Lexi's POV
Dalawang linggo narin ang nakalipas simula nung mangyari sa amin ni Three yun. Sa dalawang linggong yun. Umiiyak lang ako ng umiiyak! 'di rin ako pumapasok kasi ayoko pang makita si Three! Wala akong mukang ihaharap sa kanya!! Nung gabing yun, pagkagising ko umalis agad ako. Wala akong iniwan ni sulat o anu man. Ngayon umiiyak nanaman ako kasi parang ang dumi ko na!
Mabaet ako 'diba?? Pero bakit sinuko ko agad yun?? Paano nalang pag magbunga 'to?? Anung mukha ang ihaharap ko??
Wala pa akong sinasabihan sa nangyari! Hindi ko pa kaya! Hindi ko nga alam kung naaalala ni Three yun kasi alam kong lasing siya 'diba?? Andito ako sa kwarto ko umiiyak pa'rin.
"Lexi, si tita Lian 'to. Buksan mo muna 'to ito oh pagkain. Kain ka muna." rinig kong sabi ni tita mula sa labas ng kwarto ko. Kaya binuksan ko.
Pumunta kami ni tita sa kama ko. Umupo siya sa tabi ko. "Lexi, anak ano ba nangyayari ilang araw ka ng nagkukulong dito. Ano ba meron??" pagkasabi nun ni tita.
Bigla nalang ako nasuka, kaya pumunta ako ng CR! Duwal lang ako ng duwal. Sinundan naman ako ni tita at habang nagsusuka ng walang iba kundi tubig lang, hinihimas niaman ni tita ang likod ko.
"May sakit ka ba huh?? Ano ba kasing nangyayari sa'yo?? Tita mo'ko! sabihin mo ano ba yun??" Bigla akong kinabahan kasi naalala ko yung mga signs of pregnancy. Nagbunga na kaya?? Hindi pwede! Paano na ako?? Anu nalang sasabihin nika sa'kin?? Nanlumo aki bigla at saka ako napahagulgol! Yinakap ko na si tita!
"Ti..tita! Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Paano na? H-hindi ko pa kaya." sabi ko na naiyak! kasi almost sure na possible na I'm already pregnant.
"Sssshhh, don't cry. What's the problem?? Say it to me. What's wrong??" sabi sa'kin ni tita. Natatakot ako. Humahagulgol parin ako.
"Ti-tita m-may n-na-nangyari p-po s-sa-samin ni T-th-three. N-natatakot ako tita .." sabi ko kay at lalo akong napahagulgol! Napahigpit ang yakap ko kay tita. Halata ko ang gulat kay tita kasi napatigil siya sa pag himas ng likod ko but still she's comforting me. I cried out loud.
"Sssshhh don't worry pag na confirm na natin. Ipaaalam natin sa kanya. It's okay sssshhh! It's okay!" pagtahan sa'kin ni tita. at hinimas-himas niya ang likod ko para pakalmahin ako. Naiyak parin ako habang nakayakap parin kay tita.
"Dito kalang. Let's confirm it. Okay?? Hintayin mo'ko" sabi ni tita at humiwalay ng pagkakayakap sa'kin.
"t..t..tita na..nata..takot ako" sabi ko habang naiyak parin.
"Sssshh! Don't be scared. It's okay! It's okay! Hintayin mo lang ako diyan! Okay??" tumango nalang ako. At umalis na nga si tita. Andito ako ngayon kay tita tumutuloy, at wala rin akong balak umuwi sa'min .. Ayoko! kasi natatakot pa ako! Kila ate, manang, manong, mama at papa! Kasi baka pati sila ikahiya narin ako.
******************
It's positive! I'M PREGNANT AT AGE OF 17!! NAKAKAKAHIYA AKO! TANGA AKO! akala ko matalino talaga ako! Pero ba't nangyari 'to!! Paano nalang pamilya ko, si EL si Elana at mga tao sa school. Ano nalang sasabihin nila sakin?? Ano nalang sasabihin ko kay Three???
Napahagulgol ako habang yakap si tita. Yeah, alam na ni tita siya ang nagconfirm kasi 'di ko pa alam paano gamitin yun. Nahagulgol parin ako.
"t-t-ita! a-a-ano n-n-na g-gagawin k-ko?? Natatakot ako kila mama." sabi ko kay tita habang naiyak parin.
"Ssshhh, it's okay it's okay. Don't cry. Ipaaalam natin 'to kay Three. Ssshhh tahan na. Saka na natin problemahin kung paano ipaalam sa mama mo." sabi ni tita sa'kin.
BINABASA MO ANG
They are HEARTLESS! (Minsul)
RomanceMahirap talaga ang masyadong mabait ksi 'di mo npapansin kawawa ka na pla ang hina-hina mo na pla.. Ang pgiging mabait hndi na pinupuri, kinakamuhian na. Hindi na uso ang mabait ngayon inaapi kana pag ganyan ka! Eh? anu nba tlga ang gusto nila?? ang...
