EL's POV
Nagda-drive na ako ngayon. Sa totoo lang 'di ko pa alam kung sa'n talaga kami pupunta. Si Lexi, andito naiyak parin. Puta na 'to sabing ayokong nakikita siyang umiiyak eh.
Mabilis akong nag drive nang may naalala akong lugar kung saan magandang puntahan. Yung lugar kung saan ko siya dinala noon nung nagyayaya siya ng gala at hindi ako pumayag kasi maggagabi na nun tas gala parin. Eh, umiyak kaya pinag bigyan ko narin. Tss -_-
Nang makarating na kami tinigil ko na ang sasakyan at sandaling nanatili muna sa loob. Tahimik lang sa loob ng sasakyan, wala kang ibang maririnig kundi ang ipit na iyak ni Lexi at napapamura talaga akong tanginang yan! Puta talagang Three yan! tangina niya! Dodoblehen ko na talaga siya sa sunod mang maging anim siya! Bumaba ako saka umikot para pagbuksan si Lexi.
"Lexi, tara doon tayo. Mahangin doon. Iyak ka naman nang iyak diyan eh." saka ko siya inakay at naupo kami sa damuhan.
Wala parin siya sa sarili niya. Nakaharap ako sa kanya at siya rin nakaharap sa'kin habang naka-upo kaming dalawa.
"Lexi, c'mon speak. What's wrong anong nangyari?" Hindi ako sanay dito, pota. Hindi siya umiimik kundi umiiyak parin.
"Hey, Lexi! Anong nangyari? Sabihin mo sa'kin?" Hinahawakan ko ang muka niya gamit ang dalawa kong mga palad saka inangat ang mukha niya para tumingin siya sa'kin.
"E-EL I-I'm in p-pain." Pagkatapos niyang sabihin yun ang mga salitang iyon bigla nalang may kumirot sa puso ko at 'di ko alam kung bakit saka ko siya niyakap ng mahigpit.
I don't know what to do. She's hurt. She's in pain. I should protect her, right? I really should. I should atleast comfort her but, homestly I don't know how.
"H-hey, a-ano .. tama na. Uhh .. Andito ako .. tita mo andito rin .. Andito kami. Tahan na. S-sshh" Saka ko hinimas himas ang likod niya.
I'm trying to comfort her. It's hard to comfort someone especially to special someone! How can I comfort her? for pete's sake! This is the first time! -_-
Bigla siyang humiwalay sa pagkakayakap namin at saka hinawakan ako sa magkabila kong mukha at ang sunod niyang ginawa ang kinagulat ko at kasabay din nun ang paglindol sa puso ko.
She's kissing me. Nakapikit ang mga mata niya habang dilat na dilat ang mga mata ko dahil sa gulat. ANONG GINAGAWA NIYA? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang bilis.
Hindi ko namalayang napapikit narin ako and I slowly respond her kisses. This is what I'm dreaming for. Ansaya na ang sakit. Ang saya kasi natupad ang pangarap kong ito na mahalikan siya. Pero ang sakit kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako ang iniisip niya habang hinahalikan niya ako. Iba ang sinisigaw ng puso niya.
Maya-maya rin ay humiwalay siya habang hawak parin ng mga kamay niya ang mukha ko at saka niya ako tiningnan sa mata. At ang mga lumabas sa kanyang bibig ang nagpatigil sa'kin.
"EL, save me. Please." saka siya ulit napahagulgol ng iyak. Mabilis ko siyang niyakap ng sobrang higpit.
Mahal ko siya. Oo mahal ko siya! Tangina gan'to pala magmahal! Kakaiba! Gagawin lahat para lang sa taong mahal mo. Humiwalay ako sa yakap saka ko hinawakan ang muka niya at iniharap sa'kin ang mga mata niya.
"Yeah, I will. Promise." saka ko siya ulit niyakap.
Hindi ko alam kung ano nangyayari sa'kin basta alam ko nagpapadala ako sa nararamdaman ko.
Kaso ang mga sumunod na sinabi niya ang parang nagpabato sa'kin.
"EL, buntis ako."
Itutuloy .. itutuloy ..
BINABASA MO ANG
They are HEARTLESS! (Minsul)
RomanceMahirap talaga ang masyadong mabait ksi 'di mo npapansin kawawa ka na pla ang hina-hina mo na pla.. Ang pgiging mabait hndi na pinupuri, kinakamuhian na. Hindi na uso ang mabait ngayon inaapi kana pag ganyan ka! Eh? anu nba tlga ang gusto nila?? ang...
