EL's POV
Dali dali akong lumabas ng presinto at pinaharurot ang motor ko. Narinig ko pa ang pulis ma hinabol ako pero hindi ko na pinansin. Nanggigil akong pinapatakbo ang motor ko. Wala na akong pake sa disgrasya basta marating mo lang ang ospital ASAP! Tangina, kung pwede lang lumipad kanina ko pa ginawa.
Mabilis lang akong nagda-drive nang biglang .. nag REDLIGHT!
PUTANGINA!
Kung minamalas ka nga naman oh. Halos mapataob ko ang motor sa sobrang brake. Muntik pa akong madisgrasya. Pero wala na akong pake! Basta, ospital! Ospital .. Si Lexi! Tangina, ang tagal!! Walong segundo nalang. Handang handa na akong paandari ang motor, tangina nakakapanggigil.
8
7
6
5
4
3
2
1
..
Saka ko pinaharurot ng napaka-bilis ang motor ko.
Wala pang sampung minuto at nasa ospital na ako. Agad kong tinanong ang pangalan ni Lexi. Agad rin naman nilang tinuro saka ako tumakbo papunta sa sinabi ng nurse.
Pagkapunta ko nakita ko ang tita ni Lexi na umiiyak.
"Tita! Si Lexi po?" agad na tanong ko.
"EL! Buti andito ka na! Ewan ko. Ewan ko ba ano nangyari sa batang yan. Nabunggo daw ang sasakyan. Eh hindi marunong mag drive yan. Diyos ko! Ano bang nangyayare! Hindi sana mapahamak si Lexi."
Nagulat ako sa mga narinig ko. Si lexi? nabunggo?
"Asan po si Lexi ngayon?!"
"Asa emergency room na El. Bawal daw pumasok."
Agad naman akong tumakbo papuntang emergency room. Saka sinubukang pumasok kaso agad rin naman ako nilang pinigilan.
"LEXI!!!"
"LEXI!!!"
"PAPASUKIN NIYO AKO!!!!"
Patuloy ako sa pag palag para sana makapasok ngunit patuloy rin sila sa pag pigil sa akin.
"Hindi po pwede sir!!!"
"Huminahon po kayo!" saad ng mga pumipogil sa akin. Ngunit patuloy parin ako sa pagpumilit na pumasok nang pigilan narin ako ng tita ni Lexi.
"El, huminahon ka. Walang magagawang mabuti ang pagpumilit mong pumasok diyan. Huminahon ka. Ipagdasal nalang natin si Jimin." sabi ng tita ni Lexi na siyang nagpigil sa akin sa pag palag kaya wala akong nagawa kundi tumigil na din.
"PUTANGINA!!!" sigaw ko saka pumalag sa mga hawak nila at umalis.
Lexi, putangina! Ano bang ginagawa mo?! Nasiraan ka na ba?!!! Dahil lang sa hindi mapanindigan ng gagong yun ang anak mo, gumawa ka na ng ganyan?! Putangina naman! Kaya ko naman eh!! Kaya ko namang kahit ako nalang tumayong ama ng dinadala mo eh! Putangina!!!
Hindi ko namalayan na nasa simbahan na pala ako. Ewan ko kung bakit ako nandito? Ni hindi ko nga alam na dinala na pala ako ng sarili ko dito.
Pumasok ako ng dahan dahan saka umupo sa harapan. Dahan dahan ko ring niyuko ang ulo ko saka pumikit. Hindi ako ganun ka-maka-Diyos. Pero alam kong ano mang hilingin ng isang tao ay tutugunan niya. Naniniwala ako sa kanya. Kaya sana matugunan niya ang dalangin ko.
Diyos ko, patawarin niyo po sana ako sa mga nagawa ko. Alam ko pong wala akong karapatan lumapit sa inyo dahil hindi po ako isang tuwid na tao. Wala po akong karapatan para humiling sa inyo. Kaya sana po patawarin niyo po ako sa mga nagawa kong mga mali at kasalanan. Gabayan niyo po sana si Lexi. Huwag niyo po sana siyang ipahamak. Iligtas niyo po siya. Amen.
Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. Sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang ganun. Ngayon ko lang naranasang magdasal ng taimtim. Sana tugunann niya ang kahilingan ko.
Pagkatapos sa simbahan bumalik narin ako sa hospital. Mga ilang oras din ang pag aantay namin ng tita ni Lexi para sa resulta niya. Kung ano ba ang kalagayan niya. Mga sandali pa'y lumabas na ang doctor at tinawag ang pamilya ni Lexi. Agad din naman akong tumayo pati ang tita niya.
"Kamusta na po ang lagay ng pasyente doc?"
Itutuloy ...
(Sorry sa late UD)
BINABASA MO ANG
They are HEARTLESS! (Minsul)
RomanceMahirap talaga ang masyadong mabait ksi 'di mo npapansin kawawa ka na pla ang hina-hina mo na pla.. Ang pgiging mabait hndi na pinupuri, kinakamuhian na. Hindi na uso ang mabait ngayon inaapi kana pag ganyan ka! Eh? anu nba tlga ang gusto nila?? ang...