gan'to.

Kaya dali dali akong uminom uli at sunod-sunod na tinungga iyon.

Maya-maya sa kalagitnaan ng pag-inom ko may lumapit sa'king babae. Ang dikit sa'kin pero 'di ko nalang pinansin.

"Hi." panimula niya. Hindi ko nalang pinansin saka patuloy na uminom.

"Hey, babe! Would you like to dance? C'mon! Don't just stress yourself here." sabi niya pa ulit. Tiningnan ko siya ng masama kaso ang tibay nginitian pa ako.

"I'm not babe. I don't do flirt nor dance with any slut. So shut up and go back to your own place!" Malamig na sabi ko dito. Kaso ang tibay hindi talaga umalis at inasar pa ako. Pag ako maurat sa kaniya! Tangina.

"Aw, that's too harsh babe. Look, i'm just asking for dance. You look so problematic. I can help you to erase it in just one snap." sabi niya saka ngumiti. Sa totoo lang maganda sana 'tong babaeng 'to. Tsk Sayang siya. -_-

"Then how? And please,  stop calling me babe or else--" Ang sunod niyang ginawa ang nagpagulat sa'kin. Napapalunok ako. Puta may tama narin ako eh.

"Or else, what babe? And oh! You're asking how to erase? Let's erase it through pleasure" She said in a flirty one.

She's actually massaging my tigh. Kaya napapalunok ako. Tatayo na sana ako kaso ang sunod niya ulit na ginawa ang unti-unting nag-aalis sa'kin sa sariling wisyo ko.

Bigla niyang hinawakan ang batok ko saka ako hinalikan. She kissed me torridly. Wtf? Hindi ko na alam. Wala na akong alam.

Itutuloy .. Itutuloy ..

They are HEARTLESS! (Minsul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon