Irish's POV
"Eh bakit nga po?" kanina ko pa to kinukulet si Ian pero ayaw akong sagutin sa tinatanong ko sa kanya.
Nakakagulat lang kasi ang aga-aga niyang magising tapos ang saya-saya niyang nagluto ng breakfast, inihanda niya pa yung pampaligo ko, tapos napatulog na rin niya ang twins.At ang pinakamalupit eh pumayag na siya sa chemotherapy na sinasabi ko.Tell me?Anong meron ngayon.Hindi ko maiwasan ang magtanong.Nung isang araw kasi grabe siya tumanggi, tapos biglang 'Honey lets go maaga pa tayo sa schedule nang chemotherapy ko' that was the exact sentence he said to me when I got up from bed.ANYARE?
May kinalaman ba to kahapon sa pagpunta ni Lance dito sa bahay?Well kung ganun nga, thanks to him.
"Alam mo nagtatampo na talaga ako sayo. Sabihin mo na kasi kung bakit?" nangingiti lang siyang nakatingin sa daan, si Manong Isko ang nagdrive para sa amin papunta sa hospital, nasa back seat naman kami ni Ian.Patuloy pa rin ako sa pagkulet sa kanya.
Yung mga bata naman,iniwan ko muna kay Mamita.
"Honey stop." kinukurot ko na siya sa braso. Hindi ko siya titigilan hanggat hindi ko siya napipilit sabihin sa akin an-- "Ai.. Ano to?" napatigil ako sa pagkurot sa braso niya nang hindi ko sinasadyang maitaas ang sleeve ng t-shirt niya at nakita ko yung mga pasa. Sobrang lapad. Hindi naman ito dahil sa pagkurot ko.
Agad naman niya hinawi ang sleeve ng shirt niya pababa."Wala yan Honey." nakakalungkot na napupuno na nang pasa ang katawan niya.
Hindi ko na siya kinulet at nanahimik nalang ako. I rest my head on his shoulder. "Those bruises, isa lang siya sa mga symptoms ng leukemia." seryosong sabi nito habang hinahaplos ang buhok ko.
Matagal na pala talaga yung sakit niya kung ganun.
"Nalulungkot ka na naman." inakbayan na niya ako at niyakap."Kaya nga ako pumayag na sa chemo na ito ay para sayo at sa twins natin,tapos biglang busangot na naman ang mukha mo.Parang gusto ko nalang tuloy umuwi kasi hindi ka naman masaya."napatingin tuloy ako sa kanya.And then I saw a weak smile.
Parang wala lang sa kanya. Parang lahat ng problema kaya niya.Kahit pa buhay na niya yung pinag-uusapan dito.
Hinawakan ko ang mga pisngi niya."Kahit mapuno pa nang pasa yang katawan mo, pumayat ka pa ng husto at maging sobrang putla hinding-hindi ako magsasawang alagaan ka.Not only because you're my husband and my children's Dad but also you're the love of my life.Gagawin ko yung dahil mahal na mahal kita." napangiti siya ng malapad.Para siyang babaeng kinikilig sa sinabi ko.
"I love you too." he gave a smack.
Sandali namang napatingin siya sa harap. Nakahawak pa rin ako sa pisngi niya. Medyo napaimpit ako nang akala ko hahalikan niya ako sa leeg."Si Manong Isko kinikilig din."bubulong lang pala. Akala ko naman! Napatingin ako sa driver seat, nakita ko sa side mirror na nakangiti si Manong.Hayy! Ang kulet!
"Dapat pala sinama natin sila Geoff and Yani." sabi ko habang nag-aayos ako nang pag-upo at dumestansya kay Ian,nakakaconcious din si Manong Isko.Naiinggit ata:)
"Dont worry may pizza tayong dala for them mamaya."huwatttttttt??
Pizza?
I looked at him with disbelief."May lagnat ka?"seryoso naman siyang umiling."May topak ka?" natatawa din siyang umiling. It takes me so much courage to say this."Hoy Mister! Yung twins po natin 9 months old palang. Do you hear me?"tumango-tango naman siya."9 MONTHS OLD PALANG! TAPOS YOU WILL BUY PIZZA FOR THEM. INSANE LANG?" kaloka! Kamusta makakita ka nang 9months old na kumakain ng pizza.
"Did I say na ipapakain ko sa kanila yun. I just said na may dala tayo for them." unbelievable talaga tong mokong na to.
"Pizza gazing ganun?Ahaha! Ewan ko sayo!" paiba-iba talaga ang mood namin nitong si Ian. Kung malulungkot man kami, agad naman may rason para maging masaya kami.
BINABASA MO ANG
I RAPED HER (HE RAPED ME) by: MaxiemaeBread6
General FictionKaya kayang mahalin ni Irish si Ian, ang lalaking gumahasa sa kanya? Kaya niya kayang masikmurang makasama ang taong bumaboy sa pagkatao niya?? Let's find out ..