(NOTE: MAY MGA MURA PARIN PO DIRO SA CHAPTER NA'TO PINAALALAHANAN KO LANG PO YUNG MGA BATANG NAGBABASA.)
EL's POV
Sasabayan ko na sana siya sa pag galaw ng mga labi dahil wala na talaga ako sa wisyo ko, nang pumasok sa isip ko ang mukha ni Lexi habang umiiyak. Kaya mabilis ko siyang itinulak at alam kong ikinagulat niya ito. Napaupo siya sa sahig dahil sa lakas ng pagtulak ko. Biglang nagdilim ang paningin ko.
"PUTA! MALANDI KA BA TALAGA? AYOKO SABI 'DIBA? NI PANGALAN MO HINDI KO ALAM TAPOS HAHALIKAN MO AKO? TANGINA! BABAE KA! KONTING RESPETO NAMAN PARA SA SARILI MO!" Saka siya nag-iiyak habang naka-upo.
Dali-dali akong umalis at pinabayaan nalang doon ang babae. Pakealam ko sa kanya. -_- Hindi ko nga siya kilala!
Habang naglalakad ako palabas aba putangina! May nahagip ang mata kong 'di kanaisnais. Kaya agad ko itong pinuntahan. Sigurado akong siya 'to!
"PUTANGINA MONG GAGO KA! AT NAGPAKITA KA PA TALAGA NGAYON SA'KIN?! GAGO KA! PAPATAYIN KITA! PUTA KA! PAPATAYIN KITA HAYOP KA!! ULOL KA! KATING-KATI AKONG MAPATAY KA ALAM MO BA YUN?!" Kasabay ng mga pagmura ko ang sunod-sunod na pagsuntok sa kanya.
Lexi's POV
Andito na ako sa tapat ng bahay namin. Kakaalis lang din ng sasakyan ni EL. Hanggang ngayon wala parin akong alam kung bakit. Kung bakit niya ginagawa sa'kin yun. Pumasok na ako saka umakyat nang madaanan ko ang kwarto nila mama. Naririnig ko silang nag-uusap.
Hindi ko na sana papakinggan dahil pagod narin ako. Kaso bigla nanamang nasangkot ang pangalan ko.
"Paano natin 'to sasabihin kay Jimin?" si mama. Ito nanaman sila sa pangalan ko.
"Alam naman nating kahit panganay si Yuri hindi siya pwede ang ipakasal natin. Delikado sa kanya. Baka kung anong mangyari sa kanya." sabi ulit ni papa. Wala akong maintindihan sa pag-uusap nila.
"Anong sasabihin mo kay Jimin?" tanong ni mama
"Ako na ang bahala. Sasabihin nalang nating ipapakasal natin siya sa panganay na anak ni Mr. Garcia. Saka si Yuri na ang bahalang mag-isang humawak ng kompanya." Ngayon alam ko na. Hindi ako ganun katanga para hindi maintindihan sila. Puso ko lang ang durog hindi ang utak ko.
Naiintindihan ko na .. Ako nanaman ang kakawawain nila? Hindi ako iiyak pagod na ako. Hindi ko lang maintindihan durog-durog na nga ba't may sakit parin? May mas isasakit pa pala yung kanina? Napatawa nalang tuloy ako. Ang tibay ng puso ko.
"Hahahahahahahahahahaha" Kahit ako hindi ko alam kung bakit ako natawa. Nababaliw na ata ako? Nakakabaliw siguro ang sobrang masaktan.
"Hahahahahahahaha" Napahawak na ako sa tiyan ko sa sobrang pagtawa. Siguro dahil wala na akong luhang malabas kaya dinadaan nalang sa tawa yung sakit.
"Hahaha--" Naputol ang muli kong pagtawa nang lumabas si papa at mama at kinagulat nila nang makita ako.
"Jimin!" si papa.
"Pa, ma! Kung tatanungin niyo po ako kung narinig ko. Opo lahat, narinig ko." Seryosong sabi ko.
"Jim--" pinutol ko na ang sasabihin ni mama.
"Bakit?" maikling tanong ko na nagpakunot ng mga noo nila.
"Bakit ako? Palagi nalang ako? Iniintindi ko naman eh kaso sobra na! Sobra na ring pag-iintindi ko ang binibigay ko. Sabihin niyo nga sa'kin." Nakayuko lang si mama habang si papa nakatingin sa ibang direksyon.
"Sabihin niyo nga, kung ano bang kasalanan ko. Ano bang malaking nagawa ko para ganito. Oo, iniisip niyo kaligtasan niya kasi may sakit siya! Pero sobra na! Isang galaw niya lang ba mamamatay na siya? Hindi naman 'diba?! Kambal kami 'diba?! Parehas kami! Pero bakit sa'ming dalawa wala ang pagkakapareha?! Pinagsisisihan kong napunta ako dito sa pamilyang 'to" Pagkatapos kong sabihin 'yun isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko.
"Mga magulang mo parin kami kaya huwag kang magsasalita na akala mo 'di ka namin pinakakain." Galit na sabi ni papa dahilan kaya ako napatawa ng mapakla.
