Irish's POV
"Be sure na walang magiging problema dyan sa restaurant."
(Yes Ma'am Irish.)
"Ok.Bye." I ended the call.
May party kasi ngayon sa LaVentura Restaurant, ayaw ko namang mapahiya sa iba.
Lance asked me if could I be his business partner, at wala namang masama dun kaya pumayag na ako.Ako at siya ang may-ari ng 56th branch ng LaVentura.
Kesa naman maubos lang ang pera namin ni Ian, its good kung ii-invest ko nalang sa isang business.
Hindi na ako umaasang babalik pa siya, kaso hindi ko maiwasang mag-alala.
Kung maayos ba ang lagay niya.Kung inaalagaan ba siya ng babaeng ipinalit niya sa akin.
Sa pitong buwan na wala siya ang dami nang nagbago.
Nine months old na ang babies namin.Makukulet na babies na sila.At mas nakikita ko na yung features nila.Mas kamukha ni Ian si Yani, halos lahat ata nakuha niya kay Ian.Si Geoff naman, mas kamukha din siya ni Ian pero may unting nakuha sa akin. Naiinis nga ako minsan eh, bakit mas kamukha nila ang Tatay nila, kesa sa akin eh ako naman ang nagdala sa kanila ng siyam na buwan.Hayy.. Malakas lang talaga ang dugo mo Honey.
Sila Ryan at Samantha, finally may baby na kaso one month palang sa womb ni Samantha. Ewan ko kung paano nakabuo yung dalawa eh alam na alam kong may pagka-maria clara si Samantha.Napa-conservative nang babaeng yun eh. Tuwang-tuwa nga si Ryan nang malaman yun eh at ganun din yung nakita kong tuwa nung malaman ni Ian na buntis ako sa babies namin.Made in France pa ang baby nila.Ang bongga!
"Geoff here's your Mommy." hawak naman ni Mamita si Geoff patungo sa akin.
Ok na rin kami ni Mamita. Only time can heal sabi nga nila, I just woke up one morning na parang wala na akong sama ng loob sa kanya.Siguro dahil nakikita kong talagang bumabawi na siya.Wala na sa akin ang lahat ng mga nangyari noon. Kung hindi naman dahil sa past things eh hindi magiging ganito ang present life ko.
We need to accept the reality.Nasaktan ako ni Mamita at nasaktan ko din siya dahil sa pag-iwas ko sa kanya, parehas kaming naging mali. Pero we forgive each other kaya ok na kami.
"Si Yani po?" tanong ko sa kanya habang ibinibigay si Geoff sa akin.
"Hawak ni Manang." at nakita ko ngang hawak niya ito.
Nalulungkot ako ngayon kasi aalis na si Manang. Uuwi na siya sa probinsya niya. Nakatapos na kasi ang dalawa niyang anak sa college, sabi niya pa eh wala na siyang dahilan pa para magsumikap dahil napagtapos na niya ang mga anak niya.Sa 23 years naming magkasama ni Manang, ngayon na kami magkakahiwalay. Simula pa baby ako siya na ang nag-alaga sa akin eh kaya medyo nakakalungkot na uuwi na siya. But then, siyempre matanda na siya at kailangan na niyang magpahinga sa trabaho.
"Manang naiiyak na naman po kayo." kinuha ni Mamita si Yani para makapagpaalam si Manang sa akin.
"Iha,maraming salamat talaga ha.Alam ko namang kahit umalis ako may taong babalik para alagaan ka muli."hindi ko masyadong nagets si Manang sa sinabi niya. Pero ganun pa man, mahal na mahal ko rin siya.
Naiiyak na talaga ako.
"Basta po mag-iingat kayo ah."niyakap ko siya nang sobrang higpit, naging pangalawa Mama ko na siya eh.
"Sige na Iha, baka hindi pa ako makaalis nito eh." hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko."Kapag bumalik siya, balitaan mo ako." with that lalo akong naiyak.
"Opo."tumatango-tangong sabi ko. Mamimiss ko talaga siya.
Niyakap niya pa ako nang mahigpit saka kinuha ang gamit niya.
BINABASA MO ANG
I RAPED HER (HE RAPED ME) by: MaxiemaeBread6
Художественная прозаKaya kayang mahalin ni Irish si Ian, ang lalaking gumahasa sa kanya? Kaya niya kayang masikmurang makasama ang taong bumaboy sa pagkatao niya?? Let's find out ..