EL's POV
Bigla akong kinabahan nang tanungin niya kung ano nangyari sa buhay na nasa sinapupunan niya. Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko. Hindi ko alam. Kinakabahan ako. Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya habang siya inaantay ang magiging sagot ko.
"EL, y-yung anak ko anong nangyare sa kanya?" ulit niyanng tanong na mas nagpakaba sa akin. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ano.
"H-ha? Ano.. Uh.." hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko habang siya nag aantay parin sa sagot ko. Hindi ko talaga alam.
"EL!! ANO'NG NANGYARE SA ANAK KO?!!! SAGUTIN MO NAMAN AKO!" pag-ulit niya sa tanong na may tonong pagalit.
Mas kinabahan ako dahil nakikita ko sa mata niya na paiyak na siya. Kaya wala akong nagawa kundi sagutin yung tanong niya.
"Jimin." pagtawag ko sa kanya
"Wala na yung bata." malamig na sabi ko at doon na nagsimulang sunod sunod na nagsi-tulo ang kanyang mga luha.
"E-EL? W-wala na yung anak ko?" Nakatungangang sabi niya habang sunod sunod yung mga luhang nalabas sa kanyang mga mata. Nasasaktan ako sa mga nakikita ko. Sobra. Parang pinipiga yung puso ko kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap.
"EL!!!! Yung anak ko!!! Wala na yung anak ko!! Ayoko na, EL. Pagod na pagod na ako." Nangawan niyang sabi habang yakap ko siya dahilan para maiyak na rin ako. Panay lang ang iyak niya hanggang magsalita uli siya. Nakayakap parin ako sa kanya.
"Bakit pinararanas sa akin ang lahat ng 'to? Ayoko na, EL. Pagod na ako. Wala na akong makapitan ng lakas. Ayoko n--" Naputol ang salita niya nang bigla pala itong nahimatay. Kaya agad kong pinindot nang pinindot yung buzzer ng sunod sunod.
Ang tagal naman ng doctor!!!!! PUTANGINA!!!!
At maya-maya rin nagsidatingan na nga sila.
"Sir, ano po ang nangyari?" tanong ng nurse sa akin.
"Gumising na si Jimin pero bigla nanaman uli nawalan ng malay! Nasaan ba yung doctor?!" Mejo pagalit na sabi ko.
"Kumalma ho kayo. Padating na po si Doc" sagot niya naman. Kinabahan nanaman ako. Ang gago!
Dumating rin naman agad ang doctor. Lumabas na muna ako para huminga ng maayos.
Putangina. Sana hindi ko muna siya binigla eh. PUTANGINA! Sana walng masamang epekto yun. Kung magkataon di ko talaga mapapatawad ang sarili ko. Maya maya lumabas na ang doctor ni Jimin kaya agad ko itong pinuntahan.
"Kamusta si Jimin, doc?" Agad na tanong ko sa doctor.
"Ayos naman ang pasyente. Nabigla lang siguro. Maya maya rin magigising na siya. Huwag niyo nalang siya muna pagurin not only physically but also mentally. I-relax niyo nalang muna. Overall, okay na siya. Naka-recover na. Pwede niyo na siya i-uwe." Paliwanag ng doctor
"Thank you, doc." Sagot ko saka naman ako nito tinapik at nagpaalam na kailangan niya nang umalis. Agad naman ako pumunta sa kwarto ni Jimin upang hintayin siyang magising uli. Tinext ko na rin ang tita niya na nagising na siya.
**********
EL's POV
Nagising na si Jimin makalipas ang dalawang oras. Andito na rin ang tita niya. Pinakain nalang muna namin si Jimin. At mabuti naman, kumain din ito. Matigas pa naman ulo nito. Tss -_-
Pagkatapos niya kumain. Ako na nagligpit saka siya kinausap ng tita niya kung okay lang ba daw siya. Tumango tango lamang ito. Nakatayo lang ako sa gilid nila habang nag-uusap sila. Hay, buti naman at okay na siya. Mamaya naman, bigla nanaman uli 'yan iiyak. =____= Napa-iling nalang ako.
Kahit ano naman mangyari andito parin ako para sa kanya. Handa akong alalayan siya. Kung kaya ko lang alisin lahat ng bigat na nararamdaman niya inalis ko na at nilagay sa akin. Para sana ako nalanag yung naghihirap hindi na siya.
Jimin's POV
Wala paring ibang pumapasok sa isip ko kundi ang anak ko. Lahat kinuha na sa akin pati ba naman ang anak ko? Hindi ako papayag na ganun na lamang 'yun. Lahat ng dapat mag bayad sa pagkawala ng anak ko, magbabayad.
Wala akong ibang nararamdaman kundi sakit at galit. Buong buhay ko, lahat ng sakit na sa akin. Lahat ng paghihirap na sa akin. Ngayon, sila naman. Ipapadama ko sa kanila kung ano ang naramdaman ko. Ngayon, malalaman na nila kung paano mahirapan ng sobra. Ipararanas ko sa kanila kung ano ang ipinaranas nila sa akin.
Lumipas ang isang linggo, mula nung makauwe uli ako. Andito ako sa bahay ni tita tumutuloy. Bukas lunes na, papasok na uli ako. Handa naman na ako, saka ako rin ang nagsabi kay tita na ipagpapatuloy ko. Sayang naman kasi 4th year na ako eh. Saka dito ako magsisimula sa mga plano ko. Si EL naman, ayun busy na rin madami kasi siyang na miss na activities at exams eh. Kaya di siya masyado nakadalaw sa akin nitong linggo.
Kinabukasan..
Handang-handa na akong pumasok. Inayos ko na ang dapat ayusin. Hinanda ko na rin ang dapat ihanda. Ngayon ako magsisimula. Ngayon nila pagbabayaran lahat. Huminga ako ng malalim saka umakmang paalis na nang biglang bumukas ang pinto na kinagulat ko.
"EL?" tanong ko. Siya pala. Ano ginagawa niya dito?
"Lexi? What happened to you? Ba't ganyan ang ayos mo?" Gulat na tanong niya.
BINABASA MO ANG
They are HEARTLESS! (Minsul)
RomansaMahirap talaga ang masyadong mabait ksi 'di mo npapansin kawawa ka na pla ang hina-hina mo na pla.. Ang pgiging mabait hndi na pinupuri, kinakamuhian na. Hindi na uso ang mabait ngayon inaapi kana pag ganyan ka! Eh? anu nba tlga ang gusto nila?? ang...