"Hindi ako humihingi ng pagkain. Hindi iyon ang kailangan ko. Pantay na pagtrato ang kailangan ko na kahit kailan 'di niyo binigay sa'kin. Ngayon, ako nanaman ang ipapakasal niyo kasi delikado sa prinsesa niyo? Ano ako dito?! reserba?! Naisip niyo rin ba na baka delikado rin sa'kin? 'Diba hindi? Kasi para sa inyo wala lang ako! Isa pa, yung kumpanya. Nagpakahirap akong mag-aral para maging una sa klase para sana pag nasa kompanya na ako magtrabaho magagalingan kayo sa'kin at mapapansin niyo ako. Kaso parang 'di na ata mangyayari yun kasi yung sana katiting na maibibigay niyo man lang sa'kin ay binawi narin at binigay ng buo sa prinsesa niyo." Hindi ko namalayang may tumulong luha na pala sa mga mata ko. Hindi pa pala siya ubos may maibubuga pa pala! Ibang klase!
"Buntis ako." Biglang napatingin silang dalawa sa'kin. Halata ang pagkagulat sa kanilang mukha.
"B-buntis ka? A-ang bata mo pa, Jimin! J-jimin totoo ba yan? Ano nalang sasabihin ng mga tao?!" Hindi napigilang tanong ni mama na medyo kataas ang boses.
"Nagulat kayo nouh? Wala kayong kamalay-malay na buntis na pala ako. Palibhasa sobrang busy niyo at hindi niyo namalayan na binuntis na pala anak niyo. At dahil sa sobrang pagka-busy niyo si Ate nalang ang nakakamusta tuwing bibisita dito. At ito pa, alam niyo kung ano nakakatawa? Imbes na kalagayan ko ang intindihin niyo nung sinabi kong buntis ako yung sasabihin ng tao ang inintindi niyo! Ang saya nun sa pakiramdam, ma! Ang saya! Alam niyo kung anong pinagdadasal ko tuwing gabi? Na sana kahit minsan tratuhin niyo rin ako tulad ng pagtrato niyo kay ate. Kaso, narealize ko mali pala ang pinagdadasal tuwing gabi dapat pala pinagdasal ko nalang na sana ipagtabuyan niyo nalang ako at nang makahanap ako mg TOTOONG PAMILYA! TOTOONG NANAY! TOTOONG TAT--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa pangalawang pagkakataon nasampal nanaman ako ni papa ngunit mas malakas kesa kanina.
"Wala kang karapatang maglakas ng boses sa loob ng bahay ko! Ang bastos mo na magsalita! Ayan ba ang tinuro namin sa'yo" Bigla nanaman ulit akong natawa sa sinabing 'yun ni papa.
"Wala. Kayong. Itinuro. Sa'kin." Madiin kong sabi. Gusto ko ipamukha sa kanila 'yun.
"Ang bastos mo na talaga ano bang pinagmamalaki mo dito, huh?! At talagang nagdala ka pa ng salot diyan sa loob ng tiyan mo! Lumayas ka! 'diba gusto mong ipagtabuyan ka?! Pwes 'di mo na kailangan magdasal dahil ngayon palang wala na akong anak na gaya mo! Lumayas kayo ng salot mong an--" Sinampal ko si PAPA. Hindi ko na kaya ang mga sinasabi niya. Ang sama niya. Narinig ko na ang iyak ni mama
"Ito ang tatandaan mo LUIS, mabaet ako, kaya kong tanggapin lahat! Lahat ng sasabihin niyong masama huwag na huwag niyo lang idamay ang anak ko dahil walang-wala kayong karapatan para pagsalitaan ako lalong-lalo ang anak ko! Dahil wala na tayong koneksyon! Hindi mo'ko anak at hindi kita ama!" Saka ako tumakbo sa kwarto ko at nagbalot.
Pagkatapos ay agad akong lumabas at sumakay sa sasakyan 'di na ako nagpa-drive. Kahit 'di ako masyadong marunong magdrive naglakas loob parin akong magdrive basta maka-alis lang ako sa bahay. May alam naman ako kung paano magpaandar kahit papaano.
Habang nagda-drive ako patuloy lang ang tulo ng luha ko dahil paulit-ulit sa tenga ko yung mga sinasabi ng papa ko. Ang sakit ng mga sinasabi niya sa anak ko. Walang pwedeng manakit ng anak ko! Kahit ang mga magulang ko pa. Mahal ko ang anak ko, ayokong pati siya maramdaman ang mga nararamdaman ko.
Habang tulo parin ng tulo ang luha ko habang nagda-drive panay naman ako sa pag pahid ng mata ko. Hanggang sa parang nakaramdam ako ng hilo. Hindi ko alam, lumalabo na ang paningin ko at sobrang sakit ng ulo ko. Hindi pwede 'to. Hindi pwede, kailangan kong itigil ang sasakayan. Habang hinahanap ko ang pedal ng break ay bigla nalang akong nakarinig ng malakas na pagkabundol kasabay ng pagdilim ng mga paningin ko.
Itutuloy .. itutuloy ..
BINABASA MO ANG
They are HEARTLESS! (Minsul)
RomanceMahirap talaga ang masyadong mabait ksi 'di mo npapansin kawawa ka na pla ang hina-hina mo na pla.. Ang pgiging mabait hndi na pinupuri, kinakamuhian na. Hindi na uso ang mabait ngayon inaapi kana pag ganyan ka! Eh? anu nba tlga ang gusto nila?? ang...