Changed begin

153 4 1
                                        

Jimin's POV

Unti-unti kong binuksan ang aking mata mula sa pagkakapikit. Nang maidilat ko na ito, wala akong maaninag ni isa dahil sa sobrang labo ng aking paningin. Ang tanging naaaninag ko lang ay may mga naka-ikot sa'kin na mga malalabong hugis damit na iba't-iba ang kulay kung hindi ako nagkakamali mga tao nga ito. May mga taong nakapaligid sa'ken. Bakit?

Sa kabila ng mga ilan-ilang tanong sa isip ko nakarinig ako ng ilan-ilang mga bulungan na nanggagaling sa mga taong nakapaligid sa'ken.

"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!!! BILISAN NIYO!!"

"Hala!!!! Nadilat siyaaa!!!!"

"Tsk. Babae pa pala ito. Naku kawawa naman. Eneng, eneng! Naririnig mo ba ako?"

"Ano ba daw nangyare?"

"Sa pagkakaalam ko nabangga 'to eh."

"Eh, baka naman kasi naka-inom tapos nag drive."

"Ewan ko. Basta, kawawa oh. Duguan. Tsk! Tsk! Tsk!"

Sa kabila ng maraming komento ng mga taong nakapaligid sa akin. Mas pinili kong ipikit nalang ang aking mata dahil mas lalo akong naguluhan sa kung anong nangyare.

Maya-maya pa ay..

Isang malakas na tunog ng ambulansya ang akin namang narinig. At bigla rin akong nagulat nang biglang naramdaman ko ang pagbuhat sa'ken sa loob ng ambulansya at doon ko naramdaman ang mga kirot na nagmula sa ilang parte ng aking katawan. Malalim kong inaalala kung ano bang nangyari mula sa mga narinig ko sa mga tao kanina at sa mga kirot na nararamdaman ko ngayon sa ibang parte ng aking katawan at doon ko napagtanto na ang pag-alala sa nangyari kanina lang ay ang pinakamasakit at pinakamali na nagawa ko. Sa kabila ng malalim kong pag-iisip saka ko naramdaman ang sunod-sunod na tulo ng luha ko.

Ang anak ko..

Wala na..

Sa aking pagkakahiga ay ramdam ko parin ang mga kirot mapa emosyonal at mapa pisikal ngunit sa kabila nun pinilit ko paring tumayo.. Kailangan kong tumayo para sa anak ko.. Kailangan niya ako.. Hindi pwede..

"Miss, naku!! Humiga lang po kayo. Nakakasama po 'yan sa mga sugat niyo. Pupunta po tayo ngayon sa Ospital. Huminahon ho kayo." Sabi ng babae na kung hindi ako nagkakamali ay nurse. Pilit niya rin akong hinihiga.

"Hindi.. hindi.. Yung anak ko!!! Yung anak ko!! Tulungan niyo po ako!! Yung anak ko!!! Kailangan maligtas siya!! Kailangan niya ako!! Parang awa niyo na!!!" Kasabay ng mga sigaw na yun ang mga luha ko na walang tigil sa pagkakatulo. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Anak ko nalang ang meron ako, nawala pa. Lahat kinuha sa'ken.

"Opo, opo. Basta huminahon po kayo." Pilit niya parin akong hinihiga at patuloy parin ako sa pagtayo.

"YUNG ANAK KO!! PARANG AWA NIYO NAAA!!!" Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa sobrang gulo ng utak ko. Hindi ko na alam. Para akong baliw na hindi alam kung anong dapat bang isipin. Pagod na pagod na ang utak ko. Ngunit sa kabila nun patuloy parin ang aking pagluha. Hindi ko na ininda ang mga sakit at kirot na dala ng mga sugat ko ang tanging nasa isip ko lang ay ang anak ko.

Patuloy siya sa pagpigil sa akin at patuloy parin ako sa pagpalag hanggang sa naramdaman ko nalang na may tinusok siya sa akin at doon dumilim ang lahat.

EL's POV

"Matagal pa ba akong maghihintay dito?" Tanong ko sa pulis. Inip na inip na ako, tangina. Bigla akong 'di napakali eh. Antagal naman kasi talaga.

"May hinihintay pa tayo. Yung binugbog mo, pinuruhan mo masyado kaya mag-antay ka diyan." Sabi ng pulis.

Kulang pa nga yun eh. Ang bakla naman ng katawan ng gagong yun. -_- Sa tirahan lang magaling. Akalain mong naka-jackpot agad kay Jimin. Tss -_- , ano ba 'tong pinag-iisip ko. Nakakagago.

Napabuntong-hininga na lang ako sa sobrang hindi ako mapakali. Tangina, ang tagal talaga.

Tangina, napaabot pa sa prisinto yung pagbugboh ko sa gagong yun. Pasalamat talaga siya at napigilan ako kung hindi baka nilalamayan na siya ngayon. Tangina niya. Nakamaapat na'kong tangina, ewan ko ba parang kinabahan ako bigla ngayon eh. Hindi ako mapakali. Ewan ko ba.

"Hindi ba talaga ako pwedeng unuwi nalang?"


"Hindi pa nga, ba't ang kulet ng itlog mo?" Sabi ulit niya. Di ko nalang pinansin, mukang gago eh. -_-

Ilang minuto pa ang lumipas nang tumunog ang cellphone ko ..


Tiningnan ko .. may tumatawag. Tita ni Jimin 'to ah. Kaya, agad ko itong sinagot.

"Hello tita? Napatawag po kayo?" Salubong na tanong ko.

"Pumunta ka ngayon sa **** Hospital, andito si Lexi. Nabangga yung sasakyang sinasakyan niya. Bilisan mo."

Itutuloy ...

(Note: Huhuhuhuhuhu, sorry sa superdupeeeeeeer late update ah. :( Nawala na kasi 'to sa isip ko kasi superdupeeeer busy eh. Sorryyyyyy talaga. :'( Huhuhu.)

They are HEARTLESS! (Minsul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon